Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1001 - Kabanata 1010

1942 Kabanata

Kabanata 1001

“Ipapadala mo ang lahat ng 500 na mandirigma sa misyong ito?”Nang marinig ang kanyang sinabi, kapwa nanlaki ang mga mata nina Ronald at Danial.Sa kabilang banda, parehong nalito ang magkapatid na Duncan at si Timothy.‘Ano yung mga Golden Dragon Warriors?’Sagot ni Danial. “Hindi ba medyo marami kapag 500? Nag-aalala ako na magdudulot tayo ng napakalaking kaguluhan, at baka manghimasok ang mga opisyal.”Malamig na napaungol si Fanny. “Anong inaalala mo? Hinahamon at iniinsulto nila ang pamilya natin! Kaya bakit hindi tayo papalag? Kahit na narito ang ama ni Timothy, wala rin naman siyang magagawa. Naayos na! May kapangyarihan pa rin ang katayuan ko sa siyudad na ito.”Nang marinig ito, parehong natuwa sina Danial at Ronald.Maraming taong pinamuhunan ng mga Johansson ang 500 Golden Dragon Warriors. Kung talagang sasali sila sa isang misyon, ito ang kanilang pinakamakapangyarihang lakas.‘Tiyak na nakagigimbal ang tanawin bukas.’Sa pag-iisip tungkol dito, hindi maiwasan ni Ronald na
Magbasa pa

Kabanata 1002

Kinuha ni Alex ang kontrata at mabilis itong sinuri. “Sige, pasensya na sa abala.”“Isang karangalan na pagsilbihan ka, Mr. Rockefeller,” sagot ni Azure.Umupo si Alex sa tabi ni Waltz. “Ang angas mong magsalita noon. Sinubukan mo pa nga akong kalabanin noon! Bakit mas lalo kang gumagaya sa ninong mo simula nang yumao siya? Halos kasing galing mo na siyang sumipsip.”“Pfft!” Napatawa si Waltz nang hindi sinasadya.Natigilan si Azure. Sa sobrang pagkailang niya, hindi niya alam kung anong gagawin.Patuloy ni Alex, “Halika, maupo ka. Kapatid ka ni Waltz, kaya pamilya mo rin ako. Tropa tayong lahat dito, kaya itigil mo na ang pagiging magalang sa akin. Tawagin mo na lang akong... kuya simula ngayon.”Sabi ni Waltz, “Uy, hindi ba mas bata ka kay Azure?”Agad na sinabi ni Azure, “Kuya Alex na ang itatawag ko sa’yo simula ngayon.”“Sige!”“Dahil sa iyo na ang manor, gusto mo bang puntahan iyon?” tanong ni Waltz.“Baka sa ibang araw na lang,” sagot ni Alex. “Kakatungtong ko lang sa susunod na
Magbasa pa

Kabanata 1003

“Ano? Anong ibig mong sabihin? Buhay at kamatayan? Anong nangyari kay Rockefeller?” Nagsimulang magdaldal si Claire sa kabilang linya.“Mamamatay na si Rockefeller ngayong araw!” sabi ni Yone. “Mali yung taong binangga niya.”“Ah!” Bahagyang natigilan si Claire.‘Mamamatay si Alex Rockefeller dahil may ginalit siyang iba?’Nabagabag siya. Bagama’t ipinapanalangin niya ang pagkamatay ni Alex paminsan-minsan, sinusumpa lang niya ito nang walang ibang layunin. Bilang karaniwang babae, natural na matatakot pa rin siya sa anumang may kinalaman sa pagpatay.Gayunpaman, sa loob lamang ng ilang segundo, naalala niya kung gaano kasama ang pakikitungo sa kanya ni Alex at natuwa siya. “Buweno, lumaki ang ulo ng lokong iyon nung yumaman siya. Gaya ng sinabi ko noon, kakarmahin rin siya balang araw! Walang makapagliligtas sa kanya. Ginusto niya iyon! Sinong ginalit niya sa pagkakataong ito?”“Ang mga Johansson ng California!”“Hahahaha…” histeryosong tawa ni Claire. “Ginusto niya talaga iyan. Sigur
Magbasa pa

