Share

Chapter 3

Author: Cutiecane23
last update Last Updated: 2021-07-30 11:34:26

FINN POV

Habang umaandar ang kotseng aking sinasakyan ngayon, hindi pa rin mawala ang mga bagay na tumakbo sa aking isipan.

Alam ko kung ano ang mga senyales na nararamdaman ko. Ang amoy ng matapang na kape at tsokolate, isama  pa ang mga mumunting kuryente na dumadaloy sa aking katawan kapag naglalapat ang aming balat. Positibo ako na nahanap ko na ang aking MATE.

Pero di katulad ng iba na masayang matagpuan ang mate nila, kabaligtaran naman iyon para sa akin, sapagkat ang tangi ko lang nararamdaman ngayon ay takot at kaba, natatandaan ko pa ang mga kwento ng mga kasama kong item doon sa auction noon.

Mula sa madilim, malamig at masikip na kulungan, kaming mga item ay na nanatili sa kanya-kanyang hawla na parang mga asong walang awang ibinebenta at pinagkakakitaan.

Si ate Chatty ay isang wood fairy, maganda siya at mabait pero sira na ang isa nitong pakpak. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na ang nagbenta sa kanya para madala sa auction ay ang sarili talaga niyang mate.

Napakatapang daw nito at lagi syang sinasaktan, ito din daw ang walang awang sumira ng kanyang magandang pakpak para di sya makatakas at nang magsawa na ito sa kanya ay ibinenta na lang siya nito sa isang dealer na nagdadala ng mga creatures sa auction house.

'Hindi ba ang mates ay ang kalahati ng kaluluwa mo, ang nilalang na magmamahal sayo kahit anong mangyari at poprotekta sa iyo lagi?' Hayss.. yan din ang lagi kong iniisip noong panahon na hindi pa ako namumulat sa totoong mga pangyayari.

Bata pa lamang nang mawalan na ako ng mga magulang kaya naman nabuhay na ako sa mga auctions at pagkakaroon ng iba't ibang master. Noong bata pa ako, lagi kong hinihintay ang araw na dadating ang Mate ko para iahon ako sa buhay na meron ako, at walang sawang magmamahal sakin.

Pero ngayon, nang malaman ko ang itim, at dilim ng tunay na kaganapan ng buhay. Tanging takot at pag aalala na lang ang nasa isip ko. Lalong-lalo na at hindi lamang iyon ang mga narinig kong kwento mula sa mga kasamahan kong item noon.

Habang napapabuntong hiningad dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Sobra ring pagkailang ang aking nararamdaman habang nakaupo sa tabi ng isang malaki at nakatakot na Werewolf na wala nang iba kung hindi ang aking sariling mate.

Ang presensya pa lamang niya ay nagdadala na sa akin ng kaba at kilabot na hindi ko maipaliwanag.

Ang pagsigaw pa lamang niya kanina ay parang isang malakas na kidnat na naghatid sa akin sa madilim na kawalan, parang gusto kong mahimatay sa takot ng mga oras na iyon.

Sigurong sasaktan din nya ako at aalilain lamang, at pag sawa na siya sa akin, ibebenta na lang ulit niya ako sa mga walang awang dealer.

Napakapit na lamang ako ng mahigpit sa suot kong bestidang puti, habang nakatanaw sa bintana ng kotse. At nakikita ang mga lalago at matataas na punong aming nadadaanan.

Mula sa repleksyon ng bintanang ito ay nakikita-kita ko pa ang ginawa sa akin ng mga naunang master ko noon, sa mahigit 19 taon ko nang pamumuhay sa mundong ito, nagpasalin-salin na ako sa

maraming master, tulad ng witch, troll at karamihan ay mga vampires.

Lahat sila ay mapang api at mapanakit,

pero pasalamat ko pa rin sapagka kahit kailan ay hindi ako naging sex slaves katulad ng iba.

Mapanakit at matatapang ang mga naging master ko noon kaya naman puno din ng mga peklat ang aking katawan.

Napayuko na lamang ako habang tahimik na nalulunod sa aking mga iniisip, at dahil doon kaya hindi ko na napasin na nakatigil na pala ang kotseng aking sinasakyan.

At sunod ko na lamang na nakarinig ang malalim na boses mula sa aking tabi.

