Mesmerizing Eyes - Chapter 6AFTER having breakfast, they proceeded to the clinic in Quezon City.Nagbalik si Tyler sa carpark matapos ihatid si Arizona sa mismong klinika.Naghabilin siya sa clinic secretary na ipatawag agad siya kapag tapos nang eksaminin ang dalaga.He sought the airconditioned coolness of his car, bago niya kinontak ang kapatid na si Teresita."Terry, tulungan mo akong pilian ng damit si Arizona." Hindi na siya nagpaliguy-ligoy."O, nasaan na kayo? I thought you're on your way home na?" taka naman ng kapatid."Nandito kami ngayon sa Quezon City. Nagpapa-check-up na siya.""Wow! Mukhang naging concerned ka na rin sa kanya, ha?" panunudyo pa ng kausap sa kabilang linya. "O, e, bakit tungkol sa mga damit ang ikinukunsulta mo sa akin, big brother?""Well, I don't like her wardrobe," ang diretsong sagot niya."You don't like her clothes?" Intrigang-intriga na talaga si Terry. "Bakit? Masyadong bang
Read more