Kabanata 1004

Kasunod noon ay isa pang malakas na kalabog, na ikinagulat ng ilang tao sa loob.“Yung Lamborghini ko!” sigaw ni Waltz.Nandito na ang mga Johansson. Winasak nila ang mga bakal na gate sa Maple Villa 8. Gayunpaman, hindi tulad ni Terrance, tila wala silang kapangyarihan ng isang grandmaster. Kaya naman, hindi tumama ang gate sa pinto at sa halip ay bumagsak iyon sa Lamborghini na nakaparada sa loob.Lubhang nasawi ang puso ni Waltz dahil dito.Agad namang lumabas sina Waltz at Zendaya, kasunod sina Alex at Auntie Rockefeller, na nasa kusina.Nagulat sila sa tanawing nasa harapan nila.Lahat ng 500 Golden Dragon Warriors ay mga mandirigmang may ranggong mas mataas sa Royal. Tatlumpu sa kanila ay nakamit na ang ranggong Mystic. Napakalaki kapag pinagsama-sama ang kanilang mga kapangyarihan.Bukod sa mga maharlikang pamilya sa Amerika, nakakatakot ang pamilyang may ganitong kapangyarihan.Bago makilala si Alex, ang mga Yowell, na bahagi ng apat na malalaking pamilya ng California, ay mero
Magbasa pa

Kabanata 1005

Pakiramdam ni Alex ay para siyang nakagat ng aso matapos mapansin si Claire sa loob ng grupo. Halos malakas na rin siyang mapamura.Natigilan si Waltz at hindi makapaniwala.Nagdilim ang ekspresyon ni Auntie Rockefeller nang makita niya sila.“Claire Assex, anong ginagawa mo rito? Nasiraan ka na ba? Bakit ka sumasama sa mga ganiyang tao?” Nagsalita si Alex. Halatang pagalit ang tono niya.Nang marinig ito, tumingin sa direksyon ni Claire ang grupo ng mga tao.Malamig na tumawa si Claire. Nandito rin naman siya para panoorin ang pagkamatay ni Alex.Nang makita kung paano pinalibutan si Alex ng Golden Dragon Warriors, nakaramdam siya ng gulat ngunit nasisiyahan. “Alam kong darating ang araw na ito, Rockefeller?! Tulad ng sinabi ko, kakarmahin ka rin balang araw! Hindi man lang umabot ng mahigit sa isang linggo para mangyari ‘to! Nandito ako para saksihan kung paano mo huhukayin yung sarili mong libingan!”Hindi na tinatablan si Alex ng mga masasakit nitong salita. “Pasensya na, pero madi
Magbasa pa

Kabanata 1006

Sinampal ulit siya ni Alex. “Kasinglala ba ng kakapalan ng mukha mo ‘yang pagkabingi mo? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Sino ka sa tingin mo? Kailangang lumuhod sa harap ko ang lolo mo kapag nakita niya ako, kaya’t anong naisip mo pagpunta mo rito at nanghimasok ka sa buhay ko?! Hindi madaling makakuha ng biyenan, alam mo ba iyon?”Napabagsak si Yone sa lupa dahil sa sampal na iyon.Naging histeriko na rin si Claire.“Ah! Ah! Gago ka! Baliw ka!!! Hindi mo lang ginalit ang mga Johansson, sinampal mo pa si Yone? Pinatalsik mo yung ngipin niya! Hindi mo ba naiintindihan ang salitang ‘kamatayan?’ Ngayon, gusto ko talagang makita kung paano ka mamamatay!”Agad din niyang tinulungan si Yone na makatayo. “Naku, manugang! Mahal, ayos ka lang ba? Patingin nga... Oh diyos ko! May sugat yung mukha mo…”Naiinis si Alex nang makita niya itong umaarte nang ganoon. Maging si Auntie Rockefeller ay nanonood sa kanila na may nakamamatay na mga mata.“Loko ka! Sino ka para sampalin ang kapatid ko?”
Magbasa pa

Kabanata 1007

‘Ano?’‘Si lolo... ba talaga iyon?’Higit sa lahat, napansin nila kung paano tinutukoy ng kanilang lolo si Alex.Tinawag niya itong ‘Grandmaster Alex.’Saka lang naramdaman ng dalawa na parang dinurog ng martilyo ang kanilang mga puso.Ang pangunahing dahilan kung bakit sila nagpunta sa California ay upang makita ang bagong presidente ng SCBA. Sinabi sa kanila ng kanilang lolo na ang bagong pangulo ay si Grandmaster Alex.Bukod dito, mariing iminungkahi pa ni Frederick na si Yannis ang maging sekretarya ni Grandmaster Alex. Kung meron man, umaasa siyang maaari itong maging asawa ni Alex.Naghahanap din ng impormasyon si Yone tungkol kay Grandmaster Alex sa nakalipas na dalawang araw. Gayunpaman, wala siyang nakuha. Walang impormasyon na makukuha tungkol sa lalaking ito.Ngunit, ngayon, nalaman niyang si Alex, ang dating asawa ng babaeng kinagigiliwan niya, ay si Grandmaster Alex rin pala. Ang ekspertong makapagpapagaling sa kanser sa tiyan ng kanyang lolo.‘Hindi ko matatanggap ito!’M
Magbasa pa

