Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 3991 - Kabanata 4000

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 3991 - Kabanata 4000

4960 Kabanata

Kabanata 3994

Tumingin si Noemi Moreno sa anak niya pagkatapos maramdaman ang nakamamatay na titig niya. “Mukha man siyang kalmado, Ellen…” paliwanag niya pagkatapos tumawa nang mahina. “Pero malamang pinagpapawisan na siya ngayon.“Sigurado ako natulala siya sa sitwasyon. “Walang magagawa ang isang basurang kagaya niya kundi magpanggap sa puntong ito!”Tumango si Eden Cobb nang may seryosong ekspresyon. “Tama! Walang kayang gawin ang mga mapagpanggap na'to kundi magyabang!” Medyo gumaan ang pakiramdam ni Ellen Moreno pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Kahit na ganun, tinitigan niya pa rin nang masama si Harvey York habang tahimik na umaasang gumulong sana siya sa lapag sa panlulumo. Sa mismong sandaling ito, isang lalaking may mapula at matabang mukha ang naglakad kasama ng isang dosenang taong nakapaligid sa kanya. “Grandma Cobb! CEO Moreno! Kumusta!“Binabati ko kayo sa masaganang anniversary niyo!”Mahinang tumango ang lalaki sa harapan ni Grandma Cobb bilang pagbati,
Magbasa pa

Kabanata 3995

”Oh? Hindi siya nandito para sa Cobb family?”Bahagyang naningkit ang mga mata ni Allen Olford nang may bakas ng galit na nakikita sa mga mata niya. Ngumiti si Noemi Moreno bago bumulong sa tainga ni Allen. Mabilis na naintindihan ni Allen ang sitwasyon. Pagkatapos, tumingin siya sa mukha ni Harvey York mula sa gilid. Para bang pamilyar ang mukha ni Harvey, pero hindi niya ito maalala dahil masyado pa siyang malayo. Namuhi ang mukha niya nang malamig siyang tumawa. “Ang lakas ng loob ng isang probinsyano mula Country H na hamunin ang Cobb family sa sarili nilang teritoryo.”Nainis si Allen pagkatapos napagtantong hindi siya pinansin nina Harvey at ng iba pa nang hindi nagpapakita ng respeto. Umubo si Grandma Cobb nang may nanlulumong ekspre bago nagsabing, “Vice Leader Olford! Minalas ang pamilya namin!“Hindi lang kami isinantabi ng isang walang utang na loob ba anak, pinalaban pa niya sa'min ang isang walang kwentang lalaki! “Pasensya na at nakita mo to! “Ninakaw
Magbasa pa

Kabanata 3996

Walang kapaki-pakialam si Harvey. Kalmado siyang uminom ng tsaa habang nakatingin kina Noemi Moreno at sa mga kasama niya. “Ang dami mong koneksyon, CEO Moreno. Nakakatakot.“Nakaluhod na dapat sa harapan mo ngayon ang mga pangkaraniwang tao, di ba?“Kung ganun, sigurado ka bang hahamunin mo ko gamit ng tangang yan?”Kalmadong ngumiti si Noemi. “Hindi ito isang hamon, Harvey. Hustisya ito.”May napansin si Allen Olford pagkatapos marinig ang pangalang iyon…Pero hindi niya ito masyadong inisip nang nakita niya ang magandang babae sa harapan niya. “Anong sabi mong h*yop ka?” sabi ni Allen nang may malagim na tono pagkatapos tumawa nang malamig. “Tinawag mo ba akong tanga?“Kilala mo ba kung sino ako? Naiintindihan mo ba kung gaano ako kalakas?“Pupulbusin ko ang buong tindahan mo sa isang salita lang!“Lumuhod ka at humingi ng tawad ngayon din!“Kung hindi, hindi ka magkakaroon ng pagkakataong humingi ng tawad mamaya!”Humarap ang isang dosenang tao sa likod ni Allen h
Magbasa pa

