Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3831 - Chapter 3840

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3831 - Chapter 3840

5738 Chapters

Kabanata 3831

Pagkatapos makinig sa mga sinabi ni Chandler, hindi mapigilan ni Jordan na ibulong, “Hiniling ko sa’yo na kalkulahin ang kapalaran ko, pero sinasabi mo sa akin na hindi mo makalkula ang kapalaran ko sa dalawang buong linya ng liriko…”“Tanga!” Pinagalitan siya ni Chandler sa mababang boses habang tumaas ang mga kilay niya at tinanong, “May dalawang parirala, sa simula pa lang. Bakit liriko na sila ngayong sinabi ko ito dahil sinulat na sila sa mga kanta?”Sinabi nang nagmamadali ni Jordan, “Chandler, hindi iyon ang ibig kong sabihin! Ang ibig kong sabihin ay kung maipapaliwanag mo ba ito sa akin sa mas simpleng paraan?”Umiling si Chandler nang walang magawa at sinabi, “Sobrang linaw ng literal na kahulugan. Ang ibig sabihin ay hindi ito makikita nang malinaw, hindi maiintindihan, at may sobrang kumplikadong panloob na dahilan at masyadong maraming panlabas na dahilan. Malaki ang mga pagbabago, at marahil ay magbago ang anyo nito kada minuto at kada segundo. Lampas na ito sa saklaw
Read more

Kabanata 3832

Alam ni Jordan sa puso niya na narating na ng katawan niya ang huling yugto nito. Kung hindi niya makukuha ang Rejuvenating Pill sa pagpunta niya sa Aurous Hill, ayon sa pisikal na kondisyon niya, marahil ay hindi na siya makaalis nang buhay sa Aurous Hill.Kaya, ang tagumpay at pagkatalo ay nakasaalang-alang lang sa isang kilos.Tumingin si Jordan sa labas ng bintana at nagdasal sa puso niya na makukuha niya ang gusto niyang makuha ngayon.Pagkatapos dumating ng eroplano, ginabayan ito ng isang ground guidance vehicle at pumunta sa hangar na nirentahan ni Isaac.Pagkatapos tumigil ng eroplano, bumukas ang pinto ng cabin.Direktang dinala ng isa sa mga tauhan ni Isaac ang escalator sa pinto ng eroplano.Habang binubuksan ng attendant ang pinto ng cabin, direktang tumayo ang tauhan ni Isaac sa pinto ng cabin at tinanong nang malamig, “Ito ba ang eroplano kung saan nakasakay si Jordan Fox?”Galit na sinabi ng isa sa mga entourage, “Hoy! Mag-ingat ka sa paraan ng pananalita mo. Si
Read more

Kabanata 3833

Kapag isinasagawa ng ibang tao ang negosyo, ang lahat ay para maramdaman ng customer na nasa bahay sila.Tulad ng kasabihan, ang customer ay Diyos.Kapag nagbubukas ang isa ng negosyo, iisipin ng isa ang bawat paraan at susubukan nila ang lahat ng makakaya nila para pagsilbihan nang komportable ang mga customer.Sa ganitong paraan lang nila masisigurado na lalago ang negosyo.Pero, hindi gusto ni Charlie na maglaro sa ganitong paraan.Ngayon, ang Rejuvenating Pill business ay nag-iisa lang sa buong mundo. Kaya, kahit gaano kabuti o kasama ang ugali niya, susugod pa rin ang mga mayayamang tao na ito dito.Kung ganito, hindi magpapakita ng respeto si Charlie sa kanila.Karaniwan ay napapalibutan ang mga mayayamang tycoon na ito ng mga taong pupurihin at sisipsip sa kanila. Kahit gaano kaasikaso ang mga service staff kapag pinagsisilbihan sila, hinding-hindi sila mamamangha.Kaya, sa halip na gawin ito, mas mabuti na gawin ang kabaliktaran. Hindi lamang na hindi sila luluhod sa ka
Read more

