Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 3811 - Kabanata 3820

4837 Kabanata

Kabanata 3814

"Pangalawa, bayaran niyo ang lahat ng nawala sa mga mamamayan ng Country H sa ibang bansa. "Bayaran niyo ang mga pinsala nila at parusahan niyo ang mga taong may gawa nito! Walang labis, walang kulang, at walang palalampasing kahit isang tao! "Maliban pa roon, ang bawat isa sa inyo ay magbabayad ng isandaan at limampung milyon bilang pensyon at mental loss fees para sa mamamayan ng Country H! "Ang assistant kong si Elanor Stanton ang magdedesisyon kung paano kayo magpapatuloy sa sitwasyon."Nanginig ang mga mata nina Emilio Garcia. Ang puso ng mga tao ang pinupuntirya ni Harvey York. Kahit na ganun, matitiis pa nila ang mga kondisyong ito. Kahit na gaano pa sila kagalit, wala silang magagawa kundi tumango. "Tatanggapin din namin ang mga kondisyong ito." "Pangatlo, at ang pinakahuli…" Kalmadong nagsabi si Harvey, "Wala akong tiwala sa four great Martial Arts Alliances na tutupad kayo sa usapan. "Kaya hinihiling ko na kilalanin ng Far East at ng South Sea Martial Arts
Magbasa pa

Kabanata 3815

Hindi rin lang kalokohan ang sinasabi ni Clyde Osborne. Palaging papanig ang four great directors sa Martial Arts Alliances ng Amerika at Empire of the Sun that Never Sets. Hindi lang nasa kanila ang monopolyo ng maraming martial arts resources sa mundo, pero madalas din silang nagtutulungan para pahirapan ang ibang Martial Arts Alliances ng matataas na bansa. Maituturing na halos perpekto ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig. Madaling sabihin na palaging susundin ng Martial Arts Alliances ng mundo ang four great directors. Dahil kumplikado ang sitwasyon ng Far East at South Sea, madalas na hindi sila nakikialam sa kanila. Sa kanila naman na ang iba pang bahagi ng mundo ng martial arts. Bakit hahayaan ng four great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H na umangat sa ilalim ng ganitong sitwasyon? Hindi lang may ibang taong hahawak dito, iba rin ang opinyon ng mga directors ulit. Kung ganun, paano nila gagamitin ang awtoridad nila para manamantala ng mga
Magbasa pa

Kabanata 3816

Kaagad na nagdilim ang mukha ni Clyde Osborne. Hindi niya maisip kung paanong nangyari ang ganitong pagkakataon. Sa ganitong sandali, nagsasawa ng meeting ang World Martial Arts Alliance at binoto nila ang Martial Arts Alliance ng Country H bilang isa sa great directors. 'Paanong nangyari to?! 'Nangyari ang lahat kagaya ng sabi ng h*yop na Harvey York na yun!''Plinano niya ba ang lahat ng to?!'Para bang isang malaking alon sa pampang ang pagdating ng ideyang yun sa isipan ni Clyde. Mabilis niyang pinakalma ang sarili niya. Inisip niyang imposibleng mangyari yun. 'Walang magagawa sa World Martial Arts Alliance ang isang basurang kagaya ni Harvey. 'Nagkataon lang ang lahat ng ito!' "Kayong lahat, wag kayong matakot!" sigaw ni Clyde. "Nalaman niya siguro to mula sa sources niya! "Iyon ang dahilan kung bakit siya nakapag-isip ng ganitong kondisyon! "Wag kayong sumuko sa kondisyon niya! "Tayong mga tao ng Country H, alam natin ang hangganan natin. Wala tayong kar
Magbasa pa

