Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1411 - Kabanata 1420

1942 Kabanata

Kabanata 1411

Kung may makakaalam na gumagapang sa lupa ang marangal na Lord Commander ng Department Six, punong-puno ng luha at uhog ang kanyang mukha at patuloy na idinidiin ang kanyang noo sa lupa, umiiyak at nagmamakaawa nang malakas, hinihiling na maawa sina Alex at Phoebe sa kanya at tantananan na siya, siguradong lalaylay ang mga panga nila sa gulat.Lord Commander, ang marinig lamang ang pangalang iyon ay sapat na upang malaman na may hawak ang taong ito na maraming kapangyarihan.Ang titulo ay isang hakbang na lamang mula sa karera patungo sa tuktok ng mundo.Sino ang hindi titingin sa ibaba mula sa itaas, na minamaliit ang mga karaniwang tao?Bago ngayon, ganoong klaseng tao talaga si Grant Xenos. Maliban sa mga namamahala sa Amerika, walang karapat-dapat na makaagaw ng atensyon niya, at naniniwala siyang nahihigit siya sa lahat ng tao.Gayunpaman, ngayon, ang lahat ng kanyang pagmamataas, ang kanyang mga iniisip, at lahat ng meron siya ay walang awa at lubos na dinurog.Ang kanyang panana
Magbasa pa

Kabanata 1412

May bagay na nahulog, at nang malapitan itong tingnan, isa itong talukab ng pagong.Meron itong bilog na butas, at may pulang tali ang nakasabit dito. Dati na itong suot ni Grant.Kinuha ni Alex ang talukab at nagtanong, “Ito ba… Ang Holy Book?”Bagama’t ayaw aminin ni Grant, nandito na siya sa sitwasyong ito, at wala nang saysay na lumaban pa. Tumango siya at sinabing, “Ang itutugon ko kay Master, oo, ito ang Holy Book na kinuha ng iyong ama mula sa abandonadong barko sa ilalim ng dagat. Naipasa ito sa mga kamay ng aliping ito, ngunit ang core sa loob nito ay nakuha na ng iyong ama nang maaga, at ngayon ay dapat nasa kamay na ito ng Master.”Umiling si Alex. “Mali ka. Hindi ko nakuha ang Holy Book. Ilang beses ko nang sinabi sa’yo.”“Paano ito naging posible?” Sabi ni Grant, halata sa mukha niya ang di-paniniwala. “Kung hindi mo nakuha, paano ‘yung baluti ng pagong na ginamit mo? Ano iyon?”Sa oras na ito, malamig na bumuntong-hininga si Yuno at sinabing, “Ang tanga! Akala mo ba ay ma
Magbasa pa

Kabanata 1413

Noong unang nakuha ni Alex ang Ultimate Book of Medicine, maingat niyang siniyasat ang katawan ng kanyang ina. Napakalusog na nito ngayon. Paano ito magpapahiwatig na anumang karamdaman?Gayunpaman, nang nagtanong pa siya para sa higit pang mga detalye, umiling si Grant Xenos at sumagot, “Hindi ko alam ang mga detalye. Ang lahat ng ito ay sabi-sabi lamang, at parang seryoso ito. Kung bakit hindi nagpapakita ng anumang senyales ng sakit ang nanay mo, hindi ko rin alam.”Sumimangot ng malalim si Alex. Gayunpaman, kahit na pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, hindi pa rin niya ito malutas.Ngayong si Grant ang kanyang lingkod sa pamamagitan ng Soul Contract, malinaw na hindi ito nagsisinungaling.Sa ngayon, hindi niya maisip ang katotohanan, pero ang mas ikinagulat ni Alex, ay ang lugar na nasa harapan niya. Kanina lang ay nasa ibabaw sila ng dagat. Paano siya nagising dito? Hindi kaya mas matagal siyang nawalan ng malay kaysa sa inaakala niya?Dahil dito, nabigla siya nang magtanong.
Magbasa pa

