Amethyst's POVAbala ako sa pagtatrabaho sa harap ng computer nang may huminto na lalaki malapit sa akin at nagsalita ito."Babe hintayin mo na ako, ah," sabi ni Earl sa akin na boyfriend ko. Hinarap ko naman ito at nakita ko na may buhat itong dalawang kahon."Oo naman. Sinong maghahatid sa akin kung hindi ikaw? Ano magko-commute ako? Kaya ko naman," sagot ko rito nang nakangiti pero napailing lang ito.Katrabaho ko rin kasi si Earl, mga call center agents kami."Alis tayo mamaya gusto mo?" tanong nito sa akin pagkakuwan."Oo na sige na, dalhin mo na 'yan, mukhang nahihirapan ka na eh,""Ayieee kinilig naman ako. You care for me a lot, huh?" sabi nito at nagpa-cute pa ang loko."Ayy ewan ko sa 'yo. Malamang, ano? Boyfriend kita. Sira ka talaga," natatawang sabi ko habang umiiling at ilang saglit lang ay umalis na ito.Maya maya pa ay may kumakalabit sa akin kaya hinarap ko ito."Uy, Amethyst, ah baka mag-propose na 'yan sa 'yo mamaya," kinikilig na sabi sa akin ni Bella na kaibigan ko
Last Updated : 2021-07-31 Read more