Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1121 - Chapter 1130

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1121 - Chapter 1130

5621 Chapters

Kabanata 1121

Nagalit agad si Hannah nang sinabihan siya ng asawa niya na tumalon sa building! Galit niya siyang tinuro at sumigaw, “Hoy, Christopher, g*go, huwag mong kalimutan kung sino ang laging nakatayo sa likod mo, sinusuportahan ka, tinutulungan ka, at inaalagaan ka! Dahil lang pinagtaksilan kita para mabuhay, gusto mo akong mamatay! Tao ka pa ba?”Nagngalit si Christopher sa sobrang galit. “Argh, tama na ang kalokohan mo! Magpasalamat ka at wala tayo sa sinaunang panahon, kung hindi, ako mismo ang papatay sa’yo ngayon din! Nagloko ka sa akin, walang hiyang p*ta ka!”Nalungkot si Lady Wilson nang makita niya ang nasasaktan na hitsura sa mukha ng kanyang anak, at hinampas niya ang kanyang tukod kay Hannah habang minumura, “Hindi pa nagagalit nang sobra si Christopher sa buong buhay niya, tingnan mo ang ginawa mo, p*ta ka!”Humiyaw sa sakit si Hannah nang pinalo siya gamit ang tukod. Tumingin siya nang masama sa matandang babae at umirap, “Hoy, matandang aso, kung hindi dahil nahingi ko ang
Read more

Kabanata 1122

Napakurap ang lahat sa sorpresa. “Kobayashi Pharma? Bakit gusto mong makipagnegosyo sa kanila? Hindi ba’t Japanese company ito?”Sumagot si Donald, “Nakatanggap ako ng balita kailan lang na isa rin ang Kobayashi Pharma sa mga biktima ni Charlie, at palagi nilang gustong palawakin ang negosyo nila sa Oskia, pero walang magandang oras at pagkakataon na gawin ito.”“Kung mapupunta sa kamay ko ang kontrol sa Weaver Pharmaceutical, pwede akong makipagnegosyo sa Kobayashi para makapasok sila nang mas mabilis at mas madali sa merkado ng Oskia.”“Sa parehong oras, sigurado ako na gugustuhin ng Kobayashi na makipagtulungan sa akin para labanan si Charlie. Pagkatapos makapaghiganti kay Charlie, magtutulungan ang mga Weaver at Kobayashi para kumita ng mas maraming pera. Para bang dalawa ang nagawa ko sa isang kilos lang, magandang plano ito, tama?”Napahanga sina Damien at Dawson at sinabi nang nambobola, “Wow, Donald, may pananaw ka talaga! Sa ganitong paraan, hindi lang tayo magkakaroon ng
Read more

Kabanata 1123

Sa sandaling ito, iniisip ni Donald na paalisin ang pamilyang ito sa villa ng Thompson First para sarili na lang nila ang aasahan nila.Pero, nang pinag-isipan niya ito nang mabuti, ayaw niya itong gawin.Binuksan niya ang kanyang bibig at sinabi sa lahat, “Alam ko ang iniisip niyo ngayon. Nararmdaman niyo na masyado talagang mababa ang pamilyang ito at walang kwenta. Pero, pag–isipan niyo ito—kung kaya nila akong inisin ngayon, marahil ay maiinis din nila si Charlie buykas. Ang problema ngayon ay sa iba nakatuon ang isipan at pansin ng pamilyang ito. Hangga’t sama-sama sila, naniniwala ako na may epekto pa rin sila!”Hindi mapigilang itanong ni Damien: “Kuya, paano natin mapagkakaisa ang pamilyang ito? Buntis si Hannah ngayon sa ibang lalaki, kaya paano gugustuhin ni Christopher na makipagtulungan sa kanya? Huwag mo ring kalimutan ang matandang babae! Hindi siya madaling kausap!”Sumagot nang malamig si Donald, “Kung hindi natin sila mapagkakaisa, pwersahin nalang natin silang mag
Read more

