Home / Romance / A Wife's Karma / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng A Wife's Karma: Kabanata 41 - Kabanata 50

76 Kabanata

Karma 41 - All Alone

-Condo-(Tuesday - 8am) Yssa povNagising sa maliwang na sinag ng araw na pumapasok sa aming kwarto. Wala ako sa sariling bumangon sa malamig na sahig na tinutulugan ko. Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay dahil sa kakaiyak kagabi. Para akong isang zombie na walang pag-iisip at gagalaw lang dahil kailangan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mugtong mugto ang mata ko dahil sa pag-iyak. Namumuo na naman ang luha sa mata ko habang inaalala ang masamang pangyayari kagabi.Kahit na hirap ako sa pagbangon ay naligo na ako at nag-ayos kasi napagdesisyunan ko ng umalis at magpakalayo-layo na lang kami ng baby ko. Siya na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin para mabuhay at harapin ang kinabukasan. Wala naman na rason para manatili pa kami dito. Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko dahil malinaw na lahat sa akin. Kung susuko ako ngayon, mas mapoprotektahan ko ang baby ko. Kahit mahirap ay kakayanin k
Magbasa pa

Karma 42 - Missing Yssa

Millicent PovPapunta ako ngayon sa bahay nina Yssa. Mamasko lang naman ako ng maaga sa mag-asawa and gusto ko rin makausap ng masinsinan si Yssa about sa pag-apply namin sa isang company para sa OJT.  Tinawagan na ko ng company at sinabi na may interview kami bukas. Sa akin na lang pinasabi ang balita dahil magkasama lang naman daw kami. Tatanungin ko na din siya tungkol sa pagpunta niya at pagpacheck-up sa Tita kong OB. Hindi ko siya nasamahan dahil may importanteng pinapa-asikaso sila Mommy about sa business namin. Alam ko na dumating na kahapon pa si Dave galing sa business trip niya kaya mga tanghali na lang ako pupunta sa bahay nila. Alam niyo naman pag mag-asawa at matagal na hindi nagkita miss na miss nila ang isa’t-isa. Bibigyan ko muna sila ng quality time para hindi ako masabihan na istorbo.Tinatawagan ko siya kagabi pero cannot be reach ang cellphone niya. Ilang beses ko na siyang tinatawagan kaso wala. Nagtry din akong tawagan si Dave kaso out
Magbasa pa

Karma 43 - 5 Months without Yssa

Millicent POV Limang buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin nahahanap ang bestfriend ko. Ang dami ko nang pinuntahan at hiningan ng tulong para mahanap siya pero wala pa rin. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko siya. Ang hangad ko lang na nasa mabuti siyang kalagayan at walang masamang mangyari sa kanya.Bago nagsimula ang huling semester ko sa college ay naglibot ako para mahanap ang kaibigan ko. Ang dami kong pinuntahan posibleng lugar na pwede niyang tulugan. Agad akong pumunta sa dati niyang apartment. Ang alam ko kasi ay hindi niya pa yun napaparentahan dahil may mga gamit pa siyang naiwan. Kaso matagal niya na palang nakuha ang mga gamit niya. Meron na rin pala na nakatira dun. Pagkatapos sa apartment niya ay sa puntod naman ng parents niya ko pumunta. Nakita ko na malinis ang puntod at tila may dumaan dito. Naupo ako at kinausap ang mga magulang niya para humingi ng tulong at gabay." Tito, Tita, alam ko po na nang
Magbasa pa

Karma 44 - 10 Months After

10 months after   (12nn. Wednesday) Millicent Pov Nadagdagan na naman ang buwan pero hanggang ngayon ay hindi ko mahanap si Yssa. Sampung buwan to be exact ang nakalipas nung umalis si Allyssa at hindi magpakita sa amin. Kahit call or even text na okay siya pero wala eh. Miss na miss ko na siya. Siguro kung nakapagtapos siya ng pag-aaral ay kasama ko siya sa trabaho. Nakapagtapos na ako at nagtatrabaho bilang Finance Executive sa company ng parents ko dahil nakiusap sila na maging hands on din ako sa business namin.  Nahihirapan kaming hanapin siya kasi ayaw niya talagang magpahanap. Kahit na nahire na namin ang pinakamagaling na priva
Magbasa pa

Karma 45 - His Side

-Madrigal's  Residence- (3pm, Wednesday) Papunta kami ni Athena sa isang restaurant para maglunch. She just arrived from a month of vacation from the states and she asked me if we could meet and catch up together. I immediately responded to her request because I do not have a schedule lunch meeting as what my secretary told me. It's been a few months specifically 10 months since I've heard and known the truth from her. I will not lie but I got angry to her. My Wife, Allyssa. I thought that she's different from the other girls but I was wrong. I was clouded with anger as well as my ego was hurt by my wife whom I trusted so much. _Flashback_  
Magbasa pa

