3RD PERSON POV "Ahhh! Ang cute nya!!!" "Wow! Isa kang elf? Eh bakit mukha kang tao?" "Hahaha sabi ko sa inyo diba, may mate na si Zyron!" mayabang na sigaw pa ni Jax habang pinagkakaguluhan ng mga ito si Finn. Nasa living room ng pack house sila ngayon kasama ang mga kapatid ni Jax na sina Sarina at Jace. Manghang-mangha ang mga ito dahil sa wakas ay nahanap na rin ni Zyron ang kanyang mate. Ganun rin ay unang beses ng mga ito makakita ng isang elf, dahil sa isang village sila nakatira at medyo may kalayuan sa syudad, halos mga ka-uring werewolf lamang at tao ang madalas na makasalamuha ng mga ito. "Naku kayo talaga, wag nyong palibutan ang kawawang elf, natatakot na sya sa inyo oh," sabi pa ng nanay ni Jax na si Ginang Olivia habang inaawat ang mga anak nito. "Tinitingnan lang naman namin siya, Ma," pagdedepensang sagot pa ni Jace, ang bunsong kapatid ni Jax, habang nagpapa awa pa itong sumisilay kay Ginang Olivia. "Oo alam ko pero napakarami pang oras at panahon na makikita n
Last Updated : 2021-11-20 Read more