JAMES Nakataas ang paa sa lamesa habang humihit-hit ng sigarilyo. Ganoon ko naabutan si Joshua pagka-pasok na pagka-pasok ko sa tambayan nila. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng gago. Nanatili siyang naka-tingin sa bintana habang patuloy sa paghithit ng yosi niya. "I saw you last night. Una, inagaw mo sa akin si Steff. Pangalawa, sinubuan mo siya sa restaurant at pangatlo, hinatid at niyakap mo. I'm not aware that you know how to care for someone." Sambit ko. Tumayo ang gago bago lumapit sa akin. Ibinuga niya muna ang usok ng sigarilyo niya sa mukha ko bago bumulong, "I never cared for anyone. I just don't wanna see you happy." Muli itong umupo habang naka-krus ang mga braso.
Huling Na-update : 2021-08-17 Magbasa pa