Dark Forest Blaire's Point of view. "Ate Blaire, hindi po ba kami pwedeng sumama? Medyo malakas naman na po ako," pagsusumao ni Kim. Siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat at siya ang palagi kong hinahasa at tinuturuan. Lumambot ang mukha kong nakatingin sa kaniya. "I can't take that risk, Kim. Maraming dark enchants sa labas." pagpapaliwanag ko sa kaniya. Sumuko naman ang mukha niya at nakangusong tumingin sa akin. "Basta mag iingat ka, ate ha! Please, bumalik ka po." Iniwas ko ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa aking mga mata,"I'll be back." I may look cold outside ngunit para sa mga batang ito, handa kong ibuhos lahat ng lakas, dugo at luha ko mailigtas lang sila. Tulad nila, ako na lang ang nag iisa sa buhay. Walang tatay, walang nanay, walang kamag anak at walang apelyido. "Ingat ate!" "Bye ate ingat po!"
Last Updated : 2024-10-29 Read more