Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1691 - Kabanata 1700

1942 Kabanata

Kabanata 1691

Pagkatapos makipag-usap kay Koda, niyakap ni Waltz ang braso ni Alex at sinabing, “Alex, may malaking bagay na kumakalat sa internet! Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng makapangyarihang mga cultivator sa itaas ng mga lungsod ng Michigan! Dinurog pa nila ang isang gusali sa isang tadyak lang! Masyadong hindi kapani-paniwala, hindi ba? Paano nabubuhay ang gayong makapangyarihang mga tao?”“Nagkalat iyon online?” sagot ni Alex.“Oo, pinag-uusapan na ng lahat ngayon. Sinasabi ko pa lang rin kay Maya... Hah? Alam mo na ang tungkol dito? Maaari kayang bahagi ka ng labanang iyon? Kakabalik mo lang galing Michigan, tama?”“Dumating ang taong iyon para patayin ako!”Pagkasabi pa lang ni Alex nito ay nataranta na ang mga babae.“Ano pang nangyari?”“Oo, paano mo nagawang pukawin ang gayong makapangyarihang tao?”Sabi ni Alex, “Pumasok muna tayo sa loob; medyo malamig dito... Oh, at malapit na ang bisperas ng bagong taon, di ba? Pero sa tingin ko ay hindi ko kayo makakasama sa araw na iyon.”“Bak
Magbasa pa

Kabanata 1692

Sumagot si Alex, “Oo naman.”“Hindi dapat nagsisinungaling si Papa! Pinky swear?”“Pinky swear!”Nang makitang nag-uusap ang dalawa, nagkatinginan sina Maya at Waltz, tila pareho ang iniisip.Sila ang unang napalapit kay Alex, at halos kalahating taon na rin ang lumipas mula nang magkasama silang lumipat. Kahit noon pa man, hindi pa rin nila nakakamit ang huling yugto ng kanilang relasyon, na bahagyang ipinag-aalala nila.Gayunpaman, bilang mga kababaihan, at mga kagandahan, mahirap para sa kanila na gumawa ng unang hakbang.Pagkatapos noon, inilabas ni Brittany sa kwarto sina Winniefred at Holly.Gusto niyang matulog sa tabi ng dalawang hindi magkamag-anak, ang kanyang anak na babae, at apo, at gumugol ng oras kasama sila.Gayunpaman, hindi malinaw kung talagang sinusubukan niyang lumikha ng mga pagkakataon para mapalapit sina Maya at Waltz sa kanyang anak.Kumuha si Waltz ng isang bote ng alak at isang mataas na baso ng alak para sa bawat isa sa kanila.“Bro!”“Alam mo ba na may ilan
Magbasa pa

Kabanata 1693

Pabalik-balik na ikinaway ni Alex ang kamay na tila nanghihina pa. “Huwag kang humingi ng tawad; wala lang akong silbi... masyado akong mahina!”Agad na sinabi ni Waltz, “Bro, kukuha na lang ako ng gamot. Alin ang gusto mo? Kailangan mo bang punuin muli ang iyong blood energy o ang iyong mga bato?”“Sa... Sa tingin ko ay hindi makakatulong iyon!”“Sana lang ay hindi ito makapinsala sa cultivation ko.”Labis na nadurog ang puso ni Maya matapos makita kung gaano walang magawa si Alex. Nagsimula siyang umiyak. “Bro, kasalanan ko lahat ito. Kung hindi kita pinilit... hindi ka sana hahantong sa ganito. Anong gagawin natin? Maaari ko bang ibalik sa’yo ang Chi? Hindi na kita pipilitin.”Pawis na pawis si Alex. “Wala lang akong enerhiya. Ayos lang. Sisiguraduhin ko lang na magiging matatag ako mula ngayon.”Wala siyang magawa sa sitwasyong ito.Masyadong makapangyarihan ang bloodline ni Maya. Hindi lamang nakakahumaling ang halimuyak nito, ngunit ang paglilinang nito ay bumubuti nang napakabil
Magbasa pa