Kabanata 3997

Gulat na gulat sina Grandma Cobb at ang iba pa!Mahihirapan ang Cobb family na manatiling laos pagkatapos nito!“Nandito ang first-in-command ng Industrial and Commercial Bureau!”“Nandito si Trey Bierstadt mismo!”“Nandito sina Rhett at Gael Padlow!”“Nandito si Chase Smith!”“Nandito rin maski ang kinatawan ng South Sea Martial Arts Alliance, si Gordon Moreno!”Palakas nang palakas ang mga anunsyo nang sunod-sunod na dumating ang mga kilalang personalidad. Nalaglag kaagad ang panga ng mga panauhin. Hindi sila nakapagsalita. Lalo na't napakatinding awtoridad ang kinakatawan ng mga taong ito sa buong lungsod. Ang bawat isa sa kanila ay magsasanhi ng kaguluhan kahit magpakita lang sila. At saka nakakagulat na dumating silang lahat nang sama-sama sa maliit na lugar na kagaya nito!Ang mga kagaya nina Noemi Moreno at Allen Olford ay walang binatbat sa mga kagaya nila!Maski si Allen ay napadiretso kaagad ng tindig nang may marespetong ekspresyon sa mukha niya pagkatapos m
Magbasa pa

Kabanata 3998

“Hahaha!”Tumawa nang malakas si Allen Olford pagkatapos makita ang gulat sa mukha ng lahat. Hindi nagtagal, marespeto siyang naglakad papunta kina Chase Smith at sa iba pa. “Nandito ka rin pala, Director!”“Leader! Ang saya kong makita ka rito!”“Representative Moreno! Isang nirerespetong panauhin! Magpakalasing tayo ngayong gabi!”Nabigla rin si Allen. Normal pa para sa first-in-command ng Industrial and Commercial Bureau na dumating dito, pero sina Gordon Moreno at Chase ay parehong napakaprominenteng personalidad!Sa pagkatao nila, hindi sila lilitaw sa ganitong pagdiriwang. Kahit na ganun, walang oras si Allen para pag-isipan ang lahat ng ito. Sapat na ang papuri ni Noemi para matulala siya. Matapang siyang humakbang paharap para ipagyabang ang mga kakilala niya sa mga taong iyon. May kakaibang ekspresyon ang first-in-command pagkatapos makita si Allen. Malamig na suminghal si Gordon habang bahagyang nakangiti si Trey. Sa kabilang banda, lumapit si Chase bago i
Magbasa pa

Kabanata 3999

”Paanong nangyari ‘to?“Bakit ito nangyari?”Nanginginig ang buong katawan ni Ellen Moreno.Ang taas pa ng tingin niya kay Allen Olford kanina lang, umaasang si Eden Cobb ay magiging isang lalaking tulad nito…Ngunit makalipas ang isang minuto, si Allen ay nakahandusay sa sahig habang hinahagis na parang isang punching bag.Hindi ito matanggap ni Ellen.Maging si Eden ay nanginig nang mamutla ang mukha nito. Pakiramdam niya may gumuguho sa puso niya sa sandaling iyon.“Sige na, Leader Smith. Hindi magandang magkalat ng dugo sa opening day.”Nang mamaga na parang isang baboy ang mukha ni Allen, isang kalmadong boses ang narinig habang siya mismo ay hindi makapagsalita.Hindi mahalaga kung mamatay si Allen o hindi…Ngunit siguradong maaapektuhan ng pagkamatay ng isang tao ang negosyo ni Harvey.Kusang napaligon sila Ellen bago ngumiti nang makita nilang si Harvey ang nagsalita.“Sino ka ba sa tingin mo? Wala ka lang sa harapan ni Leader Smith, ikaw…”Nanahimik si Eden bago p
Magbasa pa

Kabanata 4000

Kaagad na nahimasmasan si Allen Olford at gumapang pantungo kay Harvey York bago9 siya lumuhod sa harapan nito.“Patawad, Governor York! Masyado akong ignorante! Hindi ko alam!“Pakiusap palagpasin mo na lang ito! Kunwari na lang nagloloko ako!Pagkatapos, walang-tigil na sinampal ni Allen ang sarili niya.“Pakusap! Bigyan mo ako ng pagkakataon!”Lahat ng mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan ay lumuhod sa takot nang makita nila ito.Narinig na rin nila ang mga malalaking nagawa ni Harvey.Hindi nagtagal, isang buong grupo ng tao ang nakaluhod habang nakadiretso ang kanilang likod sa harapan ng tindahan ni Harvey.Natulala sila Noemi Moreno habang kumikirot ang kanilang mata.Hindi nila maintindihan kung bakit kanina lang balak turuan ni Allen ng leksyon si Harvey…Tapos takot na takot siya pagkatapos.‘Niloloko mo ba ako?!’‘Diba hampaslupa lang ‘yan si Harvey?!’'May iba pa ba siyang pagkatao?!''Paano niya napasunod nang ganito ei Allen?!'Umiinit ang ulo ni Ellen Moren
Magbasa pa

