Ang Pinto SA simula palang ay napapansin ko na ang kakaiba sa kanyang mga ikinikilos, mga katahimikan na lumilikha ng isang maingay na alingaw ngaw na bumabasag sa aking mga tengang nasasabik sa kanyang mga salita. Madalas sarado ang pintuan ng kanyang kwarto, hindi ko man lang narinig maski ang lagitgit nito. Ang dating masayahin at pala-ngiting anak ay napalitan ng mga salubong na kilay, at kadalasang kayamutan, nangyayari ito sa tuwing maghahanap kami ng sagot minsan sa mga kumustahan sa bahay habang nakukuha namin ang oras niya. Nakababang mga mata, at tipid na mga salita, tumitindig na parang isang pinuno sa kung anu man ay 'di naman alam.Masayahin siyang bata bago pa man mangyari ang lahat ng kaganapan, pinalaki namin siyang isang prinsesa, oo isang prinsesa, yakap ko siya nuon sa aking mga bisig habang inaawitan ng mga himig na sa ami
Last Updated : 2021-07-12 Read more