Kabanata 1414

Sa katunayan, ang kanyang katawan ay patuloy na sumisipsip ng essence na nasa buong mundo. Kung ikukumpara sa mga lungsod sa labas, ang essence sa misteryosong isla na ito ay isang daang beses na mas mainam at sapat.Ang walang katapusang essence ay tumalbog sa paligid, na parang sumasayaw sa masiglang paraan sa kanilang paligid.Habang hinihigop ni Phoebe ang essence, marami ring nahigop si Alex.Parang multo silang tatlo sa gabi, mabilis na umuusad.Sa huli, nang halos dalawang kilometro na ang layo nila, biglang may narinig na tunog ng kanta mula sa palasyo.“Ang pag-ibig ay parang gutom na lobo. Paano ito makakatulog,“Kailangan nitong gunitain ako sa pamamagitan ng pag-iiwan sa akin ng malalim na peklat,“Ang pag-ibig ay parang gutom na lobo, ang bibig nito ay hindi matamis,“Kung darating ka at makikipaglaro, mabangis itong magwawala...”Nang umalingawngaw ang pamilyar na ritmo sa labas ng palasyo, nagulat si Alex.Hindi ba ‘to lumang kanta mula sa sikat na mang-aawit sa Hong Kon
Magbasa pa

Kabanata 1415

Si Snow Whitney pala ang babaeng iyon. Ang kamag-anak ng pamilyang Zimmer ng Michigan, ang asawa ni Quentin Zimmer, ang nanay nina Easton at Viole.Hindi akalain ni Alex na makikita niya ang babaeng ito sa punong-tanggapan ng Leviathan Gate.Labis rin ang ikinagulat ni Grant.Ilang araw lang ang nakalipas, nang umalis si Elder Crain, at umalis na rin sina Alex, Geronimo, at ang lahat, kinausap siya ni Snow saglit at kumain pa kasama siya. Magaling makitungo at marunong makisama sa iba si Snow. Pagkatapos nilang kumain, binigyan siya nito ng isang bagay na hindi niya kayang tanggihan... Isang longevity pill.Ang pagkonsumo lamang ng isa ay makakapagpahaba ng buhay ng isang tao ng limang taon.Para sa taong nasa edad niya, ang tuksong pahabain pa ang kanyang buhay ng limang taon pa ay napakahirap na tanggihan.Natural, kailangan niyang magbayad ng maliit na halaga para dito, at tumulong siya sa pag-aayos ng posisyon para kay Snow sa Department Six. Mula noon, itinuturing na si Snow bilan
Magbasa pa

Kabanata 1416

Gayunpaman, naisip niya na isa sa mga babae ni Alex si Phoebe, habang si Yuno mismo ay isang estranghero.‘Bahala na! Hindi ko naman katawan ko!’Nang pinag-isipan niya ito sa ganitong paraan, hindi niya piniglas ang kanyang kamay at hinayaan si Alex na hawakan ito.Sa wakas ay nagsalita si Snow, “Ang Holy Church ay nag-utos na kailangan nating kunin ang proyekto ng Sky Tower sa Michigan. Ang sinumang maglakas-loob na humadlang ay magiging kaaway ng Holy Church! Kapag naipanalo na ang proyekto ng Sky Tower, personal na pupunta rito ang apat na dakilang master ng Holy Church para pamunuan kayong lahat!”Sumigaw ang mga tao sa ibaba, “Susunod kami sa utos!”Nagpatuloy si Snow, “Bukod dito, matagumpay na pinasok ng kartero ang Department Six, ngunit ngayon ay kailangan ko ng ilang matalinong kanang kamay upang tulungan akong mag-ugat sa Department Six upang linangin ang aking impluwensya. Pagkatapos ng taunang araw ng paliligo, Holy Maiden, aayusin mo ang mga bagay-bagay at ibibigay mo sa
Magbasa pa

Kabanata 1417

Ang lahat ng kalalakihan at kababaihan na naliligo sa espirituwal na ulan ay nakapikit, tinatamasa ang kapayapaan ng sandaling iyon.Naiintindihan ni Alex kung bakit kailangan nilang hubarin ang kanilang mga damit ngayon dahil gusto nilang mas masipsip ng kanilang katawan ang espirituwal na essence.Nais nilang ang lahat ng balat sa kanilang katawan ay malantad sa espirituwal na ulan, at lubhang mababawasan ang epekto kapag may kasuotang damit.Gayunpaman, kumpara sa mga aktwal na cultivator, ang kanilang pamamaraan ay masasabi lamang na pag-aaksaya.Wala silang anumang pundasyon sa cultivation at hindi nila alam kung paano maayos na sipsipin ang essence. Ang halaga ng essence na hinihigop sa pamamagitan ng kanilang mga balat ay minimal. Karamihan sa mga essence mula sa espirituwal na ulan ay kumakalat at inaanod palabas ng palasyo, na pumapasok sa iba’t-ibang bahagi ng isla. Gayunpaman, dahil sa force field sa paligid ng isla, hindi ito naanod sa dagat.Tahimik na umatras si Alex at a
Magbasa pa

