“”ARE YOU tired, Ana?” tanong ni mommy Helena sa akin. “Not really, mommy. Nag-enjoy naman ako sa pamimili natin,” sagot ko at inabot ko ang baso ng tubig. “That's good to hear, darling. Ayaw ko namang mapagod ka. Bawal rin mapagod ang buntis.” Narito kami ngayon sa isang restaurant matapos naming mamili ng mga damit pangbata. Ang dami ngang binili si mommy kung hindi pa ako umaayaw ay hindi sana siya hihinto. Hindi pa namin alam ang kasarian ng ipinagbubuntis dahil hindi pa namin napa-ultrasound ang tiyan ko. Ang balak namin ni Alexis ay hindi namin aalamin ang kasarian nang aming baby dahil gusto namin na maging sorpresa ito.
Last Updated : 2021-12-08 Read more