Kabanata 1008

Nang may kumikinang na mga mata, marahas na itinulak ni Claire si Auntie Rockefeller. “Huwag ka nga! Ano ba ito sa’yo? Tumabi ka!”Lumingon siya kay Alex. “Alex Rockefeller, ikaw ang gumawa ng kasunduang ito. Wala akong pake kung kinailangan kong lumuhod para bigyan mo ako ng sampung bilyong dolyar! Kahit sa buong pamilya mo pa! Kaya naman, nasaan yung pera? Ibigay mo ang sampung bilyon, at luluhod ako ngayon. Dapat may isang salita ka ha, huwag kang maging duwag na sumisira sa kanyang pangako!”Tuwang-tuwa si Claire.‘Sampung bilyon!’Kahit na talagang ibinenta niya si Dorothy sa mga Duncan, walang paraan na makakakuha siya ng sampung bilyon. Walang ordinaryong tao ang maaaring kumita ng ganoon kalaking halaga ng pera; kaya wala siyang pakialam kahit kaunti.Papayag siyang kumain ng tae para sa perang iyon.Sa pagkakataong iyon, agad siyang napaluhod, lumuluhod sa harap ni Alex.‘Ngayon, wala nang bawian kung ako muna ang luluhod!’Hindi makapaniwalang nakatingin ang magkapatid na Dun
Magbasa pa

Kabanata 1009

Noong panahong iyon, may bisita ang mga Johansson sa kanilang bahay.Ang naturang bisita ay isa palang matandang nasa bandang setenta at may magulong puting buhok. Meron siyang mahabang balbas na umabot sa kanyang dibdib. May hawak siyang dalawang bote ng alak; ang bote na may tatak na pulang sticker na may nakasulat na “Maiden Rose”.“Johansson! Buksan mo ang pinto!”“Uy ikaw, tanda, alam mo talaga kung paano takutin ang lahat! Low profile kayo, tapos meron palan kayong napakalakas na trump card! 500 Golden Dragon Warriors! Saan mo sila itinago sa lahat ng oras na ito?”Napangiti kaagad ang bibig ng matanda nang makita si Fanny.Nasiyahan din si Fanny sa kanyang sinabi.Ito ang gusto niya, kung tutuusin. Nagpanatili ng low profile ang kanyang pamilya sa loob ng dalawampung taon upang makagawa sila ng pasabog na debut.Gusto niyang mabigla ang lahat ng apat na malalaking pamilya ng California at subukang gumawa ng pangalan para sa kanilang mga sarili sa Timog California.Sa oras na iyo
Magbasa pa

Kabanata 1010

‘May mali. Malamang may nangyaring mali!’Lumalakas ang tibok ng puso ni Fanny, at tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang likod. Pagtingin sa oras, may dalawampung minuto pa bago mag alas dose.Napatayo siya bigla at nagmamadaling umalis sa bahay niya.***Hindi sumasagot ang mga Johansson sa Maple Villa 8 dahil masyado silang nabigla sa nakita nila.Ilang segundo lang ang nakalilipas, nanonood silang lahat habang tatlumpu’t isang mandirigma ang sumugod kay Alex at sa iba pa. Akala talaga nila ay katapusan na ni Alex. Ganoon din ang naisip ng magkapatid na Duncan.Masaya sila sa resultang ito. Hindi mahalaga kung kaya niyang gamutin ang kanser sa tiyan ng kanilang lolo; hindi na mahalaga kung siya ang tunay na Grandmaster Alex. Hangga’t mamamatay siya, hindi sila maaaring sisihin ng kanilang lolo.‘Para naman sa kanyang buhay...’‘Yung iba nga namamatay agad dahil sa kanser sa tiyan, kaya bakit hindi ka pa patay?’Sa sandaling iyon, lumutang sa hangin ang Dragon’s Bane of Thirty-Six.
Magbasa pa
PREV
1
...
99100101102103
...
195
DMCA.com Protection Status