Christmas break na. Nag-e-empake na ako ng ilang gamit dahil pupunta kami sa Batangas para sa family reunion. Bukas pa ang alis namin at napagdesisyunan kong makipag kita kay Leenox ngayong araw. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay umalis na ako at nagtungo sa condo ni Leenox. Naabutan kong kumpleto silang magpipinsan, isama mo na rin sina Maiza, Alexa at Patrice. "Zetha, balita ko sa Batangas ka raw magpapasko?" Sambit ni Sophie. "Kawawa ka naman pala Leenox. Kasapi ka ngayon sa samahan ng mga malalamig ang pasko." Pang-aasar ni Blakeleigh. "Wow! Ikaw rin nanan. Wala kang jowa." Balik ni Leenox. "Hindi ko kailangan ng jowa." "So, kahit na magkaboyfriend si Angel ay ayos lang sa'yo?" Nakangising tanong ni Desmond. "Ayos lang din ba sa'yo kung magiging sila Atl
Terakhir Diperbarui : 2021-11-12 Baca selengkapnya