"We're here."

Mabilis akong napatingin sa kanya, pero bago ko pa siya makita ay nakalabas na siya ng sasakyan.

Kahit nangangatal ang aking mga kamay ay nabuksan ko pa rin ang pinto ng magarang kotse na aking sinasakyan.

Pagkalabas ko pa lamang ay hinampas na agad ako ng isang malakas at malamig na hangin kaya naman napayakap na lang ako sa aking sarili dahil sa nipis ng telang suot ko.

Habang kinukuskos ko ang aking magkabilang braso ay napatingala ako sa aking harapan.

Bagsak ang aking panga habang nakatingin sa isang malaking bahay.

Napailing na lang ako habang natitig doon, sa tingin ko ay ito na ang pack house at syempre dito nakatira ang isang Alpha, ganun din ang mga pack members.

May naging master na rin akong werewolf dati, pero hindi ito isang alpha, bagkus ay isang normal na beta lamang galing sa hindi kilalang pack, kaya naman hindi kasing laki nito ang pack house na tinirihan ko noon.

Ang nasa harap ko ngayon ay isang mansion, hindi ako nagkakamali. Mula sa aking kinatatayuan. Ramdam ko na ang nanginginig ng aking tuhod dulot ng kaba, isama mo pa ang malamig na hangin na aking nararamdaman.

"Come here, what are you waiting for?" sigaw ng Alpha sabay kaway sakin palapit.

Dahil sa hiya at takot ay napatakbo naman ako palapit sa kanya, kahit halos lumabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa seryoso niyang boses.

Kung kanina ay namangha na ako sa labas pa lang, ngayong nasa loob na kami ay mas kahanga-hanga pala ito.

Sobrang lawak ng loob nito na parang tatlong average na bahay ang kasya dito, may mahaba at magarbong chandelier na nakasabit sa kisame ng bahay at may dalawang malaking hagdan na patungo sa pangalawang palapag.

Lahat ng mga kasangkapan ay halatang mamahalin, Ngayon lang ako magkakaroon ng master na Alpha at galing sa kilalang pack kaya naman ngayon lang din ako makakatira sa ganitong klaseng pack house.

Habang naglalakad ay inililibot ko naman sa paligid ang aking paningin, napagtanto ko at napansin na may kakaiba talaga dito.

Tahimik at malungkot ang bahay na ito.

Walang mga pamilyang nakatira sa loob nito, karaniwan kasi sa isang pack house ay may mga Werewolves family na nakatira dito ng sama-sama.

Nabaling ang tingin ko dahil sa malakas na sigaw.

"Woah!!! Alpha Zyron!  ikaw nga!" masiglang sigaw ng isang lalaki habang pababa sa hagdan.

Iritang mukha lamang naman ang naisagot ng lalaking aking katabi sa pagbati ng isang myembro ng pack.

"Ohhh!? may kasama ka pala, sino siya?" tanong ng lalaking bagong dating, sabay turo sa aking dereksyon.

"It's none of your business, and just guide him to his room, will you?" walang pakialam na sagot at utos pa ni  Alpha Zyron sabay akyat sa hagdan.

Sabay lang naman kaming napatingin sa paalis na porma nito, pero akong biglang napaharap ng magsalita ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Hello!!! ako nga pala si Jax, ang beta ng Blood Moon Pack!" masaya at masigla pa niyang pagpapakilala sa akin habang inaabot ang kanyang kamay.

"F-Finn naman ang pangalan ko," pabulong ko namang sagot sa kanya, Ngumiti naman ito pabalik sa akin at isinama ako para malibot daw namin ang buong bahay bago niya ako ihatid sa aking kwarto.

Masaya naman akong malaman na may makakasama pala naman ako sa malaking bahay na ito, akala ko kasi ay kaming dalawa lang ang titira dito. 

Habang magkasabay na naglalakad kami ay hindi ko pigilan ang mapangiti ng palihim dahil sa kadaldalan ni Jax.

"Oo, ang buong pamilya ko na lang at si Alpha Zyron ang nakatira dito, halos lahat kasi ng mga pamilyang werewolf ay doon na sa villege nakatira, kaya naman pamilya ko na lang ang naiwan dito para pangalagaan ang bahay pag umaalis ang Alpha," mahabang pagkukwento pa ni Jax, habang naglilibot kami sa iba't ibang parte ng pack house.

