Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1451 - Kabanata 1460

1942 Kabanata

Kabanata 1451

Ang pinuno ng ospital na ito ay nagngangalang Shamus Wilson.Bilang oncologist, meron siyang tiyak na lalim ng pag-unawa sa lugar na ito. Nang marinig ang sinabi ni Kenneth Sunder, agad siyang umiling. “Mr. Sunder, baka na-scam ka. Walang ganap na lunas sa kalagayan ng iyong asawa. Kahit na pumunta ka sa pinaka-advanced na oncology institute sa mundo, wala pa ring lunas.”Sinabi ni Kenneth, “Iyon ay dahil lamang sa hindi sapat ang iyong kaalaman.”Sa pagharap sa katigasan ng ulo ng kanyang kliyente, nakaramdam ng labis na pagkabalisa si Shamus.Batay sa kasalukuyang sitwasyon, ang ospital ay maaaring kumita ng isa pang limang bilyon mula sa sitwasyon ng kanyang asawa, ngunit kapag sila ay nakalabas na, walang makukuha ang ospital.Pabagsak na ang negosyo ng ospital.Noon, maraming bilyonaryo ang handang pumunta rito para magpagamot dahil nagpakilala ang ospital ng bagong treatment plan, na nakikipagtulungan sa pinakamahusay na mga internasyonal na institusyon ng oncology. Gayunpaman, k
Magbasa pa

Kabanata 1452

Napatingin sa kanya si Alex.Sa wakas ay napagtanto niya na ang mga taong ito ay hindi mula sa pribadong grupo ni Kenneth.Kung titingnan ang kanyang mga ekspresyon nang magsalita siya, masasabi ang pangunahing layunin niya ay pamukhaing masama si Alex.Gayunpaman, ang personalidad ni Alex ay kung may nagpamukha sa kanya ng masama, mas mabuting maging handa sila para sa tunay na laitan.Kalmado siyang ngumiti. “Hindi ako nagtapos sa anumang medikal na paaralan, at hindi rin ako nagtatrabaho sa isang ospital. At isa pa, para sa aking mga nagawa sa oncology, napagaling ko ang mga pasyenteng may stage four na kanser. Mabibilang ba iyon bilang isang tagumpay?”“Hahahaha!”Hindi napigilang tumawa ng isa sa mga babaeng doktor sa ilalim ni Shamus. “Iyan na ata ang pinakakatawa-tawang biro na narinig ko! Halos tatlumpu ka pa lang, hindi ka pa nakapag-aral ng medisina, at hindi ka pa nga doktor. Batay sa anong mga kakayahan mo napagaling ang stage four na kanser? Gamit ang bibig mo? O nananagin
Magbasa pa

Kabanata 1453

Noong nagkaproblema si Alex, tinulungan siya ng mga Stoermers gamit ang kanilang kapangyarihan dahil bahagi sila ng upper-class ng Michigan at kabilang sa walong maharlikang pamilya.Kaya naman, walang paraan na hindi malalaman ni Xyla ang tungkol dito.Sa totoo lang, buong lakas din niyang hinahanap sina Alex at Phoebe.Nandoon siya noong umuwi si Alex kahapon.Ngayon na ang proyekto ng Sky Tower ay naitaga na sa bato, kailangan nilang simulan ang pagharang sa lahat ng mga pasukan. Parehong sina Xyla at Waltz ang namamahala sa pamamahagi ng trabaho sa kanilang mga empleyado sa buong prosesong ito...Iyon ang dahilan kung bakit katabi ni Alex si Xyla nang tumawag si Kenneth. Kaya naman ay sumama ito.Si Xyla ay kasalukuyang nakasuot ng kulay puting pangtaas, itim na pencil skirt, isang pares ng itim na takong na may pulang ilalim.Matangkad at matikas ang kanyang pigura.Pumasok siya sa silid na may perpektong tindig at tumabi kay Alex.Sumusulyap kay Shamus at sa iba pa, sinabi niya,
Magbasa pa

