Justin’s POV Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, nasa harapan ko ngayon si Lincoln at ang Mama niya. Hindi ba ‘to panaginip lang, Lord pakigising naman po ako. Ito na siguro ang pinaka worst na napanaginipan ko ngayong taon. “ Jannah? ” Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa binanggit ni Lincoln. “ H-hindi po ako si J-jannah, hindi ako ‘y-yon. ” Natataranta ako ngayon dahil baka namukhaan ako ni Lincoln. Kahit naman na hindi ako naka pambabae ay mahahalata ang pagkakahawig ko kay Jannah. “ I know, I am asking you where is Jannah. ” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, buti hindi niya ako namukhaan. Mabilis akong naghanap ng idadahilan ko para makaalis at makapag bihis. “ Ay naandoon po sa’min, tinutulungan po Nanay ko, ” pagsisinungaling ko. “ Pasok po muna kayo. ” Inilahad ko ang kamay ko para naman malaman nilang welcome sila sa bahay namin. Habang abala sila sa pag-upo ay nakita ko
Last Updated : 2021-12-07 Read more