All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 3841 - Chapter 3850

4837 Chapters

Kabanata 3844

"Sinabi ko na sa'yo, walang kwenta ang mga tao mo."Bahagyang nakangiti si Harvey at naglagay pa siya ng kaunting pwersa sa kamay niya; kaagad na humiwa ang matalim na kutsilyo sa balat ni Vance. Tumulo ang isang patak ng dugo. Sapat na ang kalmadong mga kilos ng Harvey para pagpawisan nang matindi si Vance. Bahagya ring ngumiti si Katy. Humakbang siya nang ilang beses at tumayo sa tabi ni Harvey. Kaagad na sumugod ang mga bodyguard ni Vance sa lugar nang may masasamang ekspresyon. "Gusto mo bang mamatay, h*yop ka?!""Pakawalan mo si CEO Toft, kundi papatumbahin ka namin!""Ang lakas ng loob mong ihostage si CEO Toft! Sinong nagbigay sa'yo ng tapang?!"Humakbang si Zora paharap at galit na sumigaw, "Binabalatan kita! Kapag sinaktan mo si CEO Toft, pagpupunit-punitin kita!" "Kapag sinaktan ko siya?"Sinampal ni Harvey ang mukha ni Vance gamit ng likod ng kamay niya. "Pasok ba to?"Pak!"Eh ito?""O ito?"Naglagay pa ng kaunting pwersa si Harvey sa kamay niya; isang
Read more

Kabanata 3845

Kalmadong ngumiti si Harvey. "Sa totoo lang, hindi ako kayang sugatan ng mga tauhan mo." "Wala kang magagawa kahit na nandito sila.""Pakawalan mo si CEO Toft at labanan mo ko kung matapang ka!" galit na sumigaw si Zora nang nakita niya ang mayabang na ekspresyon ni Harvey. "Gagawin kong kapareho ng sa'yo ang apelyido ko kapag nakaligtas ka rito!"Galit na galit siya. Naniniwala talaga siya na isa siyang eksperto ng henerasyon at madali lang para sa kanya na patayin si Harvey. Gayunpaman, hindi niya inasahang magiging ganito kakapal si Harvey para gawin niyang bitag si Vance at napilitan siyang magdalawang-isip. Kung hindi, sigurado siyang isandaang beses nang namatay si Harvey. Ngumisi si Harvey kay Zora. "Wag kang mag-alala. Palaging mayroong pagkakataon.""Pero kapag nakita mo yun, wag mo sanang pagsisihan."“Heh, heh!”Namumuhing tumawa si Zora na para bang sasakalin niya si Harvey anomang sandali ngayon. Hindi pinansin ni Harvey si Zora at kalmadong tumingin
Read more

Kabanata 3846

Bam!Bago pa tumama ang atake ni Zora, sinipa ni Harvey ang isang bote ng alak mula sa lapag. Pagkatapos ay hinawakan niya ang bote at binasag ito sa ulo ni Zora. Kaagad na tumalsik si Zora habang sumisigaw sa sakit. Gulat na gulat ang lahat; hindi nila inasahang ganito pala kagaling si Harvey. Napuno ng galit si Zora nang napagtanto niyang wala siyang laban kay Harvey; kaagad siyang tumalsik sa isang bote ng alak. "Sinabi ko na sa'yo, hindi ka pa magaling."Kalmadong ngumiti si Harvey at inapakan ang pulso ni Zora. Krak!Narinig ang tunog ng mga nababaling buto. Hindi pinansin ni Harvey si Zora habang nanginig siya sa lapag. Kalmado siyang naglakad papunta kay Vance at tinapik niya siya sa mukha. "Akala ko nagkaintindihan na tayo, CEO Toft.""Hindi ko inakalang tatraydurin mo ko nang ganito.""Kakalimutan ko to ngayon, pero hindi na ako magiging mabait sa susunod."Pak!Sinampal ni Harvey si Vance at sinipa ang ilang dosenang bodyguard sa lapag, pagkatapos ay um
Read more