Kabanata 1694

Alas diyes ng umaga, isinama ni Alex si Winniefred para makipagkita kay Dorothy.Si Dorothy ay nasa kanyang “Auntie Rockefeller” na anyo.Makalipas ang isang oras, sa wakas ay narating ni Alex ang desyerto na isla sa baybayin ng Oregon, na binili ni Dorothy ng dalawampung bilyon.Akala niya noong una ay magiging parang kaparangan ang lugar na ito, kaya mahirap para sa apat na prinsesa at kay Zella na magsanay dito. Pagkatapos ng lahat, ang mga kondisyon dito ay hindi eksakto ang pinakamahusay.Nang hindi inaasahan, hindi iyon ang kaso.Pagkalapag pa lang nila ay naririnig na ni Alex ang tunog ng malalaking makinang umaandar. Maaaring nagpapatakbo sila ng isang piling rig noong panahong iyon.Sa hilagang bahagi ng isla ay isang pier, kung saan ang daan-daang manggagawa ay abala sa pagtatrabaho sa pagpapalawak nito, na kumikilos sa abot ng kanilang makakaya na parang meron pa silang iba pang trabahong aasikasuhin mamaya.Nauusisang tumingin si Winniefred sa paligid. “Napakaganda ng lugar
Magbasa pa

Kabanata 1695

Si Priscilla ay isa sa mga alagad ni Michelle.Siya ay isang napakalakas na babae, isinasaalang-alang na siya ay may dugong Kyuhelios. Minsan, hiniram pa ni Alex ang ilan sa kanyang dugo para makatulong sa pagpapagaling ng parasitic worm kay Leanne, ang asawa ni Jack.Nais niyang sanayin nang personal si Priscilla noong panahong iyon, ngunit si Michelle ang unang nagmata dito, kaya itinabi na niya ang saloobing iyon.“Bakit ka nandito Priscilla? Tumigil ka na ba sa pag-aaral?” Tanong ni Alex na gulat na gulat pa rin.“Magkakilala ba kayo?” tanong ni Dorothy. “Kaya pala parang pamilyar ang martial arts ng babaeng ito. Ikaw ang nagturo sa kanya ng sining ng Kyuhelios, di ba?”Umiling si Alex. “Hindi, si Michelle.”Pagkatapos, kinuwento ni Alex sa kanya ang lahat ng nangyari.Sinabi ni Dorothy, “Ang binagong bersyon ng mga Kyuhelio na ginawa mo ay masyadong mahina. Hindi ito makakatulong sa kanya na makamit ang mas mataas na antas ng cultivation. Si Priscilla ay may maraming potensyal, at
Magbasa pa

Kabanata 1696

“Fair Maiden’s Graceful Kick!”Agad naman siyang sinugod ni Suzaku.Isang malakas na pagsabog ang pumaligid sa hangin habang ang mga anting-anting ay nabuo sa paligid ng kanyang mahabang binti, sinisipa si Alex mismo sa dibdib.Ang eksenang ito ay mukhang marahas ngunit maganda, na labis na ikinatakot ni Winniefred kaya napapikit siya at sumigaw, “Mag-ingat ka, papa!”‘Ano?’‘Anak niya ang batang iyon?’‘Hindi ba nangangahulugan iyon na asawa niya si Zella?’Sa apat na prinsesa, malinaw na naaalala nina Seiryuu at Byakko ang ginawa sa kanila ni Alex; kaya’t nagtanim din sila ng sama ng loob sa lalaking ito.Si Zella, sa kabilang banda, ay nagsasanay sa Fair Maiden’s Sutra sa ilalim ng patnubay ni Auntie Rockefeller. Nagawa nilang sanayin ang Eight Desolated Killing Formation, na nangangailangan ng bawat isa na ikonekta ang isip at kaluluwa.Kaya naman, normal lang na tratuhin nila ang isa’t-isa na parang magkapatid.‘Paano pa namin magagawang pakisamahan ang isa’t-isa pagkatapos nito?’
Magbasa pa

Kabanata 1697

Gusto ni Alex na makita kung gaano kalakas ang Eight Desolate Killing Formation. Sa pangalan pa lang, talagang nakakatakot na.“Sige! Sumasang-ayon ako sa pustahan na ito!” walang alinlangang sabi niya at tumawa.Dahil kasama si Zella sa grupo, ibinaba niya si Winniefred at bumaling kay Alex. “Hindi basta-basta ang Eight Desolated Killing Formation, ha? Ang kapangyarihan nito ay talagang napakalaki, kaya mag-ingat ka.”Sabi ni Suzaku, “Hoy Zella, nasaang panig ka ba ngayon? Kung magiging malambot ka sa kanya, ano pang saysay ng pustahan? Pumili ka, lalaki mo o kami.”Namula si Zella. “Hindi ko siya lalaki.”“Kung ganoon, bakit tinawag siyang Papa ng anak mo?”“Ninong kase!”Nagsalita si Dorothy. “Magiging patas ang labanang ito, kaya walang easy-han dito. Kung may mahuli ako, mawawasak ang cores nila, at ipagtatabuyan sila mula sa islang ito.”Tanong ni Alex, “Kailangan bang maging ganoon ka-brutal?”Tumango si Dorothy. “Para hindi ka padalos-dalos. Ipakita mo sa amin ang lahat na mero
Magbasa pa