Kabanata 1418

Gayunpaman, sa sumunod na segundo, ang Chaos Bead sa kanyang mind palace ay biglang nagsimulang manginig.Kaagad pagkatapos, para itong higanteng balyena na sumisipsip ng tubig, at ang napakalaking enerhiya sa kanyang katawan ay naubos mula sa kanyang utak. Hindi lamang nawala ang nag-aalab na sensasyon mula sa kanyang mga meridian, ngunit maging ang kanyang sariling mga espirituwal na kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan ay sinipsip.Kahit na matapos ubusin ang mga espirituwal na kapangyarihan sa kanyang mga meridian, nagsimula itong kumuha ng mga espirituwal na kapangyarihan mula sa kanyang energy core.‘P*ta!‘Anong nangyayari? Hayup na Chaos Bead na ito. Hindi naman siguro ‘to biglang tumiwalag sa’kin, ano?!’Labis siyang nag-aalala.Kung ang kanyang kapangyarihan ay patuloy na sisipsipin nang ganito, maging ang kanyang energy core ay mauubos. Matutuyo at mamamatay siya.Sa sumunod na sandali, agad siyang tumakbo sa katabi niyang estatwa para kunin ang lalagyan at inumin iyon.
Magbasa pa

Kabanata 1419

Ayaw ni Alex na malaman ni Yuno ang tungkol sa ilang butil na meron siya mula pa noong una.Sinong nakakaalam kung anong klaseng makamulto na pagkakatawang-tao si Yuno?Paano kung isa pala siyang masamang babae?Base sa tono ng pananalita nito, isa itong matandang halimaw na mas matanda sa kanyang lolo’t lola.Gayunpaman, ano bang maaari niyang gawin kapag kusang nagwala ang mga butil?Ang usapin ay nahahati sa dalawang dulo ngayon. Iginiit ni Yuno na ang butil ay si Mother Chaos at hindi ang Chaos Bead. Gayunpaman, sinabi rin niya na ang misteryosong butil at ang Celestial Oceanic Bead ay mga sirang Chaos bead. Idinagdag sa katotohanan na ang tatlong butil ay naging isa na ngayon, medyo makabuluhan nga ang sinabi niya.“Ano ang Mother Chaos?” tanong ni Alex.“Narinig mo na ba ang tungkol sa Chaos Bead? Ayon sa mga alamat, ang Chaos Bead ay ang pinakamahalagang kayamanan na lumitaw noong ang mundo ay nasa kaguluhan noong sinaunang panahon at noong ang langit at lupa ay pinaghiwalay. It
Magbasa pa

Kabanata 1420

Nagliwanag ang mga mata ni Nier Yggdrasil. “Ayos! Sasamahan kita!”***Wisik!Wisik!Dalawang wisik!Magkasunod na tumalon sina Alex at Yuno sa pool.“Brr, ang lamig!“Alex, halika rito at bigyan mo ako ng init!”Nang tumalon si Yuno sa pool ay agad niyang inangat ang ulo at malakas na sinigawan si Alex.Ilang segundo lang ay nanginginig na siya sa lamig at naging kulay lila na rin ang labi niya.Kung magtatagal pa ito, nangangamba siyang baka magyelo na siya at lulubog na siya sa tubig.Nang makita siya sa ganoong kalagayan, hindi nangahas si Alex na magpaliguy-ligoy pa. Kaya, lumangoy siya at pinulupot ang braso sa baywang nito. Pagkatapos, isinaaktibo niya ang Mystic Armor upang bumuo ng kalasag sa paligid ng kanilang mga katawan. Kasabay nito, itinulak din niya ang kanyang espirituwal na kapangyarihan mula sa Force papunta sa katawan nito, pinapawi ang mga panginginig na nararamdaman nito.Nakahinga ng maluwag si Yuno at sinabing, “Nawala sa isip ko ngayon kung gaano kahina ang aki
Magbasa pa
PREV
1
...
140141142143144
...
195
DMCA.com Protection Status