Fiction, non-fiction, YA, mystery, thriller, science fiction, anthologies, poems, literature, dictionary, thesaurus, textbooks, at marami pang iba ang matatagpuan sa silid-aklatan. Parang sa mundo ko lang dati. Ang kaibahan nga lang, mas maraming nakakatuwang impormasyon ang matatagpuan sa mundong 'to. Welp. Siguro, biased lang ako dahil mas magaganda ang pagkakagawa ng mga libro rito. Ang mga libro sa mundong 'to ay mayroong mga papel na makakapal at ang mga ito ay kulay light brown. Iyon bang parang pakupas na papel na sa mundo ko dati ngunit dito, hindi siya pakupas. Sadyang ganoon lang ang kulay at hindi nag-iiba. Bago man o luma ang mga libro ay parehas lang ang kalidad ng mga papel. Siguro mayroong taong gumagamit ng mahika upang mapanatili ang ganda ng papel.Bukod pa rito, maraming nakaguhit na larawan sa mga libro. Hindi kada-pahina ay mayroong mga nakaguhit na larawan ngunit ang mga ito ay sapat upang punan ang mga parte ng mga libro na nangangailangan ng visual representat
Last Updated : 2023-01-16 Read more