TAHIMIK KAMING LAHAT sa hapag nang maghapunan. Ramdam at pansin ko ring kabado si Roma sa tabi ko habang kumakain kami. Nauna nang kumain sa amin ang mga bata kaya kaming mga matatanda na lamang ang naiwan. “Roma, kumain ka pa, anak. Marami itong niluto kong adobo. Nasabi kasi ni Julie na paborito mo raw ito,” pagbasag ni nanay sa katahimikan sabay abot kay Roma ng mangkok no'n. “Thank you po, tita,” Roma politely replied and got it from her. Si tatay naman ay kanina pa walang imik kahit na noong pagdala at pagpasok niya sa kwarto namin nang dating kuna ni Gino nang matapos niya itong kumpunihin para sa kambal. Sobrang bigat ng tensyon sa dining area lalo na dahil ang laking tao ni tatay at halatang-halatang iyong pinipigilan niyang emosyon. Inabot ko ang mangkok ng pinakbet at inilapit iyon kay tatay. “Tay, paborito niyo po ‘to, ‘di ba? Ako po nagluto niyan.”
Magbasa pa