Home / Romance / Nakakahumaling na Pag-ibig / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig: Chapter 61 - Chapter 70

908 Chapters

Kabanata 62

'Isa pa, yung trato din ni Yi Jinli kay Ling Yiran.... Bakit parang sobrang lumanay...' Base sa pagkakaalala niya, wala sa bokabularyo ni Young Master Yi na malumanay sa babae... Kahit pa kay Hao Meiyu, na naging fiance nito noon... Habang sinusubukan niyang intindihin ang mga nangyayari, bigla niyang naalala ang mga billboard na pinatanggal. Si Ling Yiran talaga ang sinisisi nila sa nangyari... Akala nila hanggang ngayon ay galit pa rin si Yi Jinli sa Xiao Family dahil sa pagkamatay ni Hao Meiyu... Pero base sa nakita niya ngayon, oo si Ling Yiran nga ang dahilan pero ibang iba ang rason! Gulong gulo si Xiao Zigi sa mga nangyayari. Samantalang sa loob naman ng apartment ni Ling Yiran, kwinento niya kay Yi Jinli ang nangyari sa Sanitation Service Center habang kumakain sila ng dinner. "Hindi ko alam kung bakit tinanggal ni director Fang si Fang Qianqian. Akala ko talaga ako yung tatanggalin niya!" "Hindi ba mas okay nga 'yun?" Tanong ni Yi Jinli. "Siyempre mas okay 'yun
Read more

Kabanata 63

Pero habang tinitignan niya ngayon ang girlfriend niya na nakasuot ng magandang damit, wala siyang ibang maisip kundi ang mga mukha nina Yi Jinli at Ling Yiran. Dahil hanggang ngayon ang pakiramdam niya ay nanaginip pa rin siya. 'Ano ba talagang meron kay Ling Yiran at Yi Jinli?' Noong nakita ni Hao Yimeng na parang lutang si Xiao Zigi, biglang kumunot ang noo niya at naiinis na sinabi, "Ano bang meron sayo? Ilang araw ka ng lutang ha? Kung ayaw mo ng magpakasal, sabihin mo lang." Kaya biglang nahimasmasan si Xiao Zigi at dali-daling ngumiti. "Hindi naman sa ganon. Bakit mo naman naisip na ayoko ng magpakasal sayo? Alam mo naman na sayo lang ang puso ko diba?" "Sakin? Baka sabihin mo kay Ling Yiran!" Nang marinig ang pangalang 'Ling Yiran', biglang nagbago ang mukha ni Xiao Zigi. "Bakit ba siya nanaman ang pinagaawayan natin? Tatlong taon na kaming hiwalay kaya paano mangyayaring may nararamdaman pa ako para sakanya?" "Eh bakit gusto mo siyang bigyan ng trabaho?" "Naawa
Read more

Kabanata 64

"Malalaman niyo po kapag nagkita na kayo ni Young Master Yi." Nakangiting sagot ni Gao Congming. Habang papalapit sila ng papalapit sa mansyon, lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Xiao Zigi. Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng mansyon, sinundan ni Xiao Zigi si Gao Congming papunta kay Yi Jinli, na nakaupo sa sofa habang may nilalarong papel. Pagkalapit niya, nakita niya na ang papel na hawak nito ay ang invitation card para sa kasal nila ni Hao Yimeng. "Nagkita tayo ulit." Pagbati ni Yi Jinli. Gulat na gulat si Xiao Zigi sa sinabi ni Yi Jinli. Sa kasalukuyan, nakasuot ito mamahaling americana, at hindi kagaya noong nakita niya ito kagabi, nakahawi ang bangs nito kaya kitang kita ang gwapo nitong mukha. Kahit lalaki siya, nagwagwapuhan pa rin siya kay Yi Jinli kaya nga hindi na bago sakanya na gustong gusto ito ng mga babae, at alam niya rin na halos lahat ng mga tagapag-manang kakilala niya ay gusto itong mapangasawa. Pero ang hindi niya maipaliwanag ay bakit habang ti
Read more

