Vhynz’s POV:Kasalukuyan kami ngayong naglalakad patungong school clinic. Kasama ko sina Andrei, Janvic, Geodie, Jermaine, Rabiya, at Yuri. Wala kaming motibo kung bakit nahimatay si Samantha. I thought it was just an over fatigue. Palagi kasi talaga siyang nahihimatay sa tuwing nagkulang sa kain at nasobrahan sa pagod. Palagi siyang pinagsasabihan nila Mom at Dad na uminom ng kaniyang gamot, pero minsan ay nakakaligtaan niya ito nang hindi sinasadya. Kaya ang mga senaryong ito, hindi na ito bago pa kay Samantha. Takang-taka kami ngayon kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante pati na rin ang mga guro. Lahat sila ay mukhang patungo sa likod—sa mini forest, kung hindi ako nagkakamali.“Eh? What’s happening?" Nagtatakang tanong ni Yuri. May mga linyang nakaguhit sa kaniyang noo nang magsalubong ang kaniyang mga kilay sa gitna. “Is there any activities today? Like fire drills, earth
Huling Na-update : 2021-05-06 Magbasa pa