"Emerald!,ano ka bang bata ka,bumaba ka nga dyan..mahulog ka" Natatarantang sigaw sa kanya ng kanyang yaya Lorie. "Bumaba ka dyang bata ka,baka mahulog ka.." ulit nitong sigaw na natataranta. "Hihihihi" tumatawang bumaba sa puno ng mangga si Emerald. "Ikaw bata ka, dalaga ka na pero ang hilig mo pa ring umakyat sa mga puno, naku aatakehin ako sa puso sayong bata ka" sermon ni yaya Lorie sa alaga pagkabang pagkababa. "Si yaya talaga, ikaw na nagsabi bata pa ako, tapos sasabihin mo dalaga na ako" natatawang sagot ni Emerald sa kanyang yaya Lorie habang nagpapagpag sa suot na short ang duming dumikit dito. "Aba at namimilosopo ka pang bata ka, pumasok ka na sa mansions bata ka at may bisita ang ate Kristina mo" Namilog ang mata ni Emerald ng malamang may bisita ang ate Cristina nya, iisang tao lang ang dumadalaw sa mansion upang bisitahin ang ate Kristina nya ito ay ang panganay na anak ng mga Zobel de Ayala. "Kuya Vincent
Magbasa pa