Kabanata 3834

Ngumiti nang bahagya si Chandler at sinabi, “Lennard ang apelyido ko, at ang buong pangalan ko ay Chandler Lennard.”Sa sandaling narinig ng staff member ang dalawang salita na ‘Chandler Lennard’, ang orihinal na medyo mapagmataas niyang ugali ay naging magalang agad.Yumuko siya nang nagmamadali at sinabi, “Binabati kita, Old Master Lennard! Ipinaliwanag ni Chairman Cameron na dahil isa ka sa mga VIP namin, hindi mo kailangan mag-rehistro dito. Kaya, mangyaring sumakay ka sa kotse mamaya, at ikaw ang magiging prayoridad ng fleet namin para ihatid ka sa hotel. Mayroon ding special service personnel sa hotel para ayusin ang mga mahahalagang check-in procedure para sa’yo.”Hindi inaasahan ni Chandler na magkakaroon ng mapagpakumbabang ugali ang mayabang na binata na ito sa kanya. Napagtanto niya agad na siguradong nagbigay ng utos si Charlie sa binatang ito. Kaya, hindi niya mapigilan na maging mapagpasalamat pa kay Charlie sa puso niya.Kahit na mas bata nang sobra si Charlie kumpar
Read more

Kabanata 3835

Nang pumasok si Jordan sa Houlmount na inihanda ni Isaac at umalis para sa siyudad ng Aurous Hill, naiinis siya nang sobra, at umupo siya sa kaliwang upuan sa likod nang hindi nagsasalita.Si Chandler, na mahigit 100 years old, ay nakaupo sa kanan niya.Nang makita ni Chandler na masama ang loob ni Jordan, ngumiti siya at tinaong siya, “Jordan, nakikita ko na hindi ka masaya.”“Paano ako magiging masaya…?” Sinabi ni Jordan nang nayayamot, “Chandler, sa totoo lang, naiirita ako simula noong bumaba ako sa eroplano!”Ngumiti nang bahagya si Chandler at pinaalalahanan siya, “Jordan, tulad sa kasabihan, dapat mag-relax tayo at tanggapin ang mga bagay habang dumarating sila. Subukan mo ang lahat ng makakaya mo na manatiling kalmado.”Tumango nang nag-aatubili si Jordan, at hindi niya mapigilan na mainis nang tiningnan niya ang loob ng kotse habang may nandidiring tingin na hindi niya matago.Nakikita ni Chandler na marahil ay hindi sanay si Jordan sa ganitong uri ng C-class na kotse na
Read more

Kabanata 3836

Agad na tumugon si Kathleen, “Lolo, ito naman talaga ang dapat kong gawin.”Bumuntong hininga si Jordan saka siya nagsalita, “Sana maging maganda ang resulta ng auction ng Rejuvenating Pill para makabalik ka agad ng New York pagkatapos nito.”Ngumiti si Kathleen, “Lolo, naniniwala akong mananalo kayo sa auction na ito.”***Habang dinadagsa ang Shangri-La ng mga top tycoons, dinala naman ni Claire si Charlie sa pinakamataong shopping center sa Aurous Hill.Simula nang makatanggap si Claire ng imbitasyon para dumalo ng masterclass sa Rhode Island School of Design, pakiramdam niya malaki ang utang na loob niya kay Kelly.Nagkataong wala siyang masyadong pinagkakaabalahan sa kumpanya nila kaya hinatak ni Claire si Charlie para mamili sa labas at tulungan siyang maghanap ng regalo para kay Kelly.Tinanong ni Charlie si Claire, “Mahal, naisip mo na ba kung anong regalo ang balak mong ibigay sa kanya?”Tumango si Claire nang paulit-ulit saka siya sumagot, “Napag-isipan ko na. Balak k
Read more

Kabanata 3837

Nang makita ng shopping guide na direktang nagtatanong si Charlie ng halaga ng matching goods na dapat nilang bilhin, napangiti siya nang mapanghamak, “Sir, gaya ng nabanggit ko kanina, sikat na sikat ang bag na ito. Kailangan niyo munang bumili ng mga items sa tindahan namin. Kapag lumagpas na ang consumption limit niyo kumpara sa ibang kostumer na naghahanap rin ng parehong bag, syempre bibigyan namin kayo ng pagkakataon na mabili ito.”Tumawa si Charlie nang sarkastiko, “Paano kung bumili na kami ng ilang daang libo pero sabihin mong wala pa rin? Paano namin malalaman na hindi mo kami pinagsasamantalahan?”Nakaramdam ng kaunting kaba ang shopping guide sa pagkakataong iyon pero agad ring naging normal ang ekspresyon sa kanyang mukha. Pagkatapos, ngumiti siya, “Sir, kahit bumili kayo ng marami, kung may ibang mas mataas ang consumption kumpara sa inyo, hindi niyo pa rin makukuha ang bag.”Tumawa si Charlie, “Masyadong nakakadududa ang ganitong klase ng operasyon niyo. Aasa lang ak
Read more