Kabanata 1454

Mas malakas pa ang sampal niya kaysa sa kanina, pinapatalsik ang dalawa nitong ngipin. “Nakakatawa ka talaga, babae! Kung wala kang alam, tumahimik ka na lang. Alam mo ba kung sino siya? Siya ang bunsong anak na babae ng pinuno ng pamilyang Stoermer sa Michigan! Isa siyang aktwal na prinsesa sa bansang ito, tapos tatawagin mo siyang scammer? Gusto mo talagang mamatay, ‘no?”“Ano?”“Ang prinsesa ng pamilyang Stoermer ng Michigan? Ikaw... ikaw si Miss Xyla Stoermer?’Ang Long Beach ay hindi malayo sa Michigan. Kaya naman malinaw na alam ni Shamus ang tungkol sa pamilyang Stoermer ng Michigan. Alam niya rin kung sino si Xyla.Hindi man lang nga siya makakuha ng pagkakataong makasalubong ang maalamat at eleganteng babae, lalo pa’t makilala ito.“Tama iyan! At maisusumpa ko sa buhay ko na lahat ng sinabi ko ay totoo at walang iba kundi ang katotohanan.”Nagpatuloy si Xyla. “Kung nais ni Mr. Rockefeller na maglagay ng taya na 100 bilyon, wala itong magiging problema. Buweno, napagkasunduan n
Magbasa pa

Kabanata 1455

‘Nakakapagsalita na ang babaeng ito na may kanser sa lalamunan.’Dahil dito, tumahimik ang lahat, masyadong gulat para makapagsalita.Natigilan si Wendy ng ilang segundo bago bumalik sa realidad, sumisigaw. “Mom! Nakakapasalita ka na ngayon? Ikaw... gumaling ka na ba talaga ngayon? Ang bilis! Kahanga-hanga iyon, kamangha-mangha! Binigyan ka talaga ni kuya ng miracle pill!”Natuwa rin si Kenneth.Maganda si Alice dati. Maaaring hindi siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat ngunit itinuturing na isa sa isang milyon.Magkakilala na ang mag-asawa mula pagkabata kaya solid at matatag ang kanilang relasyon. Gayunpaman, pagkatapos na malamang may kanser siya, nagsimula siyang malanta na parang matamlay na bulaklak. Sinira na rin ng chemotherapy ang kanyang hitsura, hindi na niya taglay ang kagandahang meron siya.“Pffft...” Biglang sumuka si Alice ng isa pang subo ng dugo.May itim na patak din sa loob ng dugo, at mukhang namuong dugo ito.Umiling si Shamus. “Pinapangunahan ninyo ang mga sar
Magbasa pa

Kabanata 1456

Ngumiti si Xyla at lumingon kay Shamus. “Bale ano, Mr. Wilson? Naniniwala ka na sa amin, tama? Ngayong napirmahan na ang kontrata, huwag mo kaming subukang paikutin! Magpapadala ako ng tauhan para angkinin ang Mercy Hospital sa loob ng isang linggo.”Para bang nawalan ng buong pamilya si Shamus, nakapalamuti na ngayon ang labis na kalungkutan sa kanyang mukha.Gayunpaman, hindi niya gustong tanggapin agad ang pagkatalo. “Hindi pa nga tayo sigurado kung bumaba na sa normal na rate ang cancer cells sa katawan niya! Hindi iyon makikita gamit ang mata, kaya dapat magpa-checkup muna siya.”“Mukhang hindi ka kuntento sa kinalabasan ha? Sige, i-check up mo pa!”Madami ang mga ospital sa Michigan na maaaring suriin ang density ng cancer cells sa katawan ng isang tao. Kaya naman, lumabas ang mga resulta sa loob ng dalawang oras. Mukhang normal na ang lahat.Pinapahiwatig nito na ganap nang gumaling ang kanser ni Alice.Kabog!Natumba si Shamus sa kanyang puwitan. Hindi siya makapaniwala.“Hindi
Magbasa pa

Kabanata 1457

Matapos mapalaya mula sa pagdurusa ng kanyang karamdaman, nabawi ni Alice ang kanyang kalusugan. Nagmukha pa siyang mas bata kaysa bago pa siya magkasakit.Ito ay dahil ang kalahati ng mga epekto ng tableta ay ginamit upang gamutin ang kanyang kanser, kaya naman nagmukha siyang mas bata ng limang taon.Gayunpaman, sobrang pasasalamat na nga ni Alice na buhay pa siya, mas lalo na’t dito.Alam din ni Kenneth na walang katumbas na pera ang rejuvenation pill na ibinigay ni Alex sa asawa.Hindi masusukat ng isa ang halaga nito gamit ang pera. Ang gayong miracle pill ay limitado, nag-iisa at natatangi.Noong nakaraan, isang napakayamang European na lalaki ang na-diagnose na may kanser. Inanunsyo niya na handa niyang ibigay ang kalahati ng kanyang kayamanan sa sinumang makapagpapagaling ng kanyang kanser. Samantala, tinulungan siya ng ilang matiyagang kawani ng media na sukatin ang kanyang net worth.Sa huli, nalaman nilang kalahati ng kanyang kayamanan ay nagkakahalaga ng daan-daang bilyong
Magbasa pa

