Kabanata 29Walang magawa si Drake kundi ang bumalik sa opisina, pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Sa kabila ng lahat ng nangyari, positibo pa rin siya na may pag-asa siyang muling mapapalapit kay Gypsy. Kahit pa ramdam niyang pilit itong lumalayo sa kanya nitong mga nakaraang araw. Ayaw niyang magwakas ang lahat, na hindi na niya makita si Gypsy, na hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong ipaglaban ang nararamdaman niya para sa dito. Kaya, tinawagan niya ang ina ni Gypsy, si Mrs. Cameron.Ilang ring lang at sumagot si Mrs. Cameron."Yes, Drake. What's the problem?" tanong ng ina ni Gypsy, ang boses nito’y tila may kalungkutan na nagmumula sa malalim na pag-iisip."I would like to discuss some matters about the arranged marriage," sagot ni Drake, na may halong kaba sa kanyang dibdib. Sa lahat ng pagkakataon, ito ang pinakamasakit na bagay na kailangang pag-usapan.“We don’t need to talk about that right now," sagot ni Mrs. Cameron, ang tono ng boses ay may halong pag-aalala. "I
Terakhir Diperbarui : 2025-03-22 Baca selengkapnya