Kabanata 1124

Mas lalong nagalit si Hannah nang maisip niya ito. Tinuro niya si Christopher at sinabi niya, “Christopher, sinusubukan mo ba akong abandonahin pagkatapos mo akong gamitin? May sasabihin ako sa’yo, hinding-hindi ako papayag sa divorce! Gusto mo akong i-divorce, hindi ba? Sige, tatawagan ko si Donald ngayon din at siya ang gagawin kong hatol!”Pagkatapos, nilabas ni Hannah ang kanyang cellphone at tinawagan ang phone number ni Donald.Nasorpresa siya dahil agad kumonekta ang tawag.Sa sandaling kumonekta ang tawag, umiyak si Hannah at sinabi, “Mr. Webb, kailangan mo akong suportahan ngayon!”Tinanong nang malamig ni Donald, “Anong problema?”Sumagot si Hannah, “Gusto akong i-divorce ng walang konsensyang si Christopher! Binugbog nila ako ng ina niya at pumunta pa ang pulis dahil dito!”Sumagot nang mahigpit si Donald, “Pambihira ito! Ipasa mo ang cellphone sa matandang babae.”Pinasa agad ni Hannah ang kanyang cellphone kay Lady Wilson habang sinabi niya nang matagumpay, “Gusto k
Read more

Kabanata 1125

Gusto na talagang mamatay ni Christopher sa sandaling ito.Hindi niya talaga inaasahan na ipagtatanggol ni Donald si Hannah.Hindi siya mapalagay nang sobra dahil dito.Mapagmataas at mayabang na nabuhay si Christopher sa kalahati ng buhay niya, at hindi pa siya niloloko ng babae dati. Bilang resulta, hindi niya talaga inaasahan na hindi lamang siya lolokohin ng asawa niya, ngunit nabuntis pa ang asawa niya ng iba.Ang pinaka importante, hindi niya man lang siya pwedeng i-divorce.Hindi ba’t pinipilit lang siya nito na maging isang cuckold?Sa sandaling ito, kinamumuhian niya na nang sobra si Hannah. Pero, pinakalma niya ang sarili niya pagkatapos isipin ang mga sinabi ni Donald.Alam niya na hindi niya pwedeng suwayin si Donald. Kung hindi, hindi lamang siya ang magiging malas dahil magiging malas din ang buong pamilya Wilson.Si Donald na lang ang nag-iisang pag-asa ng pamilya Wilson ngayon. Kung gagalitin nila si Donald, papaalisin agad sila sa villa sa Thompson First at map
Read more

Kabanata 1126

Pagkatapos, tumingin siya kay Christopher at sinabi nang malamig, “Christopher, sobrang sama ng loob mo dahil iniisip mo na ginawa kang cuckold ni Hannah. Pero, naisip mo na ba na ipinadala niyong dalawa si Wendy sa yakap ni Kenneth Wilson para lang sa limang milyong dolyar?”Yumuko ang lahat sa sandaling narinig nila ito.Nahiya at napahiya nang sobra si Wendy pero hindi siya nangahas na sagutin ang sinabi ng matandang babae.Mas lalong mapula ang mukha ni Christopher.Oo. Tama ang matandang babae.Galit na galit siya at naramdaman niya na ininsulto siya ni Hannah at ipinahiya dahil ginawa niya siyang cuckold. Pero, bilang isang ama, ipinadala niya dati ang kanyang anak na babae sa yakap ng isang matandang lalaki na mas matanda pa ng isang taon sa kanya.Nang makita ni Lady Wilson na hindi nagsasalita ang lahat sa sobrang takot, sinabi niya nang malamig, “Ngayon, may sari-sarili tayong pagkakamali at may kasalanan din tayong lahat. Kaya, hindi dapat natin kamuihan o sisihin ang
Read more

Kabanata 1127

”Daffodil?” Tinanong ni Claire sa sorpresa. “Nasaan ang mga daffodil? Bakit kumain sila ng mga daffodil?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Ang maliit na lupa ng mga halaman na itinanim ko sa ilalim ng pader na mukhang mga chive, pero mga daffodil talaga ito.”“Ah!” Sinabi ni Claire, “Hindi ba mga sibuyas iyon? Gusto ko talagang kainin ito kanina!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Mukha silang chive pero hindi sila chive.”Sumagot si Claire, “Naalala ko na nabasa ko sa isang biology book na nakakalason ang mga daffodil, hindi ba?”Tumango si Charlie at sinabi, “Marami talagang alam ang asawa ko. Nakakalason nga ang mga Daffodil. May isang uri ng narcissus sa mga halaman ng daffodil at kapag kumain ka ng marami, kaya nitong magsanhi ng food poisoning.”Lumaki ang mga mata ni Elaine at sinabi, “Ah, Charlie! Sinadya mo ba ito? Hindi nakapagtataka kung bakit mo ako tinanong kung ano ang paboritong gulay ng matandang babae! Sinabi ko sa’yo na mahilig siyang kumain ng chive! Sinabi ko sa’yo
Read more

