Kahit Ayaw Mo Na Alester Hernandez' POV Marahan kong binuksan ang pinto ng opisina ng babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang isip ko. Sa bawat minuto na hindi ko siya makita ay para bang ang lungkot ng buhay ko. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang. Isang Lilah Daza lamang ang nakabihag at bumasag ng aking puso. "I'm sorry Alester, walang mali sayo, hindi ka nagkulang in fact sobra-sobra pa nga ang ginagawa mo eh, ang nagawa mo sa akin. Pero... I'm sorry, hindi... Hindi kita mahal. Sinikap ko namang mahalin ka pero wala talaga eh. So it's better na maghiwalay na lang tayo. Hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin. You deserve someone better. Someone who will love you back. And that's not me." "L-ah? Don't do this to me, please? Alam kong... Mahal mo ako, nararamdaman ko iyon, kung meron manakong ginawa na hindi mo nagustuhan,I'm sorry. Ayusin natin, pag-usapan
Huling Na-update : 2022-01-02 Magbasa pa