Chapter 14.2"Tara," saad ko kay Wyatt na nakaupo pa rin sa sofa at naghihintay sa akin, pagkalabas ko ng kwarto.Hinintay ko munang tumayo siya at maunang maglakad palabas bago ako sumunod sa kaniya. Nakasunod lang ako sa kaniya, nang nasa may pinto na kami, tumigil ako para i-lock ang pinto ng apartment. Nang masiguradong naka lock na ang pinto, sumunod naman ako sa kaniya papunta sa sasakyan na nakaparada lang sa harapan. Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan at umupo."Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sa kaniya. Nang lingunin ko siya, may hawak na siyang puting t-shirt, na kinuha niya sa isang itim na douchebag sa backseat. "Come closer," saad niya. "Ha?""Tsk."Dahil hindi pa siya nakapag seatbelt, madali na lang para sa kaniyang lapitan ako. Nagtaka ako kung ano ang gagawin niya, magtatanong pa sana ako sa kaniya nang masagot na ng ginawa niya ang itatanong ko sana. Hinawakan niya ang buhok ko at tinutuyo iyon gamit ang puti niyang t-shirt. "You should dry your hair, t
Last Updated : 2021-10-09 Read more