Kabanata 1128

Naintindihan ng lahat na ang ugat ng malaking away nila sa hospital ay dahil sa mga minumura ni Christopher.Buntis pala si Hannah!Bukod dito, hindi si Christopher ang taong nakabuntis sa kanya!Nang makita ito ni Elaine, hindi niya maiwasang tumawa nang malakas. “Hahaha! Mamamatay na talaga ako sa kakatawa. Buntis pala si Hannah sa ibang lalaki! Hahaha!”Hindi maiwasang sabihin ni Jacob sa gulat. “Masyadong walang hiya talaga ang babaeng ito. Nagloko siya sa ibang lalaki at may tapang pa rin siyang bumalik kahit na nabuntis siya ng ibang lalaki?”Tumawa si Elaine at sinabi, “Siguradong umuusok na sa galit si Lady Wilson ngayon. Hindi ba’t palagi niyang iniisip na ang pinakamatandang manugang na babae niya ang pinakamagaling? Hindi ba’t magaling siya sa sandaling ito? Talagang ginawa siyang proud ng manugang na babae niya!”Sumagot nang hindi mapalagay si Claire, “Sobrang laki nito. Kung gano’n, mukhang siguradong idi-divorce ni Tito si Tita, hindi ba?”“Kung hindi sila magdi-d
Read more

Kabanata 1129

Sa gabing iyon, kumalat nang mabilis ang video ng pamilya Wilson sa buong Aurous Hill.Mabilis na inupload ang video sa TikTok. Pero, inutusan ni Charlie na i-block ang video sa TikTok.Ayaw niyang masyadong maglabas ng impluwensya ang video, at ayaw niyang kumalat ang video na ito sa Aurous.Ang dahil para dito ay dahil alam niya na mag-iinvest si Donald ng malaking pera sa pamilya Wilson para suportahan ang Wilson Group. Kung magiging sikat ang pamilya Wilson sa bansa, marahil ay maaapektuhan ang desisyon ni Donald.Ayaw ni Charlie na malaos nang gano’n lang ang pamilya Wilson. Mas mabuti kung ilalabas niya ang iskandalo ng pamilya Wilson pagkatapos mag-invest ni Donald sa pamilya Wilson. Sa ganitong paraan, hindi lang ang pamilya Wilson ang mapapahiya, ngunit pati na rin si Donald ay masasampal sa mukha.Masakit ang nararamdaman ng mga miyembro ng pamilya Wilson sa buong gabi. Bukod dito, dahil binigyan sila ng gamot para pigilan ang narcissus ng mga daffodil, matamlay ang paki
Read more

Kabanata 1130

Hindi lang siya ang nag-iisa, dahil sabik na sabik ang buong pamilya Wilson.Ito ay dahil alam nila na sa wakas ay babangon na ulit ang pamilya Wilson!Ngumiti si Harold bago niya sinabi kay Lady Wilson, “Lola, malapit nang maging mayaman ang pamilya Wilson! Hindi lang mag-iinvest ang pamilya Webb sa kumpanya natin, bibigyan din nila tayo ng bagong project. Nililinaw nila na sinusuportahan nila tayo!”Palihim na nagpaplano na si Harold sa isipan niya habang nagsasalita siya.Dati, kilala si Harold bilang isang mayaman na tagapagmana. Marangya ang buhay niya dati araw-araw at napapalibutan siya ng maraming tao at iba’t ibang papuri dati.Pero, parang impyerno na ang naging buhay niya sa mga nakaraang panahon. Alam ng lahat ng kakilala niya sa Aurous Hill na wala na siyang bahay at miserable na siya.Ngayon, sa wakas ay oras na para bumangon si Harold.May sabik na ekspresyon din si Wendy sa kanyang mukha habang sinabi, “Kapag yumaman ang pamilya natin, hindi ba’t mas maraming per
Read more
PREV
1
...
111112113114115
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status