All Chapters of REVENGE OF THE GOOD WIFE (FILIPINO): Chapter 81 - Chapter 90

96 Chapters

KABANATA 81

“PATRICIA,” ang tinig ng nasa kabilang linya.“Ah—sorry Kuya!” bawi niyang tila hinila ng isang lubid pabalik sa kasalukuyan.“Ano bang nangyayari sa iyo at parang wala ka sa sarili mo?” tanong ni Caleb sa tono na bahagyang nahaluan ng iritasyon.Nagbuka ng bibig niya para magsalita pero napigil ang anumang gusto niyang sabihin nang marinig ang magkakasunod na katok sa kanyang pinto.“S-Sandali lang,” aniyang hindi naman ibinaba ang tawag pero lumabas siya ng kwarto saka tinungo ang pinto.Parang wala lang na binuksan ni Patricia ang pinto. At iyon nalang ang kaniyang pagkabigla nang makilala kung sino ang taong nakatayo ngayon sa kanyang harapan.“A-Alvin? A-Anong ginagawa mo dito?” naitanong niya habang nawala naman sa kanyang isipan na hawak pa rin niya ang telepono at nasa kabilang linya si Caleb.“Hey,” ani Caleb na narinig ang kanyang sinabi.Pero wala na kay Caleb ang atensyon ni Patricia. Sa halip ay inagaw na iyon ng gwapong lalaking nasa harapan nito ngayon. Ang gwapong lala
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

KABANATA 82

“PINAGSELOSAN?” hindi na sana itatanong iyon ni Patricia pero hindi niya napigilan. Para kasing may sariling isip ang mga salitang iyon na kusang nanulas sa bibig niya.Nilingon niya si Alvin at nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya niya hindi lang sa iyon ang panibugho. Pati na rin sa perpekto at gwapo nitong mukha.“Ano bang sinasabi mo?” ulit niyang tanong.Hindi niya sinadyang mahaluan ng iritasyon ang tono niya pero hindi iyon napigilan ni Patricia. Kasabay ang pagsasalubong ng mga kilay niya.“Kung magsalita ka parang wala kang alam ah,” ani Alvin na hindi na rin nagtago ng emosyon nito.Nakita niya ang galit at hinanakit sa mukha ng binata. At iyon ang nagdala sa kanya ng mas nakakalito pang pakiramdam.“Wala naman talaga akong alam!” aniyang galit na hinarap ang lalaki. “Saka, bakit ka ba nagpunta dito? Para awayin ako?” sa puntong iyon ay minabuti na ni Patricia na ilabas ang totoong nararamdaman niya.“I came here to see you!” ang galit na sagot ni Alvin.Mariin ang pagk
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

KABANATA 83

“THE truth is, hindi na importante sa akin ngayon, kahit ano pa ang maging tingin mo sa akin. Kasi matagal ko na ring alam kung ano lang ang tingin mo sa akin, Alvin,” sarkastikong sabi ni Patricia saka tumayo para mag-asikaso ng pwede niyang kainin.Ang cup noodles na nasa cupboard ang naabot ng tanaw niya. Pagkatapos ay parang bigla siyang natakam sa mainit na sabaw at lasa niyon.Ang totoo, pigil na pigil niya ang mapaiyak. At dahil iyon sa mga salitang huling sinambit niya. Oo tama naman na sinabi niyang willing siyang makipag-bardagulan kay Alvin. Pero hindi niya naisip kahit minsan ang impact at matinding reyalisasyon ng lahat ng nangyari sa nakalipas na mga araw.Nakatayo noon si Patricia sa may counter at kalmadong inaayos ang pagkain. Binuksan niya ang cup noodles habang nagpapakulo siya ng tubig sa electric kettle. Hindi na siya nagsalita. Baka hindi tamang makipagsabayan sa ugali ni Alvin dahil ito naman talaga ang mas nakikinabang sa lahat ng nangyayari sa kanila.Iyon ang
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