Kabanata 3817

Hindi ito gustong mangyari nina Gordon Moreno. Sinisigawan pa nila si Harvey York kanina lang pero yumuyuko na sila sa susunod na segundo. Wala silang ibang magawa. Nagdesisyon na ang mga amo nila. Dahil tatlo sa four great directors ng World Martial Arts Alliance ang pumayag sa kondisyon, ano pa bang magagawa ng representatives? Nanigas si Colton Torres. Nagulat din sina Dane Benett at ang iba pa. Sa puntong ito, hindi sila makapaniwala sa nangyayari sa harapan nila. "Tumututol ako! Hindi pwedeng maging isa sa great directors ang Martial Arts Alliance ng Country H!" galit na sigaw ni Clyde. "Alam natin kung anong kaya nating gawin! Hindi nababagay ang Martial Arts Alliance ng Country H para diyan! "Hindi mo lang kami tinutulak na lumabas sa Far East at South Sea regions… "Sinusubukan mo pang patayin ang Martial Arts Alliance ng Country H dito! "Hindi ako papayag dito!" Pagkatapos, tinitigan nang masama ni Clyde sina Emilio Garcia at Haru Miyamoto. Malinaw ang i
Magbasa pa

Kabanata 3818

Sobrang natulala ang iba pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi inasahan ng lahat na si Clyde Osborne, na mukhang nagsimula ng lahat, ay sasampalin ni Gordon Moreno. 'Ano ba talagang nangyari rito…?' "Ang lakas ng loob mong saktan ako, h*yop ka…?" Gustong patayin ni Clyde si Gordon, pero nagawa niyang pigilan ang sarili niya. Kaya niyang patayin ang isang kagaya ni Gordon sa isang kurap… Pero sinusuportahan siya ng South Sea Martial Arts Alliance. Hindi rin sila kayang labanan ni Clyde. "Ano? Iniisip mo ba magaling ka na dahil tinatawag ka naming 'Prince'?"Gusto mo ba akong labanan ngayon?!"Namumuhing tinulak ni Gordon si Clyde sa tabi. "Wala kang kwenta! Ang alam mo lang gawin ay dumada! "May sasabihin ako sa'yo! Kahit na gaano pa kahirap ang desisyon o kung gaano karaming tao ang laban sa amin, kakampi ng Country H ang Far East at South Sea Martial Arts! "Ipapapirma namin sa mga miyembro namin ang kontrata para iboto ang Martial Arts Alliance ng Count
Magbasa pa

Kabanata 3819

Sa susunod na tatlong araw, kailangang asikasuhin ni Harvey York ang Martial Arts Alliance ng Country H kasama ni Colton Torres. Kasama ng pagpapadala ng Far East at South Sea Martial Arts Alliance ng mga inaalok nila… Ang Martial Arts Alliance ng Country H ay matagumpay nq naging isa sa magagaling nq direktor. Bukod pa rito, hindi lamang tumigil ang pag-atake ng mga tao sa mga mamamayan ng Country H, lahat sila ay binayaran rin sa mga naging pinsala.Pagkatapos itong asikasuhin, sinabihan ni Harvey sila Rachel Hardy na manatili sa Flutwell at makipagtulungan kay Mandy Zimmer sa pagpapatakbo ng Hearthstone Corporation.At para naman sa Martial Hall, si Elanor Stanton at Layne Naiswell ang naatasan nito.Ngayong magkasama ang dalawa, mayroon silang koneksyon at lakas para magawa ang kahit ano.Natural na aayos na muli ang pag-usad ng Martial Hall, kasama ang suporta ng Torres family. Pagkatapos nito, sinabihan ni Harvey si Rachel na bilhan siya ng plane ticket bago siya umal
Magbasa pa

Kabanata 3820

Pagkatapos ng tawag ni Katy Cobb, tinawagan ni Harvey York si Queenie York at Yoana Mendoza.Pupunta siya ng Blackburn City para matulungan niya si Dean CObb. Siguradong ihahanda nang maayos ni Katy ang lahat para sa kanya…Ngunit mas mabuting maghanda siya sakaling magkaroon ng problema. Kahit anong mangyari, nasa labas ang Blackburn City.Tinawagan ni Harvey si Queenie at Yoana dahil ang Hong Kong at La Vegas ay hawak ng Country H sa South Sea. Mas magiging madaling magpadala ng maraming tao sa Blackburn kumpara sa Mordu at Buckwood.Pagkatapos, dumaan si Harvey sa VIP passageway bago sumakay ng eroplano.Pinahinga niya ang kanyang mata sa loob ng sampung oras bago dumaong ang eroplano.Pagdilat niya ng mata niya, nararamdaman na niya ang init at kalmadong hangin ng South Sea. Nasa alas nueve na nang umaga. Dadaong na ang eroplano sa Blackburn City.Nagsimula na ang mga pasahero sa pagkuha ng kanilang mga gamit.Ngunit hindi dinala ni Harvey ang gamit niya. Pagkatapos, bina
Magbasa pa

