--- Ilang araw na nagiisip si Annie kung bakit siya pumayag sa gusto ng lalake na nakilala niya sa bar. Ngayon dumating na ang araw ng nakatakda nilang pagkikita. Nakahanda ang mga numbers na pwede niya tawagan kung sakaling may gawin sa kaniyang masama ang lalake. Pero mukha naman siyang disente kahit na sinabi ni Ate Pam na regular customer siya sa bar, isip niya."Ate Pam, ito nga pala ambag ko sa tubig at kuryente natin," sabi ni Annie sabay abot ng pera kay Pam."Wow naman, sweldo mo ba kagabi?" tanong ni Pam."Oo ate, binigyan nako ni manager.. Nga pala Ate Pam, may lakad ako ngayong umaga baka hnd ako makasabay sayo pagpasok sa bar," pagpapaalam ni Annie."Ah ganon ba? Saan naman ang lakad mo?" curious na tanong ni Pam."May inorder ako sa online ate, imemeet up ko," pagsisinungaling ni Annie."Ah, o sige.. Magingat ka ha,
Huling Na-update : 2021-06-04 Magbasa pa