Kabanata 3838

Si Bernard Arnault ang godfather of luxury goods na siyang nagmamay-ari ng mahigit sa kalahati ng luxury brands sa mundo. Umaabot ng 3 trillion dollars ang kanyang net worth.Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, kararating lang rin ng matandang ito sa Aurous Hill ngayong araw at ang taong ito rin ang nagbayad ng malaking halaga para makuha ang presidential suite ng Shangri-La.Subalit, hindi inaasahan ng shopping guide na ang ‘boss’ na tinutukoy ni Charlie ay ang bigger boss ng mismong kumpanya.Akala niya ang store manager ang ‘boss’ na tinutukoy ni Charlie.Nang marinig niya ang mga salita ni Charlie, inisip niyang nagbibiro lang ito. Bago pa ito, marami na rin ang nagsabing kostumer na kilala nila ang store manager o kaya ang regional manager. Sisiguraduhin nilang mas kauntia ng allocation ng product na mapupunta sa tindahang ito. Subalit, marami sa kanila ang nagsisinungaling lang.Kaya, tumugon ang shopping guide nang may panghahamak sa kanyang boses, “Pasensya na pero sina
Read more

Kabanata 3839

Nang marinig ito ni Claire, hindi niya mapigilang mapatikom ng bibig at mapasinghal.Alam niyang maraming binabaeng lalaki sa fashion industry at pangkaraniwang bagay lamang ito sa mga nakalipas na taon. Kaya, wala siyang naisip na kakaiba sa bagay na ito.Pero, bibihira lamang para sa isang lalaki na bigyan ng pambabaeng pangalan ang kanyang sarili.Sa pagkakataong ito, nasa loob ng warehouse ang shopping guide na si Vivian habang naghahanap ng mga inventories na matagal nang hindi nabebenta sa loob ng ilang taon.Ilan sa mga nasa inventories na ito ang hindi pa nabebenta simula pito o walong taon ang nakararaan.Hindi nagtagal, nailagay niya na ang lahat ng stocks na ito sa tatlong malalaking kahon at dinala niya ito palabas, isa pagkatapos ng isa.Nilagay niya ang tatlong malalaking kahon sa harap ni Charlie at magalang siyang nagsalita saka siya ngumiti, “Sir, tingnan niyo. Nagkakahalaga ito ng 996,000 dollars. Hindi niyo na kailangang paabutin ng 1 million dollars. Sapat na
Read more

Kabanata 3840

Syempre, walang kahit sinong kostumer ang gustong bumili ng mga lumang produkto na hindi naman nabebenta.Kung hindi, imposibleng naalikabukan na lang ang mga ito sa sulok ng warehouse sa loob ng ilang taon.Sa parehong pagkakataon, kung mas matagal na hindi naibebenta ang isang produkto, mas nagiging mataas ang commission na nakukuha ng mga shopping guide kapag naibenta ito.Dahil bumili si Charlie ng isang milyong halaga ng mga slow-moving products sa kanilang tindahan, kapag natanggap ni Vivian ang kanyang sahod sa susunod na buwan, magkakaroon siya ng personal commission na katumbas ng 300,000 dollars.Hindi siya makapaniwala sa puntong ito na nagawa niyang kumita ng 300,000 dollars sa ilang minuto lang ngayong araw.Kaya, puno ng ngiti at papuri ang mukha ni Vivian saka siya magalang na nagsalita, “Sir, dahil marami kayong biniling items, kailangan natin itong idaan sa front desk nang isa-isa. Pakiusap, hintayin niyo lang ako rito nang sandali. Kukuhanan ko lang kayo ng dalaw
Read more
PREV
1
...
382383384385386
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status