Napatango naman ako ng masagot na ang aking katanungan kung nasaan ang ibang pamilya na werewolf. Ibigsabihin pala ay dahil sa laki ng pack na ito, may nasasakupan na itong isang buong village kung saan ay magkahalong namumuhay ang mga werewolf at mga tao.

Nakakahanga lamang sapagkat hindi nagkakaroon ng gulo sa pagitan ng mga ito.

Inilibot din niya ako sa kusina, sala, mga kwarto at iba pa. Napakalaki talaga ng lugar na ito.

"Ang totoo nyan, sa pagkakakilala ko kay Alpha Zyron, wala iyong pakialam sa ibang nilalang maliban sa myembro ng aming pack, kaya naman nagtataka lang ako kung saan ka niya nakuha? At bakit ka nya dinala dito?" naguguluhang tanong sa akin ni Jax kaya naman napahinga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Sa Mix Auction ako galing." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 4

    Chapter 4FINN POV"A-Auction? Teka!!! binili ka niya mula doon?" gulat na sigaw pa nito kaya napatakip ako ng tenga."Wow! wala sa ugali ni Alpha na magtungo sa lugar na iyon, at bumili pa talaga," aniya pa na para bang kinakausap ang sarili.Ayaw ko sanang makialam pero kung hindi ko sasabihin ang nasa aking isipan, baka sumabog na sa pag iisip itong si Jax na nasa aking harapan."Ah, bala dahil mate niya ako?" hindi ko rin siguradong sagot sa kanya.Hindi ko naman kasi talaga alam ang dahilan kung bakit niya ako binili, kaya iyon na lamang ang aking naisagot.Napalaki naman at halos lumuwa ang kanyang mga mata, habang di makapaniwalang nakatingin sa akin."M-Mate!?"Yan ang huli kong narinig bago ko maramdaman ang pag kaladkad niya ang aking katawan paakyat ng hagdan at sabay tulak sa akin sa loob ng isang pinto nang mabuksan niya iyon."Mate mo pala siya, kaya dapat lang na lagi kayong magkasama pa

    Last Updated : 2021-07-30
  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 5

    3RD PERSON POV "Ahhh! Ang cute nya!!!" "Wow! Isa kang elf? Eh bakit mukha kang tao?" "Hahaha sabi ko sa inyo diba, may mate na si Zyron!" mayabang na sigaw pa ni Jax habang pinagkakaguluhan ng mga ito si Finn. Nasa living room ng pack house sila ngayon kasama ang mga kapatid ni Jax na sina Sarina at Jace. Manghang-mangha ang mga ito dahil sa wakas ay nahanap na rin ni Zyron ang kanyang mate. Ganun rin ay unang beses ng mga ito makakita ng isang elf, dahil sa isang village sila nakatira at medyo may kalayuan sa syudad, halos mga ka-uring werewolf lamang at tao ang madalas na makasalamuha ng mga ito. "Naku kayo talaga, wag nyong palibutan ang kawawang elf, natatakot na sya sa inyo oh," sabi pa ng nanay ni Jax na si Ginang Olivia habang inaawat ang mga anak nito. "Tinitingnan lang naman namin siya, Ma," pagdedepensang sagot pa ni Jace, ang bunsong kapatid ni Jax, habang nagpapa awa pa itong sumisilay kay Ginang Olivia. "Oo alam ko pero napakarami pang oras at panahon na makikita n

    Last Updated : 2021-11-20
  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 1

    "Welcome Mr. Creed, this way please," the assistant politely said and guide him inside.He carefully followed her to be led in a large close venue that elegantly design with costly materials. Ang theme ng lugar ay gold kaya naman parang nasa loob ng magarang palasyo siya ngayon.She guide him in his respected place, kung saan ay medyo malapit sa harap ng stage. Bago umupo kinuha muna niya ang number na nakapatong sa gitna ng silya.While scanning the entire place, he can't help to sigh in annoyance and disbelief.It's not his will to be in here, and attend some kind of events for some hungry and wealthy vampire, they're not just only hungry for blood but also with money, fame and popularity.Hindi nga lamang kailangang makisama sa ibang creatures, hinding-hindi siya pupunta sa ganitong mga lugar."Yo Mr. Creed, you look really excited tonight."Napalingon pa siya nang marinig ang masiglang bati ng isang vampire palap

