"Masyado mo namang ni-literal 'yong pagiging dry mo, teh. Talagang diniligan mo 'yong sarili mo," halakhak ni Cyd. Lunch time at nandito kami sa student lounge na tinatambayan namin palagi kapag walang klase. Kinikwento ko kasi sa kanila ang kahihiyang nagawa ko kahapon. Para malaman niyo, halos lahat ng pangyayari sa buhay ko lalo na't may koneksyon kay Zim, ay alam nila. Si Zim na lang talaga iyong walang alam tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya, chos! "Iyon siguro ang tinatawag nilang wet look sa umaga," gatong ni Satana at nagtawanan sila. Mga walang hiya! Nakitawa na lang ako sa kabaliwang naisip nila. Hindi ko talaga malimutan iyong katangahan ko kahapon. Hanggang ngayon nagtatakha pa din ako sa sarili ko kung bakit ko naisip iyon. Duh! Nevermind, basta tapos na yon. "Ano ba kayo! Pang bata lang 'yang mga crush crush na iyan. Dapat deretso na sa jowaan.
Huling Na-update : 2021-08-02 Magbasa pa