"I don't think I can walk with you," sabi ni Bianca habang nakatitig sa kabaong na ngayon ay akay-akay ng mga ka-barangay ni Tiyo Noel. "Why? Are you not feeling well?" tanong ko at saka ko siya hinawakan sa leeg at noo. "You are burning, Bianca. Kailan pa iyan?" tanong ko at kaagad na hinanap si Yngrid. "Kanina lang," sagot naman niya sa akin. "Don't worry about me, sasakay na lang ako sa sasakyan." Umiling ako at hinawakan ko ang kanyang braso. Hinila ko siya papalapit sa sasakyan at saka ko siya pinasakay doon. "Jus, huwag mo munang paandarin, hahanapin ko lang si Yngrid." sabi ko sabay karipas ng takbo papunta sa kumpol ng mga tao. "Yngrid!" tawag ko sa kanya nang makita ko siya na hinahanap din kami. Karga karga niya si Miley na lumapit sa akin. Mukhang nakatulog si Miley sa bisig ni Yngrid dahil nakayakap ito sa kanya at nakapatong ang ulo ni Miley sa balikat ni Yngrid. "Hinahanap namin kayo dahil hindi maayos ang pakiramdam ni Miley, mukhang lalagnatin kasi siya." sabi
Last Updated : 2022-05-24 Read more