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 2

    3RD PERSON POVCreatures in this modern times are still out there, not just inside a childrens book or in a novel. Pwedeng yung taxi driver ay isa pa lang nagpapanggap na goblin, teacher ay isang Elf at kahit ang mga pinasikat at kilalang personalidad ay maaaring mga Vampires.Even though they still not coexist with humans, they still live here among us.But they have some special and different place for themselves like this gatherings, especially like ...'Auctions.'Zyron keeps tapping his dress shoes in a carpeted floor of this venue in boredome. Inip na inip na siya kahit halos hindi pa nangangalahati ang event na ito.He frowned his thick eyebrow in annoyance, his patience is wearing thin in every second that pass by. Alam niyang mas marami pa siyang mahalagang gawain kaysa ang umupo dito at manuod ng mayayaman na ang alam lang ay ipagmalaki ang kanilang estado sa pamamagitan ng pagbili ng mga alipin."Is there

    Last Updated : 2021-07-28

Latest chapter

  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 3

    FINN POVHabang umaandar ang kotseng aking sinasakyan ngayon, hindi pa rin mawala ang mga bagay na tumakbo sa aking isipan.Alam ko kung ano ang mga senyales na nararamdaman ko. Ang amoy ng matapang na kape at tsokolate, isama pa ang mga mumunting kuryente na dumadaloy sa aking katawan kapag naglalapat ang aming balat. Positibo ako na nahanap ko na ang aking MATE.Pero di katulad ng iba na masayang matagpuan ang mate nila, kabaligtaran naman iyon para sa akin, sapagkat ang tangi ko lang nararamdaman ngayon ay takot at kaba, natatandaan ko pa ang mga kwento ng mga kasama kong item doon sa auction noon.Mula sa madilim, malamig at masikip na kulungan, kaming mga item ay na nanatili sa kanya-kanyang hawla na parang mga asong walang awang ibinebenta at pinagkakakitaan.Si ate Chatty ay isang wood fairy, maganda siya at mabait pero sira na ang isa nitong pakpak. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na ang nagbenta sa kanya para madala sa

  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 2

    3RD PERSON POVCreatures in this modern times are still out there, not just inside a childrens book or in a novel. Pwedeng yung taxi driver ay isa pa lang nagpapanggap na goblin, teacher ay isang Elf at kahit ang mga pinasikat at kilalang personalidad ay maaaring mga Vampires.Even though they still not coexist with humans, they still live here among us.But they have some special and different place for themselves like this gatherings, especially like ...'Auctions.'Zyron keeps tapping his dress shoes in a carpeted floor of this venue in boredome. Inip na inip na siya kahit halos hindi pa nangangalahati ang event na ito.He frowned his thick eyebrow in annoyance, his patience is wearing thin in every second that pass by. Alam niyang mas marami pa siyang mahalagang gawain kaysa ang umupo dito at manuod ng mayayaman na ang alam lang ay ipagmalaki ang kanilang estado sa pamamagitan ng pagbili ng mga alipin."Is there

  • The Cold Alpha and The Broken Elf   Chapter 1

    "Welcome Mr. Creed, this way please," the assistant politely said and guide him inside.He carefully followed her to be led in a large close venue that elegantly design with costly materials. Ang theme ng lugar ay gold kaya naman parang nasa loob ng magarang palasyo siya ngayon.She guide him in his respected place, kung saan ay medyo malapit sa harap ng stage. Bago umupo kinuha muna niya ang number na nakapatong sa gitna ng silya.While scanning the entire place, he can't help to sigh in annoyance and disbelief.It's not his will to be in here, and attend some kind of events for some hungry and wealthy vampire, they're not just only hungry for blood but also with money, fame and popularity.Hindi nga lamang kailangang makisama sa ibang creatures, hinding-hindi siya pupunta sa ganitong mga lugar."Yo Mr. Creed, you look really excited tonight."Napalingon pa siya nang marinig ang masiglang bati ng isang vampire palap

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status