Kabanata 1458

Sa sobrang galit ni Cheryl, namutla ang mukha niya.Gusto niyang tawagan si Guilherme para humingi ng tulong, pero hindi niya gusto na makita ng matanda na naka-bikini silang dalawa.Sa kabilang banda, nagsimulang sumigaw si Phoebe.“Waiter! Waiter!!!”Gayunpaman, ngumiti ang isa sa mga matabang lalaki at sinabing, “Tumigil ka na sa kakasigaw mo. Walang darating, kahit anong sigaw mo. Iyon ay dahil pagmamay-ari ko ang lugar na ito. Sinaktan mo ang mahal kong customer, kaya narito lamang kami upang makipagkasundo. Walang kwenta ang pagtawag ng mga waiter.”“Ikaw ang boss? At hinahayaan mo ang mga taong ito na gawin ang anumang gusto nila? Sinusubukan mo bang isara ang negosyong ito?”“Ah, grabe ka ha! Wala akong ginagawang ganoon. Hindi ba nakikipagsundo lang kami dito, ha? Sinaktan mo yung isa sa grupo nila, kaya iminumungkahi nilang magbayad ka. Sa tingin ko ay makatarungan naman iyon, hindi ba? Nasa sa inyo na lang kung papayag kayo o hindi, kung tutuusin... Puwede ninyo pa naman pag
Magbasa pa

Kabanata 1459

“Anong junior?”“Anong hindi na gumagana?”Ang lalaking walang pang-itaas ay si Gill Xenos, ang pamangkin ni Grant.Naging labis siyang mayabang dahil lamang sa meron siyang makapangyarihang kamag-anak. Gagawin niya ang anumang gusto niya, kahit kailan o nasaan man siya.Dahil ang Departament Six ay isang makapangyarihang organisasyon, iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na magmayabang, tapos pinuno pa ng organisasyong ito ang kanyang lolo.Bukod dito, kahit magdulot pa siya ng gulo, hindi na siya kakailanganing pang tulungan ng kanyang lolo kahit kaunti. May ibang handang tumulong sa kanya na asikasuhin ang sitwasyon nang walang pag-aalinlangan.Kaya naman, ito ang naging dahilan para isipin niya na siya ang namumuno sa mundo. Kaya naman ay inakala niyang may karapatan siyang pumasok sa pribadong kwarto ng ibang tao sa hot spring at sabihan itong makipagtalik sa kanya.“Gill, ano... yung tinutukoy niya... ay ano...” bulong ng isa sa mga kaibigan ni Gill habang nakaturo sa ibab
Magbasa pa

Kabanata 1460

Niyakap nang mahigpit ni Cheryl si Alex. “Kung alam ko lang na makakasalubong namin ang mga ganiyang klaseng tao, malamang hindi na kami pumunta dito! Mismong may-ari nito ay sobrang bastos! Hinayaan niya ang mga taong iyon na gawin ang anumang gusto nila! Kung hindi ka dumating sa oras, siguro…”Hinampas naman siya ni Alex sa likod dahilan para mapasigaw siya sa sakit.“Hoy, bakit mo ako hinampas?”sagot ni Alex. “Bilang parusa! Literal na nasa iyo ang Immortal Doctor, pero hindi mo siya ginagamit kapag kinakailangan! Sa kasalukuyan mong kapangyarihan at kakayahan, kasama ang Galactic Protection Amulet, bakit ka pa natakot sa mga bodyguard na iyon?”“Ah... Ah... hindi pa kasi ako sanay!”Nagsalita si Phoebe, “Oo! Babae si Cherry, alam mo ba iyon? Natural lang sa kanya ang maging balisa. Bakit mo siya sinampal? At hindi ka man lang nag-atubili! Pagbabayaran kita para diyan! Sasampalin kita.”“Oo! Phoebe, sampalin mo siya para sa akin,” ulit ni Cheryl.Ngumiti si Phoebe at inilagay ang
Magbasa pa
PREV
1
...
144145146147148
...
195
DMCA.com Protection Status