Beranda / Romance / Lover ko si Bespren / Bab 141 - Bab 150

Semua Bab Lover ko si Bespren: Bab 141 - Bab 150

174 Bab

Chapter One Hundred Forty-One 

MAG-ISA na lang si Gray sa kanyang bahay dahil nagpasya na ang Lolo Luciano niya na umuwi na sa Nueva Ecija. Sabi nito, kailangan din naman ng mamamahala sa hacienda. Totoo naman iyon kaya pumayag na siya. Nais din naman niya ang mapag-isa at hindi mangyayari iyon kung may mga taong makikialam sa kanyang pagdadalamhati. Kahit na isang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin niya magawang tanggapin ang nangyari. Sa tingin nga niya kahit lumipas pa ang maraming taon ay hindi niya magagawang tanggapin nangyari. Paano niya magagawa iyon kung hanggang sa kasalukuyan ay parang dinudurog ang kanyang puso. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan ng may kumatok. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit na sino kaya ayaw sana niyang buksan iyon pero parang may sariling utak ang kanyang mga paa, kusang tumayo at naglakad patungo sa may pintuan. 
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-04
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Two 

"OHA," hindi napigilan ni Silver na ibulalas ang salitang iyon dahil na nakita niya si Gray na abot tenga ang ngiti. Malayung-malayo na ito sa miserableng Gray na nakikita niya ng mga nakalipas na araw. "Problema mo?" Natatawa pa nitong tanong sa kanya. Talaga tuloy hindi niya napigilan ang mamangha sa kakaibang kinikilos nito. "Ang sigla mo na kasi. Nakapag-move on ka na?" Excited pa niyang tanong. "Walang dahilan para mag-move on ako dahil alam ko, isang araw babalik din sa akin si Hannah.""Talagang naniniwala ka pang babalik siya?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Bigla ring  naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi pa ba sapat ang DNA na nagsasabing wala na si Hannah?""Malakas ang pakiramdam ko."
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-04
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Three 

“SILVER…?” hindi makapaniwalang bulalas ni Hannah nang imulat niya ang kanyang mga mata at makita ang pinsan ng kanyang asawa. Agad namang itinaas ni Silver ang mga kamay na para bang susuko. “Wala akong gagawing masama sa’yo, huwag kang matakot. Ang totoo niyan, iniligtas pa kita sa taong  may masamang balak saýo.”Sukat sa sinabi nito ay para ring naglakbay pabalik ang kanyang isipan at naalala niya ang nangyari. Tinext siya ni Nicole na magkita sila sa cafeteria. Pinagbigyan naman niya ito kahit naguguluhan siya sa layunin nito sa pagkikita nilang iyon gayung nakatira lang naman ito sa kanyang compound kaya kung nais siya nitong kausapin ay maaari naman itong magpunta sa kanila. Gayunman, pinagbigyan pa rin niya ito. Ewan
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-05
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Four 

KAHIT napapantastikuhan si Silver sa desisyon ni Hannah, ngumiti na lang siya ng matamis na matamis. Ibig kasing sabihin nu'n ay hindi na muna babalik si Hannah kay Gray. Kaya, magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mahal. Matagal na niyang gusto si Hanna pero hindi niya ito mapormahan dahil kay Gray. Mistulan naman kasing basketball player si Gray kung makabantay kay Hannah. Nawalan tuloy siya ng tsansa na masabi kay Hannah ang kanyang nararamdaman. Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya pagkaraan ng mahabang sandali. Kahit naman kasi nasabi niya iyon kay Hannah, hindi pa rin siya nakakasiguro kung tatanggapin siya nito. Sa palagay niya'y hindi dahil simula pa lang ay mahal na nito si Gray. Kahit mag-bestfriends pa lang ang turingan noon nina Gray at Hannah, nakasisiguro na siyang nagmamahalan ang mga ito, kaya hindi na siya gaanong nagulat ng ideklara ni Gray na sila na ni Hannah. Medyo nasaktan nga lang siya da
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-06
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Five

"HINDI mo ba kakamustahin ang asawa mo?"Sa tanong na iyon ng lalaki, biglang nag-angat ng tingin si Hannah. Hindi rin niya napigilang batuhin ng matalim na tingin si Silver. Alright, wala namang masama sa tanong nito. Talaga ring gustung-gusto na niyang kamustahin si GB. Alam kasi niyang hindi madali rito ang pagkawala niya.Napabuntunghininga siya dahil ang totoo, sobra siyang nag-aalala rito. Iyon ang dahilan kaya ayaw na niyang magtanong. Baka kasi kapag nalaman niyang walang ginawa si GB kundi maglasing, bigla na lang magbago ang isip niya at puntahan si GB."Masaya na siya ngayon," wika ni Silver.Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ni Silver kaya naman napabulalas siya ng 'ha'. Dapat nga sana ay matuwa siya sa sinabing iyon ni Silver. At least hindi na siya masyado
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-07
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Six 

