MABIBIGAT ANG TALUKAP NG MATA KO, subalit nagawa ko pa ring magising sa kabila ng tama ng bala sa aking tiyan. Ramdam ko ang bilis ng patakbo ng ambulansyang sinasakyan namin. “Stay with us, Anna,” I heard Lazaro calmed me while holding where I got shot. Nanghihina na ang pandinig ko, maski buong sistema ko ay malapit nang sumuko na kapag bumigay ako ay baka hindi na ako magising pa. Halos wala na akong maintindihan sa nangyayari pero rinig ko pa rin ang mga kapulisan, marahil pinalilibutan ang buong Cebu ng mga pulis para lang mahuli kami. Akala ko no'ng tumigil ang sasakyan ay nakarating na kami sa destinasyon namin ngunit mali ako dahil pinara kami para sa inspeksyon at maski ambulansya ay ‘di nila pinalampas. “Anong mero'n, boss? May malubha kaming pasyente na kailangan ng agarang operasyon,” paliwanag ng drayber ng ambulansya. “Inspeksyon lang sir, pakibuksan lang ang pinto sa likod. Makipag-cooperate muna tayo, sir,” tugon ng pulis. Marahan akong tinapik ni Lazaro kaya tin
Magbasa pa