Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4331 - Chapter 4340

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4331 - Chapter 4340

5750 Chapters

Kabanata 4331

Sinabi ni Merlin, “Kung may medisina nga si Miss Golding para iligtas si Lord Acker, bakit hindi niya ito binigay sayo nang direkta? Dapat alam niya rin na nasa ibaba ka.”Pagkatapos, idinagdag niya, “At saka, hindi siya agad umalis pagkatapos mong umalis. Naghintay siya hanggang sa umalis ako bago siya kumilos. Para bang iniiwasan ka niya nang sadya.”“Iyon ay…” Hindi makasagot si Christian. Sa huli, sinabi niya, “Baka natatakot siya na hindi ako maniniwala sa kanya kung ibibigay niya sa akin doon ang medisina? Baka hindi ko rin ito tanggapin. Kahit na tanggapin ko ito, ibibigay ko ba ito sa ama ko?”Bumuntong hininga si Merlin. “Baka nga. Pero, may kakaiba pa rin. Walang lohikal dito.”Sinabi ni Christian, “Okay, kung gano’n, huwag ka na mag-isip masyado. Kakakita ko lang sa pinakabagong balita. Inanunsyo ng tagapagsalita ng pamilya Fox sa publiko ang tungkol sa isang press conference sa alas otso ng umaga. Ipapalabas ito nang live sa buong bansa. Sa tingin ko ay babaliktarin ng
Read more

Kabanata 4332

Nagalit si Merlin nang marinig ang report ng kanyang tauhan. Hindi niya inaasahan na makakahanap sila ng napakaraming bangkay sa New York, hindi matagal pagkatapos ng pagkamatay nina Homer at Finley. Ang mas malala, ang bawat isa sa kanila ay mga maimpluwensyang tao.Dinemanda ni Merlin, “Pumunta rin ba ang mga forensics?”Sumagot ang tauhan niya, “Oo, pumunta sila. Kahit ang FBI ay nakuha ang balita at nagpadala ng tao para mag-imbestiga.”Habang may madilim na mukha, tinanong nang seryoso ni Merlin, “Kailan sila namatay?”“Kagabi,” sumagot agad ang tauhan niya. “Sinabi ng mga forensics na wala pang walong oras nang namatay sila.”“P*ta!” Sumigaw si Merlin. “Siguradong ang mga salarfin ay ang parehong tao na pumatay kina Homer at Finley…”Pagkatapos, inutos niya agad, “Bilis at sabihan mo sila na ilipat ang lahat ng bangkay sa morgue ng autopsy center. Huwag niyong hayaan ang kahit anong media na makalapit, o tumanggap ng kahit anong interview sa media! Kung may mangangahas na k
Read more

Kabanata 4333

Habang may mahabang buntong hininga, sinabi ni Merlin nang walang magawa, “Pero… magiging masama ang epekto ng pangyayaring ito sa New York police. Kung i-aanunsyo namin ito ngayon, mapupunta agad ito sa mga headline. Tatawagan kami ng mayor at ng mga konsehal sa loob ng ilang minuto. Hindi ko alam kung paano ito aayusin…”Idinagdag niya, “Alam ko na imposible na itago ang ganitong uri ng bagay. Sa ngayon, aalis muna ako sa police station. Kung may lalabas na kahit anong iskandalo mamaya, kaya itong ipaliwanag ng direktor sa media. Gagamitin ko ang pagkakataon na ito para magtago. Malapit na akong mag-retiro, at hindi pwede na maging kalaban ako ng publiko ng buong bansa bago ako mag-retiro.”Sumagot si Christian, “Makatwiran iyon. Mabuti kung maiiwasan mo ang iskandalo na ito. Kung gano’n, manatiling ligtas ka at tawagan mo ako kung may kahit ano.”“Sige.” Binaba ni Merlin ang tawag at nagmamadaling inimpake ang mga gamit niya bago nagmamadaling umalis sa building. Sa sandaling nak
Read more