Kabanata 4001

Si Grandma Cobb ay mukhang parang tatlong araw nang patay. Pagkatapos, lumapit si Gordon Moreno habang tumatawa nang masaya. "Congratulations sa opening mo, Harvey York! "Heto ang isang handog mula sa South Sea Martial Arts Alliance! Sana magustuhan mo!" Kumumpas si Gordon bago iabot sa kanya ng ilang disipulo ang isang plaka. May apat na salitang nakasulat sa plakang ito. “Cobb family’s Silver Elixir!”Bukod pa rito, nasa plaka rin ang pirma ng South Sea Martial Arts Alliance. Nang walang pangako o utos… Malinaw na balak ng organisasyon na bilhin ang lahat ng mga ointment mula kay Harvey! Higit pa rito, ngayong nandito ang plaka, walang magtatapang na kumalaban kay Harvey, lalo na kung umabot sa siyudad ang negosyong ito. Sa puntong ito, malinaw na nasa panig niya ang South Sea Martial Arts Alliance!Walang katapusan ang kikitain niya! "Ano?!"Naunawaan ito nila Noemi Moreno. Nang makita nila ito, hindi nila mapigilang mapaluhod sa pagkabigla. Kaagad na na
Magbasa pa

Kabanata 4002

“Harvey York…”Natulala si Ellen Moreno nang titigan niya ang lalaking hindi niya kailanman tiningala…Pumasok sa isip niya ang isang kakaibang kaisipan.Si Eden Cobb ay isa sa pinakakilalang young master sa siyudad, ngunit kung gusto niyang igalang siya ng lahat ng mga malalaking tao at makuha ang plaka… Magiging mahirap ito. Kahit magawa niya talaga, kailangan niya ng ilang dekada para dito!At sa kakayahan ni Eden, hindi niya mararating ang ganitong bagay!Bukod na lang kung magiging isa siyang God of War syempre…Pero paano niya ito magagawa kung hindi man lang siya marunong lumaban?Kalokohan!Napuno ng kagipitan at pagsisisi si Ellen pagkatapos mapagtanto ang lahat ng ito."Si Harvey pala talaga ang tunay na malaking tao dito. "Sa sobrang lakas niya katatawanan lang ang three great families para sa kanya. "Wala siyang pake sa kahit ano. Hindi siya nagagalit hindi dahil sa mahina siya… "Ganito ang kilos niya kasi wala talagang mahalaga sa mata niya!"Akala ko i
Magbasa pa

Kabanata 4003

Napakalaking sayang. Pinalayas ni Grandma Cobb si Katy Cobb para umangat si Eden Cobb. Kapalit nito, tinapon niya ang pinakamagandang pagkakataon ng pamilya nila na umunlad. Wala nang kinabukasan ang pamilya nila. Nagawa nilang galitin ang isang makapangyarihang tao. Kusang tinitigan nang masama ng lahat si Grandma Cobb, puno ng galit at panghahamak. Gusto nilang malaman kung paano niya aayusin ang sitwasyong ito. Galit na hinawakan ni Grandma Cobb ang kanyang tungkod habang nagkikiskisan ang kanyang ngipin. Alam na alam niyang wala nang lusot sa sitwasyong ito. Madaling sabihin na walang magagawa ang pamilya nila kundi tiisin ang kahihiyan habang nilalasap nila Harvey York at Katy Cobb ang tagumpay.Gusto niyang maging God of War at sampalin si Harvey nang sobra. “Grandma Cobb…Bigla na lang lumitaw si Katy mula sa likuran ni Harvey. "Pinagsisisihan mo na ba ang mga naging desisyon mo?" Kumirot nang husto ang mga mata ni Grandma Cobb. Natataranta na siya, para bang
Magbasa pa
PREV
1
...
398399400401402
...
496
DMCA.com Protection Status