Kabanata 3821

“Aaagh!”Kasabay ng sigaw, tumalsik ang lalaki bago tumama sa dulo ng kwarto. Hindi siya makabangon habang hawak niya ang kanyang mukha sa sandaling iyon.Nabigla ang mga tao.‘Ang kapal naman ng isang taong mula sa Country H na gawin ito sa tao ng South Sea?’‘Wala siyang modo!’“Mukhang dayo ka dito, bata…”“Hindi mo ba alam na kapayapaan ang pinakamahalaga kapag nasa ibang bansa ka?” “Hindi mo ba alam na kailangan niyong magbigay-galang sa mga tao dito? Hindi ka na namin papahirapan kapag binayaran mo kami tuwing pupunta at aalis ka dito!”“Mukha ngang pinagtatanggol mo ang sarili mo, pero ang totoo, pinapahamak mo ang lahat ng tao sa Country H!”“Kahit ano pang rason mo, krimen ang pag-atake sa tao ng South Sea!”“Humingi ka ng tawad! Humingi ka ng tawad ngayon na!” Ilang taong nakasuot ng Amerikana ang nagsimulang sumigaw kay Harvey habang tinuturo siya.Ilang babae ang kaagad na inangat ang lalaking nasa sahig habang mukhang naaawa. Kasabay nito, nakatitig sila na
Magbasa pa

Kabanata 3822

”Gusto niyong humingi ako ng tawad sa payasong ‘to? Niloloko niyo ba ako?”Tinitigan nang masama ni Harvey York ang mga tao.“Ang kapal naman ng miukha mo?!”Isang babaeng may magandang kolorete ang lumabas bago titigan nang masama si Harvey.“Hindi mo lamang inatake ang lalaking ito, minaliit mo pa kaming mga magigiting na tao ng South Sea!“Kapag hindi mo kami binigyan ng paliwanag ngayon na, mapapahamak ka!”“Gusto niyo ba ng paliwanag?Mukhang walang pakialam si Harvey.“Sino ba kayo sa tingin niyo? Tingin niyo pwede na kayong basta humingi ng paliwanag nang ganito na lang?”“Hindi mo binigay ang pitaka mo sa amin! Binugbog mo ang isa sa amin at nilait ang lahat ng nandito! Malinaw na nasa malaking gulo ka ngayon!Humakbang paharap ang magandang babae nang mukhang galit na galit.“Lumuhod ka at humingi ng tawad!”Naningkit ang mata ni Harvey sa babae bago seryosong sabihin, “Ano naman kapag tumanggi ako?”“Tumanggi?“Kapag tumanggi ka, ipapakulong ka namin sa airport
Magbasa pa

Kabanata 3823

Makalipas ang kalahating oras, maayos na dumapo ang eroplano sa Blackburn City International Airport. Kaagad na bumaba sila Harvey York at ang ibang nakaupo sa first-class na upuan. Mayroon ring bus na nakatoka para sunduin ang mga tao.Ang mga taong sinampal ni Harvey ay kaagad na sumakay ng bus. Inilabas ng magnanakaw ang kanyang phone at matapang na kinuhanan ng larawan si Harvey bago tumawa.Makalipas ang sampung minuto, nakarating na ang bus sa immigration checkpoint sa labas ng waiting hall.“Ikaw! Tumigil ka diyan!”Daan-daang pasahero ang sinusuri bago sila pakawalan…Ngunit nang si Harvey na ang susuriin, isang taong nakasuot ng uniporme ang pumigil sa kanya.Tiningnan nito si Harvey nang mapanghusga bago magpakita ng inis. Sa malapit, ngumisi ang magnanakaw. Ayon sa international space laws, walang karapatan ang South Sea na habulin si Harvey sa nangyari sa ere…Ngunit may paraan sila para tapusin ito. Ilang matatangkad na guwardiya ang nagdala kay Harvey sa q
Magbasa pa
PREV
1
...
380381382383384
...
484
DMCA.com Protection Status