Kabanata 4334

Pagkatapos ibaba ang tawag, inutos agad ni Merlin sa tauhan niya, “Huwag ka nang pumunta sa autopsy center. Pumunta ka sa Fox Group!”Tinanong ng tauha niya, “Sir, bakit ka pupunta sa Fox Group? Malapit na silang magsagawa ng isang press conference. Halos lahat ng media sa New York ay nandoon. Kung pupunta ka sa sandaling ito, hindi ba’t…”Nautal ang tauhan niya, nag-aatubili. Hindi niya natapos ang sinasabi niya.Sinabi nang malamig ni Merlin, “Hindi ba’t ano? Tapusin mo ang mga sinasabi mo!”Tinipon ng tauhan niya ang kanyang tapang at sinabi nang tapat, “Hindi ba’t… naglalakad ka papasok sa patibong?”Nagngalit si Merlin sa galit at sinigaw, “Tang*na mo! Isa akong pulis, hindi ako mamatay-tao! Paano ako papasok sa patibong?”Nataranta ang tauhan niya at sinabi nang nababalisa, “Pero… Naghihintay ang lahat ng media para ma-interview ka…”Alam din ni Merlin na tama ang tauhan niya. Napakaraming major case ang nangyari sa isang gabi sa New York, at lahat sila ay may koneksyon sa
Read more

Kabanata 4335

Bilang ama ni Homer, si Xavion ang pinaka kinakabahan sa kanilang lahat. Alam niya na nabigo siyang turuan nang mabuti ang kanyang anak. Ngayong patay na si Homer, ililipat ng mga tao ang galit nila sa kanya.Malapit nang mag alas otso. Balisa niyang tinapik si Kathleen at binulong, “Kathleen… Baka mas mabuti na hindi muna ako umakyat…”Sinabi nang matatag ni Kathleen, “Hindi pwede na mawala ang kahit isa sa atin sa press conference ngayong araw!”Nataranta si Xavion, “Natatakot ako na magagalit ang publiko dahil pumunta ako. Magiging masama kung maaapektuha nito ang press conference mo…”“Huwag kang mag-alala dito,” sinabi ni Kathleen, hindi siya nagbigay ng daan sa kanya para makaalis siya. “Hindi niyo kailangan magsalita o gumawa ng kahit ano sa stage. Ako na ang magsasalita nang mag-isa. Kailangan niyo lang humingi ng tawad nang magakkasama kapag humingi ako ng tawad sa publiko. Yumuko kayo tulad ko.”May gusto pang sabihin si Xavion, pero sumingit nang malamig si Jordan, “Xav
Read more

Kabanata 4336

Nagkagulo ang mga tao sa hall dahil sa malakas at malinaw na mga sinabi ni Kathleen. Walang nag-aakala na magkakaroon ng bagong chairman ang pamilya Fox sa napaka kritikal na sandali.Ang pinaka nakakagulat pa ay babae ang bagong chairman. Sa United States, laganap pa rin sa mga malalaking pamilya ang seryosong problema ng patriyarkal na ideolohiya.Marami ang mayayamang pamilya sa United States na mahigit 10 billion ang asset. Pero, halos wala sa kanila ay ibibigay ang posisyon na pinuno sa isang babae. Hindi lamang iyon, pero sobrang bata pa ni Kathleen.Si Spencer, ang dating head ng pamilya, at si Jordan, ang head ng pamilya bago si Spencer, ay nakatayo sa likod ni Kathleen nang nakalinya. Malinaw na hindi nagbibiro ang dalagang Kathleen. Dahil nakatayo ang dalawang nauna sa kanya sa likod niya, siguradong totoo na siya ang bagong henerasyon ng leader ng pamilya Fox.Nagulat ang lahat.Hindi talaga nila maintindihan. Bakit gumawa ng ganitong desisyon ang pamilya Fox? Marahil a
Read more

Kabanata 4337

Sobrang bihira para sa kahit sino na maging katulad ni Kathleen, na inamin ang pagkakamali ng pamilya nila at kukunin ang responsibilidad para sa kanila. Kaya, itinabi ng lahat ang mga panghahamak nila at nag-concentrate sa mga susunod na sasabihin ni Kathleen.Nagpatuloy nang mahigpit si Kathleen, “Ang dahilan kung bakit ko sinabi na kami, ang pamilya Fox, ay may hindi maiiwasang responsibilidad ay dahil sa mga sumusunod.”“Una, nabigo kaming turuan nang mabuti si Homer! Nabigo kaming hubugin ang ugali niya na maging isang mabuting tao o magtanim ng malusog at mabuting asal sa kanya. Kaya, naging sukdulan ang kanyang ugali at pagkatao. Dahil dito, gumawa siya ng mga napakaraming pinsala sa lipunan. Dapat ay maging responsable kami para dito!”“Pangalawa, nabigo rin ang pamilya Fox na bantayan ang mga kilos ni Homer. May malaking kapabayaan sa pagbabantay! Napakaraming taon nang gumagawa ng mga napakasamang bagay si Homer, pero hindi namin ito alam at nadiskubre lang ang lahat kaha
Read more

