Angelica's POV "Kumusta pinapagawa ko? May progress na ba?" usal ko sa taong nasa harapan ko ngayon."Well..."Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa nitong pag-upo sa sofa ng aking opisina sa bahay. Parang masyado niyang na-feel at home dito, tinanggal pa nito ang sapatos niya at inangat pa nito sa sofa. Inunat pa ng hayop ang kaniyang binti sa sofa, aba!Kinuha ko ang ballpen na nasa harapan ko at pinindot ang dulo no'n, at agarang binato sa kaniya. Agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan habang hawak-hawak ang gitnang bahagi niya. Sayang!"Gag* ka, Angelica! Huwag naman ito," sigaw nito sa akin pero nginisian ko lang siya.Hindi ko naman talaga balak patamaan doon, tumarak lang naman iyong ballpen na may patalim sa kabilang dulo nito sa sandalan ng sofa kung saan katapat nito ang gitnang bahagi niya. Gusto kong matawa sa hitsura niya."So, ano na nga?" muli kong sambit sa kaniya.
Huling Na-update : 2022-02-20 Magbasa pa