Karma 46 - The Letter

9pm Nakaupo ako dito sa sala ng condong tinutuluyan ko. Hawak-hawak  ko ang sulat na nakuha ko kanina na iniwan ni Yssa para sa akin. Ilang oras na ang nakalipas nang makuha ko ito pero hindi ko pa magawang buksan at basahin man lang. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil sa mga maling desisiyon ko na hindi ko na maibabalik. Hindi ako ready na malaman ang lahat ng nasa puso at isip niya. Lahat ng paliwanag niya na hindi ko hinayaan na sabihin niya sa akin ng harapan bagkus ay pinagtabuyan ko siya. Hindi ko matatatanggap ang pagkakamaling nagawa ko at hirap kong unawain ang sarili dahil ni hindi ko man lang siya pinakinggan kahit saglit lang. Nagpatalo ako sa init ng ulo at sulsol ng tao na nasa paligid ko. Sobrang naging duwag ako. Huminga muna ako ng malallim bago ko binuksan at binasa ang sulat niya
Magbasa pa

Karma 47 - Operation Finding Yssa

Dave POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Xander ay agad kong tinawagan ang iba naming kaibigan. Una kong tinawagan si Blue para siya na ang lahat na ang kumontak sa mga kaibigan namin."Hello Blue!"[Yo Dave! Finally nagparamdam ka na. Namiss kita brother!] "Yeah, enough of the drama. Gather all now. We need to plan agad para mahanap natin si Yssa."[Oh, so you are back in your senses now.] may paghimig nang yabang na sabi niya pero hindi ko na lang pinanasin."Yeah! Got hit by the reality that I was a mess and a coward," pag-amin ko sa kanya.[That's good to know that you finally have the courage to fight and accept the reality, so ano ba dapat namin gawin?] tanong niya sa akin."Can you gather all? Punta kayo dito ngayon sa condo ko nung college pa tayo. We need to plan. I need your help para mahanap ko ang asawa ko. Can you all go here now? I will wait for you all," mahinahong sabi ko sa kanya.[Alright! I can
Magbasa pa

Karma 48 - Day 1 of Searching

Dave's PovAgad akong pumunta sa bahay namin para makausap ko si Mommy. Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko para agad akong makarating sa bahay namin. Muntik pa nga akong mahuli ng mga nakatambay na traffic enforcer dahil lagpas na sa speed limit ang takbo ko buti na lang hindi ako napansin. Gusto ko nang makita si Mommy para malaman ko ang impormasyon na meron siya. Alam ko alam niya ang nangyayari sa akin, sa amin pero hindi lang siya nakikialam hanggat hindi ako ang kusang lumapit sa kanya at humingi ng tulong. Ganyan naman siya palagi. Simula bata pa ako ay hinahayaan niya akong magdesisyon ng mag-isa at ginagabayan niya lang ako. Makikialam lang siya kapag may mali na akong nagawa. Alam ko naman na galit na galit si Mommy sa akin ngayon dahil sa ginawa ko kay Yssa. Mahal na mahal niya si Yssa kahit na hindi niya sabihin sa akin. Mas mahal niya pa ang asawa ko kaysa sa akin. Ra
Magbasa pa

Karma 49 - Xander

Xander Pov Hindi ko alam kung ano ang irereact sa narinig ko sa kalagayan niya. Isa ito sa araw na napakahirap tanggapin ang masamang balita. Bakit sa lahat, si Yssa pa ang nakakaranas ng ganito? Ang sweet, caring at thoughtful na babae. Hindi ko mapigilan ang manlungkot sa sitwasyon niya ngayon. Hindi siya pwedeng mamamatay lalong-lalo dahil kailangan siya ng anak niya. Ang anak niya kay Dave na si Yade David Madrigal. Her only son. The love of his life and the reason kung bakit siya ay patuloy na lumalaban kahit mahirap para sa kanya. Paano kung mamatay siya? Kawawa naman ang anak niya. Walang mama na mag-aalaga at gagabay sa kanya sa paglaki.Umupo ako sa tabi ng kama niya at tinignan siya ng mabuti. Puno ng iba't-ibang mga aparatong nakakabit sa kanya. Maingay na nagtutunuga
Magbasa pa

Karma 50 - The Search is over?

10am Dave POV Maaga kaming nagpatuloy sa paghahanap sa kay Yssa dito sa Bicol. Napakahirap sa isang tao na ang tanging lead lang namin ay ang lugar kung nasaan siya. Walang specific na information para magturo sa amin at mapadali ang maing paghahanap. Isa pang reason kung bakit mahirap maghanap ay hindi kami pamilyar sa lugar. Hinihiling ko na sana ay mahanap na namin ang asawa ko. Hindi ko na kaya na lumipas pa ulit ang araw na hindi ko siya makita. Nagsimula ang paghahanap namin sa buong Naga City. Meron kaming hawak na litrato ni Yssa. Lahat kami ay naghiwa-hiwalay muna para mapadali at hindi kami madelay sa paghahanap kung sasama kami lahay sa isang lugar. Kas
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status