KABANATA 84

KINABUKASAN gaya ng gustong mangyari ni Alvin, maaga siyang pumasok at hindi nagpa-late. Masama pa rin ang loob niya sa ginawang pang-iinsulto sa kanya ng binata. Pero kailangan niyang professional at piliing ipakita sa boss niyang hindi siya apektado. “Good morning, sweetheart,” bati sa kanya ni Alvin nang datnan siya nito sa kanyang mesa. Busy siya noon sa pag-aayos ng mga papeles na inabutan niya roon. Mga papeles ang mga iyon na kailangang basahin at pirmahan ni Alvin.“Good morning, Sir Alvin,” sagot niyang pagbati saka ito nginitian. Isang propesyonal na ngiti na alam niyang hindi magpapakalma at magdudulot ng kalituhan sa isipan ng lalaki. At hind inga siya nagkamali.Mabilis ang naging pagsasalubong ng mga kilay ni Alvin dahil sa ginawa niya. At kitang-kita niya iyon. Pero sa halip na mag-react ay nanatili lang siyang walang imik. “Coffee please,” anito sa kanya.“Sige po,” pormal niyang sagot.Pagkasabi niyon ay pumasok na si Alvin sa opisina nito habang siya naman ay tuma
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

KABANATA 85

Hindi maikakaila ni Patricia ang kurot sa dibdib na naramdaman dahil sa kanyang nasaksihan. Ayaw niyang isiping apektado siya pero hindi niya kayang lokohin ang sarili niya at kahit pa kailan alam niyang hindi niya magagawa iyon.Ang pagkakataong iyon ay pinili ni Patricia na samantalahin para takasan ang iginigiit na usapan ni Alvin. Kaya mabilis siyang tumalilis palabas ng opisina ni Alvin.Wala siyang planong i-stress ang sarili dahil sa idea na magkasama ang dalawa sa loob ng silid na iyon. Pero hindi niya mapigilan. Umaga pa lang at kung anong oras man matapos ang mga ito sa plano nilang gawin at kasalukuyang ginagawa ay wala na siyang dapat na pakialam. Pero the fact na may nangyayari sa kanila ni Alvin. Siguro iyon ang dahilan kaya nagkakaganito siya.Sa dami ng kailangan niyang gawin at naiwang mga trabaho nang maglagi sila ni Alvin sa Sta. Clara ay mas pinili ni Patricia na ituon ang atensyon sa marami at tambak niyang gawain. Pero gaya ng madalas mangyari sa kanya, muli a
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

KABANATA 86

KATULAD ng napagkasunduan nilang dalawa ni Caleb, after office hours ay sinundo siya nito. Pero dahil nga alam niyang hindi magugustuhan ni Alvin ang idea ng presensya ni Alvin sa opisina o kahit sa premises lang ng kompanya nito ay sa isang restaurant nalang nakipagkita si Patricia.“How are you?” Iyon ang agad na bungad na tanong ni Caleb sa kanya saka hinila ang isang silya at siya ay pinaupo. “Okay naman ako, Kuya,” ang maikli niyang sagot saka tinanggap ang menu na iniabot sa kanya ng binata.“Masyado kang napapalapit na naman sa boss mo, Patricia. Baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit ka umuwi ng probinsya noon? O baka nakakalimutan mo na rin kung ano ang dahilan bakit ka nagpakasal kay Robert na sumira ng buhay mo.”Habang abala si Patricia sa pagtingin ng oordering pagkain sa menu ang mga salitang iyon ang naririnig niyang sinasabi ni Caleb. Hindi naman siya naiirita. Ang totoo sana na siya rito at alam niya kung saan ito nanggagaling. “Kailangan ko ng trabaho kaya—“
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

KABANATA 87

SALAMIN ang pinaka-wall ng restaurant. Kaya naman si Alvin mula sa loob ng kanyang kotse ay kitang-kita niya ang kanina pa pakikipagtawanan ni Patricia sa lalaking gaya ng sinabi niya, noon pa mang nasa kolehiyo sila ay pinagseselosan na niya. Si Caleb Antonio.Sa pagkakatanda ni Alvin, ang lalaking ito ay anak ng may-ari ng hacienda kung saan naninilbihan ang mga magulang ni Patricia bilang katiwala. Ang lalaking ito rin ang naging tulay kaya nakilala ni Patricia ang Robert na iyon.Galit na napahigpit ang kapit ni Alvin sa manibela habang nilalamon ng matinding selos ang puso niya.“Bakit ba sa lalaking iyan palaging matamis ang ngiti mo?” selos na selos ang tono ni Alvin saka nagbuntong hininga.Ilang sandali pa pinagsikapan ni Alvin na tiisin ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi niya maikakaila iyon.“Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba mula noon hanggang ngayon palagi nalang ganito? Palagi mo akong sinasaktan?” muli ay sambit ng binata saka nagbuntong hininga.Hina
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

