Aryana's POV Nang makarating kami sa harap ng bahay nina Dwayne ay hindi agad ako pumasok. Sinamahan ko itong dalhin ang aming bisekleta sa kanilang garahe. Pabalik na sana kami sa tapat nang bahay nila nang biglang nag vibrate ang phone niya. Nagkatitigan kaming pareho, napakagat pa siya sa kanyang labi. Tss, mukhang alam ko na kung bakit. Sinenyasan ko lang itong sagutin ang tawag. Huminga muna ito ng malalim bago kinausap ang nasa linya. Inilagay ko ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko bago tiningnan ito. “Yes, Mr. Hermes?” Ani ni Dwayne. Sinenyasan ko din itong I-loudspeaker para marinig ko ang pag uusapan nila. “Oh, hello. How are you, Denwei Son?” “I'm fine, Mr. Hermes. How about you?” pagsagot nito bago ako tiningnan. Pinakikinggan ko ang sunod na sasabihin ni Mr. Hermes, dahil alam ko‘ng hindi tatawag nang walang dahilan.
Last Updated : 2021-10-06 Read more