Kabanata 14 "Aren't you going to study? Puro ka cellphone kanina pa," puna ni Kuya Luke sa akin. Naka-upo ako sa sofa at siya naman ay pumwesto sa may gilid ko. "No. Wala pa naman quiz. Saka na muna," sagot ko at nagpatuloy sa pag cellphone. Ka-chat ko si Kuya Chris ngayon pati na rin sila Rae. Pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko yung sa business plan samantalang si Kuya Chris naman ay pasimple kong hinaharot. Hindi ko siya maka-usap kanina kasi naglalaro ng ML. Free time na daw kasi nila kaya sinusulit niya, knowing na busy people ang mga Engineering lalo na't graduating.
Last Updated : 2021-10-19 Read more