KABANATA 88

Ilang sandali pa at naisipan na ni Patricia ang mag-shower muna. Wala siyang planong magbabad sa shower. At dahil nga apartment lang ang tinutuluyan niya ay isa lang ang CR niyon. Ibig sabihin, walang banyo sa loob ng kwarto niya.Pumasok siya sa loob ng kanyang silid para asikasuhin ang kanyang pagligo. Naglabas siya ng usual na pambahay. Walking shorts at malaking tshirt. Ganoon lang naman talaga ang kadalasang isinusuot niya. Pero nang maalala ang presence ni Alvin ay mabilis niyang ibinalik ang walking shorts at sa halip ay naglabas ng pajama.Hindi pa rin nagbabago ng ayos nito si Alvin nang makalabas siya ng kwarto. Dala ang pampalit na damit at twalya ay pumasok na si Patricia sa banyo. Hindi niya alam kung dahil ba sa presensya ni Alvin sa bahay niya. Pero bigla ay parang ibinalik siya ng lahat ng iyon sa isang mainit na sandaling naganap at pinagsaluhan nilang dalawa ng binata noong nasa Sta. Clara pa sila.*****DAYS AT STA. CLARA…Ang kasunod na namalayan ni Patricia ang ay
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

KABANATA 89

MULING inangkin ni Alvin ang mga labi niya habang ang daliri nito ay walang kapaguran sa paglalabas-masok sa kanyang hiwa. Masyado na naman silang mainit. Habang ang katawan niya ay pirming tumutugon sa bawat pananalakay na gawin sa kanya ni Alvin.Hindi nagtagal at inihinto ni Alvin ang paghalik sa kanya. Pagkatapos ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Alam niya kung anong gagawin ng binata. At wala siyang karapatang tumanggi sa plano nito. Kaya naman nang bigla nitong isubsob ang mukha sa pagkababae niya ay wala siyang ibang nagawa kundi ang magpakawala ng isang marahas na pagsinghap.Ilang sandali pa at pinuno na nga ng magkakasunod na ungol ni Patricia ang kabuuan ng banyo. At dahil kulob iyon ay malayang nag-e-echo ang mga ingay na pinakakawalan niya. Dahilan kaya nagiging mas marahas ang paggalaw ng bibig ni Alvin. Kasama na rin doon ang walang dudang mas pagtutumindi ng pagnanasang nararamdaman niyang dalawa para sa bawat isa.“Punyeta! Ang sarap!” sigaw niya saka pinanood ang gi
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

KABANATA 90

ANG lagaslas ng tubig sa shower ang humila kay Patricia pabalik sa kasalukuyan. Tapos na iyon at para sa kanya, hindi na dapat maulit pa lalo na at ang nobya nitong si Kelly ay mukhang mahilig gumawa ng problema.Ginawa lang na mabilis ni Patricia ang pagliligo. May mga bagay kasing tumatakbo sa isipan niya ngayon. Sensuwal na mga alaalang kahit pa sabihing gusto niyang ulitin kasama si Alvin ay hindi na tama.Maraming beses nang may nangyari sa kanilang dalawa, oo. Pero hindi naman tama na patuloy niyang ipagamit ang sarili niya sa binata ang sarili niya ng paulit-ulit katulad ng nangyari noong mga bata pa sila.Sa puntong iyon ay pwede pang bigyan ng katuwiran ni Patricia ang sarili niya. Bata pa siya noon at masyadong agresibo. Pero ngayon, mas matanda na siya. Mas marami nang karanasan na dapat ay nakapagpa-mature at nagturo sa kanya ng mga leksyon. Tama lang na gamitin niya ang utak niya. Kaya naisip niyang hindi na tama ang patuloy niyang pakikipagtalik kay Alvin. Gaano man niya
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status