"Ano? Bakit tameme kayo riyan?" tanong ko sa kanila. Sa totoo lang, hiningal ako.Nakarinig ako ng pigil na tawa mula kay Jomari. "Ppfftt... Edi ba, drama itong sinulat ni Jude kasi iyon ang mabenta? Bakit parang naging thriller yata?"Tiningnan ko si Jude. Tahimik lang siya, hanggang sa sinambit niya ang, "Brilliant! That is very brilliant, Bianca!"Napangiti naman ako dahil doon. "Talaga?""Oo! Sobra! Bakit hindi mo ako tulungang magsulat?" mungkahi niya.Nabigla ako, "A-ano? Ako magsusulat?"Siniko ako ni Jomari. "Sige na, Bianca, pampalubag-loob mo na lang iyon kay Jude kasi nakatulog ka habang nagbabasa," pamimilit niya na sinundan ng nakakainis na pagtawa. "Grabe, Jude! Ang lakas ng hilik niya kanina parang baboy. Ngork ngork!" pang-aasar muli niya."O siya, siya, sige, para wala nang masabi yung isa diyan," pagpaparinig ko kay Jomari."Sige, babaguhin natin yung story," sabi ni Jude. "Thanks sa ideas, Bianca," pasasalamat
Huling Na-update : 2021-12-29 Magbasa pa