Kabanata 4338

“One billion US dollars?!”Agad nagkagulo ang buong mundo dahil sa mga sinabi ni Kathleen.Sa mga third-world country, ang civil compensation para sa buhay ng isang tao ay ilang libong US dollars lang.Sampu-sampung libong US dollars sa mga umuunlad na bansa o daang-daang libong US dollars sa pinakamataas.Sa mga maunlad na bansa, totoo na madalas ay may ilang kaso na may napakataas na kabayaran, pero karaniwan ay sampu-sampung milyong US dollars ang pinakamataas.Bukod dito, karaniwan ay may team ng mga top lawyer na nag-iisip nang sobra para makuha ang ganitong uri ng kabayaran na aabot sa sampu-sampung milyong US dollars.Kaya, maliit lang na bahagi ng kabayaran ang makukuha ng biktima, at malaking bahagi nito ay mapupunta sa bulsa ng mga abogado nila.Gayunpaman, sinabi ni Kathleen na magbabayad ang pamilya Fox ng one billion US dollars sa bawat tao. Anong klaseng konsepto ito?! Para bang nagbigay sila ng isang public listed company sa pamilya ng bawat biktima!Ipinapakita
Read more

Kabanata 4339

Pero, perpekto ang pag-aayos ni Kathleen sa bagay na ito sa mata ng lahat. Ito ang pamantayan na crisis public relations para sa lahat ng mayayamang pamilya.Gayunpaman, sobrang laki rin ng presyo para sa public relations na ito. Kailangan nilang maglabas ng 20 o 30 billion US dollars nang gano’n lang. Marahil ay kahit ang ibang pinakamayamang tao ay walang ganitong tapang.Nang makita ni Kathleen na pinapalakpakan ng lahat ang solusyon niya, sa wakas ay bumuntong hininga siya nang maluwag.Alam niya na tagumpay ang crisis public relation.Kahit na kinakatawan niya ang pamilya Fox at kinukuha ang karamihan ng sisi para sa pamilya Fox, tapat ang saloobin niya, at higit pa sa makatwiran ang solusyon niya. Kaya, kaya siyang pagbigyan ng mga tao.Ito rin ang ibig sabihin ni Charlie nang sinabi niya na maghanap siya ng paraan para makalabas sa problema na ito.Ang pagtayo nang tuwid at pagtiis sa pambubugbog ay mas maganda kaysa pagalitan habang tinatakpan ang ulo mo.Kung tatanggapi
Read more

Kabanata 4340

Inayos na ng lolo ni Claire ang kasal niya kay Charlie bago siya magtapos sa university. Pagkatapos nilang ikasal, nagtrabaho siya bilang isang invisible na tao sa Wilson Group, kaya, wala siyang masyadong karanasan sa buhay bukod sa makita ang masamang katangian ng pamilya Wilson.Sa limitadong karanasan niya sa lipunan, hindi niya talaga maintindihan kung bakit gustong gumamit ng isang tao ng ibang pagkakakilanlan para kaibiganin ang iba.Kung sadyang sinusubukan ng kabila na saktan siya, makatwiran kung gumamit siya ng pekeng pagkakakilanlan.Pero, sa pag-uusap nila, hindi siya niloko ni Kathleen, at sa huli, ginawan pa siya ng malaking pabor ni Kathleen sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya ng kanyang idol, si Kelly. Binigyan pa siya ni Kathleen ng lugar sa master class.Kaya, hindi niya talaga maintindihan kung bakit ito ginawa ni Kathleen.Pero, nalungkot pa rin nang sobra si Claire dahil tinago ni Kathleen ang pagkakakilanlan niya. Ito ay dahil tapat niyang itinuring na
Read more
PREV
1
...
432433434435436
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status