MELODY POV NAGISING ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Pagmulat ng aking mata ang mukha agad ni Zieg na mahimbing pang natutulog ang aking namulatan, kung ano ang ayos niya kagabi ay ganoon parin ang ayos niya ngayon, walang pinagbago. Napangiti nang maalala ang nangyari kagabi, pang ilang beses na namin iyon, pero pakiramdam ko parang first time lang namin gawin iyon. Habang mahimbig pa ang kaniyang pagkakatulog, wala akong magawa kung hindi ang haplosin ang malambot niyang buhok habang hinihintay ko s’yang magising. Habang ginagawa ko iyon ay naramdaman ko ang kaniyang paggalaw, pagkatapos ay tumingin sa akin, at nakita ko na naman ulit ang kulay asul at abo niyang mga mata. “ Good morning, ” Bati ko sa kaniya nang may matamis na ngiti sa aking labi. Hinalikan n’ya ako sa aking noo. “ Good morning too, wife. ” Matapos akong batiin ay
Last Updated : 2021-11-24 Read more