Kabanata 3847

Para makipagkumustahan…Naghanda si Julian para kina Harvey ng hapunan sa isang pribadong club. Tinignan ni Harvey ang vintage na dekorasyon, pagkatapos ay tumingin sa pagkakaibigang ekspresyon ni Julian. "Pamilyar ka ba sa Blackburn City, Julian?" "Parang ganun."Malaki ang ngiti ni Julian. "Sa totoo lang, bago ako maging makapangyarihan, binuhos ko ang puso't kaluluwa ko sa pamilya ko.""Wala akong masyadong ari-arian dito sa Blackburn City, pero hindi ibig sabihin nito ay wala akong kahit na ano. Kaya sinabi sa'kin ni Queenie na tulungan ka.""Siya nga pala, anong ginagawa mo rito, Sir York?"Handang-handa si Julian sa laban. Basta't magsabi si Harvey, gagawin niya ang lahat para makumpleto ang misyon. Tumango si Harvey; may maliit na ngiti sa mukha niya habang kumuha siya ng istik na puno ng mga lokal na pagkain. "Wala lang talaga yun.""Nagpunta ako rito para iligtas si Dean Cobb pagkatapos niyang mabugbog ni Julio, ang Demon Monk ng India. Nandito ako para sigu
Read more

Kabanata 3848

Isang dalagang nakasuot ng itim na Chanel dress ang pumasok bago tumumba sa harapan ni Harvey. Lumamig ang mga mata nina Julian at Irene. Pagkatapos, ilang malalaking lalaking nakasuot ng suits ang lumitaw nang may malalagim na titig. Hinawakan nila ang dalaga para kaladkarin siya palabas ng kwarto. Tinakpan ng magulong buhok ng dalaga ang buo niyang mukha, pero para bang pamilyar kay Harvey ang balingkinitan niyang katawan. Basa ng alak ang buong katawan niya; mabilis ang paghinga niya at kaawa-awa ang mga mata niya. "Tumatakbo ka pa rin, p*ta ka?!""Gusto mo bang mamatay?!" Isang lalaking may mahabang buhok ang humila sa buhok ng babae at walang awa siyang pinagsasampal. “Aaagh!”Sumigaw siya sa sakit. Hindi nagtagal, nakita ang mukha niya. Napahinto si Harvey; nakilala niya siya kaagad. ‘Ellen?’'Hindi ba siya ang kaibigan ni Katy?'"Binigyan ka ni Young Master Lee ng alak bilang respeto!""Ang lakas ng loob mong magyabang! Ang sabi mo madali kang malasing?!"
Read more

Kabanata 3849

Nagbago ang mukha ni Irene at bumulong siya kay Harvey, "'Yan ang third young master ng isa sa great family ng South Sea, si Jace Lee. Maganda ang ugnayan niya sa eldest young master ng third house ng Cobb family." Naningkit ang mata ni Harvey at sinulyapan niya si Ellen. Mula sa buong usapan nila at sa pagkatao ni Jace, isa siguro itong sinadyang atake kay Katy. Nagkataong naipit dito si Harvey. "Bakit ang tagal mo, Hairy?" "Wala man lang magawa ang babaeng ito sa'yo, pero nandito ka at sinasayang mo ang oras ko!" "Ininom mo na ang mga pills! Gusto ko na siyang galawin!" "Bwisit!" Sinipa ni Jace ang lalaking mahaba ang buhok at mukhang lasing na lasing. "Bakit ang bagal mo? Gusto mo bang mamatay?!""Pasensya na talaga, Young Master Lee. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Pasensya na at nasira ko ang kasiyahaj mo!"Namginginig sa takot si Hairy. "Naghahamon ng away ang mga tagalabas na ito!" Hindi lamang nila sinabing iwan namin si Ellen, gusto rin nilang magbayad kam
Read more

Kabanata 3850

Tumawa nang malakas ang mga tao nang marinig ang salitang iyon. Ngumuso ang magagandang babae nang nakakaakit. May matinding panghahamak sa kanilang magagandang mukha. Klak! Pinatunog ni Harvey ang kanyang daliri nang hindi umaalis sa pwesto. Nang makita ito, tumawa nang malakas si Julian at sumugod paharap. Kaagad niyang sinipa ang ilang lalaki at dinala si Ellen sa tabi ni Irene. "Inaagaw mo ang babae ko?!" Nagalit nang sobra si Hairy; bumunot siya ng baril at tinutok ito kay Harvey. "Pasasabugin ko ang utak mo!" Bago pa maikasa ni Hairy ang baril niya, tumayo si Harvey. Nasa harapan na siya ni Hairy pagkatapos ng Sharingan. Sadyang masyadong mabilis si Harvey!Marami na silqng nakitang martial artist noon, pero hindi nila inakalang may gamito pala kabila.Bago pa makalabit ni Hairy ang gatilyo, hinablot ni Harvey ang baril niya at tinutok ito sa kanyang binti. "Talaga ba?" "Magagawa mo ba 'yan?" Kalmadong kinakabit ni Harvey ang gatilyo. Bang!Narini
Read more