MAHAL na mahal pa rin niya si Hannah pero hindi na niya magawang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Ang tanga kasi niya. Paano ang ibig lang niya'y may magdala sa kanya kay Hannah. Pakiramdam niya kasi'y hindi magiging ganoon kalaki ang kasalanan niya kung may ibang tao na magbibigay kay Hannah sa kanya. Iyon ang dahilan kaya si Nicole ang pinili niya. Siyempre, magiging masigasig itong gawin iyon dahil kapag nawala sa landas nito si Hannah ay magkakaroon na ito ng pagkakataon kay Gray. Kaya lang, hindi pala ito tulad ng ibang babae na nangangarap magkaroon ng katuparan ang pag-ibig na minimithi. Para kasing sapat na ritong nabibigyan ito ng panahon ni Gray na makausap. Kaya, kinailangan niyang matagpuan ang kahinaan nito para madali niya itong mapasunod. At ang mga kapatid nito ang naging sagot para makontrol niya si Nicole. Ngunit, palpak naman ang buset na babaeng iyon. Kahit tuloy alam niyang nasa impiyerno na si Nicole, hindi pa rin siya tumitigi
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-09
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Seven 

BIGLANG napabalikwas nang bangon si Abi. "Ate….?" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Mimi. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ng kapatid nang makita niya ito. Hindi kasi agad rumehistro  sa kanyang utak na nakabalik na siya sa kanyang pamilya. May pagkakataon kasing iniisip niyang nasa poder pa rin siya ni Blue. Bigla tuloy siyang humagulgol. Talagang hanggang ngayon ay damang-dama pa niya ang sakit na kanyang pinagdaanan. Pakiwari niya'y dinidikdik ng pinung-pino ang kanyang puso. "Shhhh…." wika ni Mimi nang yakapin siya nito. Sa yakap nito ay parang gusto niyang makampante pero hindi niya magawa. Naalala kasi niyang si Jane na labis niyang pinagkatiwalaan ay nagawa siyang yraydurin pero pagkaraan au naisip din niyang s
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-10
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Eight 

"HANNAH…" wika ni Gray sabay balikwas nang bangon.Napamura lang siya nang ma-realize niyang wala pa nga pala ang kanyang asawa. Sabihin man ng marami na baliw siya dahil pilit pa rin niyang sinasabi na buhay pa si Hannah gayung may patunay na wala ito. Kilala kasi niya si Hannah, bestfriend niya ito kaya alam niyang hindi ito ang tipo ng tao na madaling sumuko. Saka kung talagang wala na ito, sigurado siyang magpaparamdam ito sa kanya. Hindi siya nito matitiis na nakikita siyang nalulungkot at nahihirapan. Ngunit dahil hindi man lang ito nagpapakita sa kanyang panaginip o kaya naman ay nagpaparamdam, hindi siya bibitaw sa paniniwala niyang buhay pa ito. Kahit na hindi siya ang tipo ang naniniwala sa hula gusto niyang manalig sa sinabi ng Ninang Adelaida nila ni Hannah, buhay si Hannah. Ang tangin
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-12
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Forty-Nine 

HINDI man siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Hannah pero siya ang nasa tabi ng kanyang pinakamamahal parati kaya kahit paano ay masaya na siya. “Anong gusto mong kainin today?” malambing niyang tanong kay Hannah. Binigyan pa niya ito ng matamis na matamis na ngiti dahil gusto niyang maengganyo itong magsabi sa kanya kung anong nagugustuhan. “Buffalo wings?” Lalo siyang napangiti. “Kaya kong lutuin iyon,” mayabang pa niyang sabi. Unti-unti’ý nakita niyang lumiwanag ang mukha ni Hannah, napapalakpak pa na parang siyang- siya. Ang ngiti tuloý sa labi niya ay parang ayaw na mapalis. "Talaga?" Naninigurado pang tanong nito. 
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-13
Baca selengkapnya

Chapter One Hundred Fifty

NAG-WALKOUT si Hannah dahil nainis siya kay Silver. Kung hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili, nasampal na niya ito. Hindi niya kasi gustong may nagsasalita ng masama kay GB. Kahit pa alam niyang magpinsan ang mga ito at nagbibiro lamang si Silver nang sabihin iyon. Ibig niyang panindigan ang galit na kanyang nararamdaman pero naaalala niya ang buffalo wings. Talagang nangangasim na siya at nagugutom na rin siya. Shucks, bulalas niya. Hindi pa siya nakapagdedesisyon kung anong dapat niyang gawin ng biglang may kumatok. Napa-straight naman siya sa pagkakaupo sa kanyang kama. Hindi pa siya nakakasagot ng 'pasok' biglang bumukas ang pintuan. Tumalim tuloy ang tingin niya kay Silver. Ibig niyang magalit pero parang hindi niya iyon mapanindigan nang malanghap niya ang aroma ng buffalo wings. "Kain na," wika nito. "Masarap ba 'yan?" Tanong pa niya kahit alam naman niya ang sagot. Magaling magluto si Silve
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-01-14
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
131415161718
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status