Kanina pa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend. Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address. “Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?” Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan. “Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She’s a mess!” Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder. Napansin naman ito ni Jake. “Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?” Nangunot
Last Updated : 2021-07-07 Read more