Kabanata 3851

Bumagsak si Jace pagkatapos masampal sa mukha. Isang pulang bakas ng palad ang makikita ss kanyang mukha,at sumama ang mukha niya dito. "Sasabihin ko sa inyo ngayon na. Wala akong pake kung sino kayo! Mas mabuti pang patayim niyo ako!" "Kung hindi, papatayin ko ang buong pamilyang mo!" "'totoo ako sa salita ko!"Tinutok ni Harvey ang baril niya sa mga lalaki sa tabi niya. "Sino? Itong mga basurang 'to?"Kusang napatingin si Jace kay Julian at naunawaan ang palatandaan at basta na lamang itinumba ang mga lalaking nakasuot ng itim habang nakangiti. Siguradong may bukod-tanging husay ang master ng Sentries of York. .Gayunpaman, si Julian ay laging natatabunan ni Vince o Queenie sa panahong nasa York ng Hong Kong pa siya.Nang makarating sa Blackburn City, naturalna ilalabas niya ang kanyang bangis.Hindi inakala ni Jace na ganito kabilis babagsak ang mga tao niya.Kumikirot nang husto ang mga mata niya, ngunit ayaw niya pa ring sumuko.“Ano ngayon kung marunong kayong
Read more

Kabanata 3852

Kinakagatan ni Harvey ang kanyang prutas habang kalmado niyang hinihintay ang pagdating ni Jace.“Nandito sa akin ang impormasyon tungkol kay Jace, SIr York.”Inilabas ni Julian ang kanyang phone at pinakita kay Harvey ang ilang dokumento sa loob.“Hindi siya isang top-rated young master ng isa sa great families ng South Sea, pero may kapagnyarihan siya sa Lee family.”“Hindi siya isang taong sumasagot sa Blackburn City, pero marami siyang mga kaibigan sa underworld.”“Baka mahirapan tayo nang kaunti kung dalawa lang tayo. Dapat bang tumawag tayo ng backup?”Natural, nag-aalala si Julian na baka hayaan ni Harvey si Jace na gawin ang gusto nito.Kaya niyang lumaban, ngunit naniniwala siyang lugi sila ni Harvey sa bilang.Kapag nagdala si Jace ng isang-libong tao dito, madedehado sila.Basta na lamang binato ni Harvey ang balat sa basurahan at pinunasan ang kanyang kamay habang nakangiti.“Hindi na kailangan. Paano ako makakaligtas sa lugar na ito kung kailangan ko ng dagdag na
Read more

Kabanata 3853

Ngumiti si Harvey nangg kalmado.“Anong gusto mong gawin ko?”Tumawa si Jace.“Lumuhod ka at aminin mong nagkamali ka, at baliin mo ang bawat isang braso mo.”“Dalhin mo sa kama ko ang mga babaeng nakawala! Paglalaruan ko sila sa loob ng tatlong araw!” “Kapag natuwa ako, palalagpasin kita!” Naningkit ang mata ni Harvey.“Napagpasyahan ko nang baliin ang bawat isang braso at binto mo. Hindi ka na makakatayo pa!”“Dapat alam mo kung anong mas makabubuti para sa’yo, Harvey!”Galit na galit si Jace; napahiya siya nang sobra nang hamunin siya ni Harvey sa harapan ng limang-daang tao niya.“Tama na ang pagyayabang sa harapan ko, kundi maging ang Diyos ay hindi ka maliligtas! Sisiguraduhin ko ‘yan!”“Kayang lumaban ng tao mo, pero kaya ba niyang labanan ang limang-daang tao?!”“Mamamatay siya sa pagod!”Kumunot ang noo ni Julian at tumingin sa mga tao sa paligid.Tulad ng sinabi ni Jace, tuluyang mapapagod si Julian kahit na lumuhod ang lahat ng mga taong iyon at hayaan siyang
Read more
PREV
1
...
383384385386387
...
484
DMCA.com Protection Status