-CALI's POV- "Are you sure about this, Cali?" I nodded. After two months, here I am. Finally ready to go. Ilang beses din ang ginawa kong pagkumbinsi kay Dad. Alam ko kasi na habang narito ako sa Maynila ay mananatili rin akong nakakulong sa mga masasakit na alaala. "Sigurado ho ako, Dad," tugon ko kay Dad na abala sa pagbuhat ng mga maleta ko. "Cali," tawag sa akin ni Klaire. "Hindi ka na ba talaga magpapapigil?" Ngumiti ako nang pilit. "Huwag kang mag-alala, Klaire. Pagbalik ko sa Alta Vieza, magiging maayos din ang lahat. Sinisiguro ko na pagbalik ko rito, buo na ulit ako." Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi nito at saka ako niyakap. "Mag-iingat ka roon, okay? Huwag kang mag-alala, magpapasama ako kay Nathan para bisitahin ka roon. Alam mo naman, masyado niyang kinareer ang pag-aartista." Ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat,
Last Updated : 2021-12-18 Read more