Anim na buwan na ang nakalilipas simula ng umalis ako sa mundo ng mga lobo at nanirahan kasama ang mga mortal. Mabuti na lamang at walang nakasunod saaking mga bampira. Tahimik ang naging pananalagi ko sa lungga ni Czarina. Hinaplos ko ang umbok ng tiyan kong ngayon ay malaki na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang mga bagay na nangyari saakin. Sa totoo lang hindi ko din alam ang gagawin ko paglabas ng nasa sinapupunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumalot nanaman sa katawan ko ang pamilyar sakit. Tila sinusunog ang laman ko at tila tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Inalalayan ako ni Miguel at pinaupo sa hapag kainan. Ito na ang kinaugalian namin tuwing umaga. Almusal, training, dinner, tulog. Sa apat na aktibidad lang na ito umikot ang mundo ko. "Rhoegene, when we have the time samahan mo akong bisitahin ang walang kwenta mong mate at tuturuan ko ng leksyong hindi niya makakalimutan." Gigil at madiin na sabi
Last Updated : 2021-11-05 Read more