Kabanata 65

Pero bago pa man siya matapos sa sinasabi niya, halos hindi na maibuka ni Xiao Zigi ang bibig niya sa sobrang takot nang makita niyang nanlilisik ang mga mata ni Yi Jinli. "Kapag wala kang permisong magtanong, wag kang magtatanong. Mr. Xiao, naiintindihan mo ba?" Sabi ni Gao Congming, na nakatayo sa tabi niya. Dahil dito, biglang namutla ang buong mukha ni Xiao Zigi at pakiramdam niya ay parang lalamunin na siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. Samantalang si Yi Jinli naman ay hindi na nagsalita, sa halip ay sumandal siya sa sofa at naglabas ng isang pipitsuging cellphone- isa lang ang number na nakaregister sa contact list niya. Dinial niya ito, at hindi nagtagal ay may sumagot na boses ng babae. "Ate, anong gusto mong kainin mamaya? Bibili ako," malambing na tanong ni Yi Jinli. Ang kaninang parang galit na galit na tigre ay biglang naging isang maamong tupa. Kinagabihan, pinupunasan ni Ling Yiran ang picture frame ng nanay niya gamit ang isang tissue paper. Bumili siya noon
Read more

Kabanata 66

Nanlaki ang mga mata ni Ling Yiran sa sobrang gulat. Una, hindi niya inakalang magkwekwento si 'Jin', at pangalawa, kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na ganun pala ang kwento sa likod ng pagkikita nila. "Sorry." "Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay niya kundi siya rin, kaya ate hindi mo kailangang mag'sorry." 'Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay niya kundi siya rin?' Hindi makapaniwala si Ling Yiran na ganun ang magiging sagot ni 'Jin'. "Bakit hindi? Nainlove siya sa isang taong hindi niya naman dapat niya minahal. At noong nalaman nung babae na wala pala siyang kwenta, ganun-ganun nalang siyang iniwan. Kahit pa lumuhod at nagmakaawa na siya, iniwan pa rin siya ng babae at bandang huli, para siyang kawawa na namatay dahil hindi niya kinaya ang lamig." Base sa tono at ekspresyon ng mukha ni Yi Jinli, parang nagkwekwento lang siya ng ordinaryong kwento. Pero ramdam sa aura niya ang lungkot at pagluluksa. Para naman kay Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang bum
Read more

Kabanata 67

Nakahinga ng maluwag si Ling Yiran. "Mabuti naman at nagising ka na." Dahan-dahang umupo si Yi Jinli. Napanaginipan nanaman niya kung paano siya lumuhod at nagmakaawang wag iwanan ng babaeng yun...Dahil ba pinagusapan nila ni Ling Yiran ang babaeng yun bago siya matulog? "Nanaginip ako." Huminga siya ng malalim at yumuko. Nagulat siya nang makita niyang nakatanggal ang mga butones ng damit niya. "Anong nangyari sa damit ko..." Nahihiyang sumagot si Ling Yiran. "Kasi...sigaw ka ng sigaw na masakit kaya natakot ako....kaya... tinanggal ko yung mga butones mo para makita ko kung ano yung masakit." Tinitigan ni Yi Jinli ang mga mata ni Ling Yiran, na sobrang namula ang mukha. "Pero sinisigurado ko sayo na wala...wala akong nakitang kahit ano kasi nagising ka rin kaagad, kaya wala talaga akong nakita." Hindi mapakaling sgaot ni Ling Yiran. "Walang namang problema kung may makita ka. Pwedeng pwede mong tignan ang katawan ko." Dahil dito, lalo pang namula ang mukha ni Ling Yiran
Read more

Kabanata 68

"Jin!" Muling tawag ni Ling Yiran na sa pagkakataong ito ay mas malakas na, sabayan ng mas mahigpit na hawak sa mukha nito gamit ang dalawa niyang kamay. Kaya biglang nahimasmasan si Yi Jinli. "May problema ba?" Tanong ni Ling Yiran. "Wala." Gulat na gulat na sagot ni Yi Jinli. "Buti naman." Nakahinga ng maluwag si Ling Yiran. "Yung mata mo kasi kanina..." Hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin niya kaya napahinto siya ng sandali bago siya nagpatuloy, "Parang salamin na mababasag kaya natakot ako." "Salamin?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Ate, tandaan mo 'to. Walang kahit sino man ang makakabasag sa akin, okay?" Hindi maintindihan ni Ling Yiran pero pakiramdam niya ay hindi si 'Jin' at ibang tao ang nasa harapan niya ngayon... o baka naman guni-guni niya lang... "Ate , hindi mo naman ako iiwanan diba?" "Diba nangako tayo sa isa't-isa? Hindi mo ako iiwanan at hindi rin kita iiwanan." Nakangiting sagot ni Ling Yiran. "Oo nga pala." Lumapit si Yi Jinli para n
Read more