Kabanata 1698

Tila isang avalanche, ang pag-atake ay tumama kay Alex na parang isang libong bumabagsak na bato.Pinikit ni Alex ang kanyang mga mata at tinawag ang Sword of the Universe, ginamit ito para bumuo ng formation circle.Boom, boom, boom, boom, boom, boom!Napuno ng malalakas na pagsabog ang hangin.Napabalikwas si Alex ng sampung metro o higit pa, nag-iiwan ng mahaba at malalim na bakas sa lupa.Muling sumigaw si Suzaku, “Breaking Swords Lock!”“Meron pang kasunod?” Natigilan si Alex, nakatayo habang nag-iisip kung dapat niyang gamitin ang Seven Blades of Death at ang Breaking Point.Gayunpaman, ang pagbabalik-tanaw sa kanyang katayuan bilang Core Formation cultivator, ang paggamit ng Sword of the Universe ay nakakahiya pa rin. Kung kailangan niyang gumamit ng iba pang spiritual tool, ito ay talagang kahiya-hiya.‘Hindi ko na nga lang iiwasan!’Boom–Sa pagkakataong ito, tumalsik si Alex ng daan-daang metro.Punit-punit na rin ang damit niya.Bagama’t hindi nila nagawang sirain ang buong
Magbasa pa

Kabanata 1699

Ang left-wing troops ng Flying Eagles ay nagsasagawa ng libing.Ang paboritong anak ng left-wing lieutenant, na kilala rin bilang unang anak ng kanyang henerasyon, si Maxwell Lawrence, ay pinatay.Nabalitaan na kakila-kilabot ang kamatayan niya, kung saan pira-piraso ang kanyang bumalik na bangkay.May mga tsismis pa na ang pumatay sa kanya ay alagad ni Jade Benmore, sa kabila ng katayuan nito bilang empress ng Flying Eagles at ang tanging five-star warlord sa Amerika.Agad na kumalat ang insidente sa buong Flying Eagles squad. Marami ang nagsimulang talakayin kung totoo ba ang mga tsismis.Dahil ito ay nauugnay kina Jade at Tenyente Colton Lawrence, lahat ay naglakas-loob lamang na talakayin ito nang pribado. Ito ay dahil ang dalawa ay may matinding kapangyarihan at katayuan sa squad, at ang kanilang mga kasanayan sa pakikipaglaban ay wala sa mundong ito.Gayunpaman, mas nauusisa ang mga tao tungkol sa alagad ni Jade.Boom–Dinurog ng isang malakas na binata ang batong bangko sa funer
Magbasa pa

Kabanata 1700

Si Nora Stewart ang taong nagpi-pilot ng helicopter.Bahagya nitong ikinainis si Alex dahil hindi niya gusto ang babaeng ito. Palagi nitong sinusubukan na makipag-usap sa kanila.“Uy Al, Ang Flying Eagles Academy ay, sobrang laki. Kaya ihanda ninyo ang mga sarili ninyo. Naisip ninyo na ba kung anong subject ang kukunin niyo? Gusto niyo bang bigyan ko kayo ng general description ng lahat ng ito?”“Hindi na, salamat, magtatanong-tanong na lang ako pagdating ng panahon.”“Huli na ang lahat kung magtatanong-tanong ka pa. Sobrang abala ng mga tao sa akademya. Kaya bakit sila magkakaroon ng oras at lakas para sagutin lahat ng tanong mo?”Pumikit si Alex at nagkunwaring natutulog, na ikinagalit ni Nora.Kinuyom niya ang kanyang ngipin. “Hoy, loko! Hanggang kailan ka ba magiging bastos sa’kin? Akala mo naman ang laking bagay niyon. Bakit ang babaw mo?”Binuksan ni Alex ang kanyang mga mata. “Ang sa’kin lang, hindi ko bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga nagtaksil sa akin.”“Talaga bang
Magbasa pa
PREV
1
...
168169170171172
...
195
DMCA.com Protection Status