Araw ng sabado at wala kaming pasok pero halos hindi kami magkandaugaga ni Ezekiel sa ginagawa. May ipinapagawa kasi samin ang Dean at kailangan namin itong matapos bago mag lunes. Nagulat nga ako nang bigla nalang kami pinatawag sa office nito noong last day ng exam. Kinabahan ako ng mga bente, ganun. Joke.*Flashback*Nag-aayos lang kami ng aming gamit bilang paghahanda sa pag-uwi dahil tapos na ang aming exam ng walang ano-ano ay may student council na pumunta sa aming classroom. "Ms. Garcia and Ms. Falcon, the Dean wants to see you in her office ASAP." anunsyo nito at saka umalis. Tumingin ako kay Ezekiel na noon ay nakatingin pa din sa pwestong kinatatayuan nung student council kanina. "Bakit naman kaya tayo pinapatawag? ASAP pa? Hindi naman tayo umabsent hindi ba?Wala naman tayong nilabag na rules bilang scholar ng school, ano kayang meron at pinatatawag tayo?" nag-aalalang tanong ko.Yes
Last Updated : 2022-01-04 Read more