Kabanata 69

Sa tuwing naririnig ni Xiao Ziyi ang pangalang 'Ling Yiran', parang umaapoy siya sa sobrang galit dahil para sakanya si Ling Yiran ang dahilan ng lahat ng paghihirap ng pamilya nila at dahil sa nangyaring aksidente, naranasan niyang madiscriminate ng mga tao lalo na sa mga high-end party na inaattenan niya. Buti nalang talaga at dumating si Hao Yimeng sa buhay ng kuya niya kaya natabunan din kaagad ang issue. "Si Ling Yiran talaga ang malas sa pamilya natin. Buti nalang talaga kuya at hiniwalayan mo yung babaeng yun. Hindi naman talaga siya karapat-dapat na maging parte ng pamilya natin eh. Balita ko street sweeper nalang siya. Eeew! Nakakadiri! Bakit ba kasi tatlong taon lang siyang nakulong? Kung ako yung hahatol, habang buhay na dapat siyang mabulok sa kulungan!" Sa sobrang inis at pandidiri ni Xiao Ziyi kay Ling Yiran, hindi na siya maawat sa kakasalita, samantalang habang tumatagal ang usapan tungkol kay Ling Yiran ay lalong kinikilabutan si Xiao Zigi. Lalo na ngayong al
Read more

Kabanata 70

"Sa tingin mo ba gugustuhin niya pa rin akong makasama?" Nag-aalalang tanong ni Yi Jinli. Hindi makapaniwala si Gao Congming na naririnig niya ang mga salitang ito sa Young Master dahil ang buong akala niya ay laro pa rin ang lahat at nakahanda ito sa lahat ng posibleng mangyari sa oras na malaman ni Ling Yiran ang katotohanan. "Gusto niyo po bang makasama si Miss Ling?" 'Ibig bang sabihin nito...inlove na talaga si Master Yi kay Miss Ling?' Nang sumagi ito sa isip ni Gao Congming, biglang nanlaki ang mga mata niya at hindi niya na napigilan ang sarili niyang magtanong, "Master Yi, wag mong sabihing..." Pero habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita ay bigla siyang nahimasmasan at hindi na tinuloy ang sinasabi. "Anong gusto mong sabihin? Ituloy mo!" Utos ni Yi Jinli. "Ma...master Yi, sa tingin ko po ay inlove na kayo kay Miss Ling..."'Sabi ko na nga ba eh! Wala namang ibang pwedeng maging rason si Master Yi sa lahat ng mga ginagawa niyang konektado kay Miss Ling kung hindi siya
Read more

Kabanata 71

Kaya nga madalas nilang pinagpupustahan ng mga kaibigan niya kung ang bagong girlfriend ba ni Gu Lichen na ang makakatuluyan ng kaibigan nila, pero lagi silang natatalo. Paano ba namang hindi? Eh kapag nasa harap ng maraming tao parang ang bait bait ni Gu Lichen, pero pag sila-sila nalang, nuknukan ng kasungitan at kasupladuhan! "Ah sige sige. Sabi ko nga na bagay sayo yang bracelet na yan eh." Hindi na nagulat si Ye Chongwei dahil kahit noon pa man ay ayaw na talagang ipahawak ni Gu Lichen ang bracelet nito. Hindi nagtagal, may lumapit na babae sakanila. Si Zhong Rongrong- ang bagong girlfriend ni Gu Lichen. Kilala niya ang babae dahil artista rin ito at kamakailan lang ay nakatanggap ito ng mga award. Pero siyempre dahil yun kay Gu Lichen! Sa buong entertainment industry, si Gu Licheng ang may-ari ng pinaka malaki at pinaka kilalang kumpanya sa larangang ito kaya ganun-ganun nalang kadali para sakanya na magpasikat ng artista. Kaya nga lahat ng mga girlfriend nito ay nara
Read more
PREV
1
...
56789
...
91
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status