All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 3091 - Chapter 3100

4846 Chapters

Kabanata 3093

'Nasampal siya?!' 'Ang don mismo ng Briewood Gang?!''Isang prominenteng tao ng underworld ng Hong Kong at Las Vegas?!' 'Isang alamat si Grayson Parker! Paano siya nabugbog nang ganun lang kadali?!' Basa sa kasalukuyang sitwasyon, tuluyan nang naging imbalido si Grayson mula sa lahat ng mga sugat na iyon kung hindi pa siya patay. Nanahimik ang buong banquet hall, sa sobrang tahimik dito ay maririnig maski ang tunog ng pagbagsak ng karayom. Kahit sina Vince York at Lexie York na may mapagmataas na ekspresyon sa mukha nila ay nanlaki ang mga mata sa sandaling iyon. Ginawa niyang imbalido si Grayson gamit lang ng isang sampal sa harapan ng lahat?! Nanginig ang mga mata ng mga Islander na nagbabantang patayin si Harvey. "Paanong nangyari to?!" Hindi napigilan ng mga mayayamang babae na manlaki ang mga mata nila sa gulat. Masyadong malaki ang katayuan ni Grayson! Sa mga mata nila, walang makakatalo sa mga taong kagaya niya! Kahit na naging kilala ang pangalan ni Har
Read more

Kabanata 3094

May malamig na ekspresyon si Vince York sa mukha niya. Kampante siya, pero hindi siya tanga. Kahit na anong mangyari, kung nagawa ni Harvey na patayin si Miyata Shinosuke, pahirapan si Jason Leo, hulihin nang buhay si Akio Yashiro, at tapusin si Jacknife… Malalaking bagay pa rin ang mga iyon. Arogante si Vince, pero di niya balak na labanan si Harvey nang harapan sa sandaling iyon. Gusto niyang talunin si Harvey at patibayin ang reputasyon niya sa Hong Kong at Las Vegas hanggang sa wakas ng panahon. Hindi niya gustong manalo sa pamamagitan ng pagpapahina ng kalaban. Nang hindi nagdadalawang-isip, sumandal si Vince sa upuan ng lord at simpleng tumingin kay Harvey. "Magandang araw to para maging makapangyarihan! Hindi kita hahawakan dahil ayaw kong magsayang ng oras! "Pero, dapat tigilan mo na ang pagpapanggap mo sa puntong to! Lumuhod ka na!" Lumapit ang daan-daang eksperto pagkatapos marinig ang mga salita ni Vince. Maliban sa mga miyembro ng mga York ng Hong Kong, ma
Read more

Kabanata 3095

Para bang walang pakialam si Harvey York nang nagsalita siya nang may mapaglarong tono. Ang bawat isang salitang sinabi niya ay isang sampal sa mukha ng mga Islander at isa ring pagtatangkang buwagin ang malapit nilang relasyon kay Vince York. Naramdaman ng Shinkage Way, Nen Way, at ng mga eksperto na may dignidad pang natitira na uminit ang mga mukha nila at mapuno ng nagliliyab na galit ang mga puso nila. Inisip nila na mas mataas sila sa lahat. Inisip din nila na sila ang pinakamarangal na tao sa silangan. Sa mga mata nila, nagpunta sila para suportahan si Vince para magkaroon sila ng malakas na pundasyon dito. Hindi sila nagpunta rito para maging mga tauhan ni Vince sa huli. Pero pinahiya sila ni Harvey, sinabi niyang si Vince ang tunay nilang master. Pagkatapos nilang matauhan, nanginig ang mga mata nila habang namula ang mga ito! "H*yop ka!" Bago pa makapagsalita si Vince, hindi na napigilan ni Masao Takei ang galit niya. Kaagad niyang binunot ang espada sa bayw
Read more

Kabanata 3096

Pagkatapos marinig ang mga salita ni Keiko Kitagawa, kuminang ang mga mata ni Vince York. "Mabuti! Hihintayin ko palang tapusin niya ang buhay ni Harvey York!" Natural na magiging maganda kung mamamatay si Harvey nang ganito kadali. Kinakatakutan ng mga nakapalibot na tao ang lakas ni Harvey, ngunit pagkatapos marinig ang paliwanag ni Keiko, pakiramdam nila ay maipaghihiganti ni Nasa'yo Takei ang Shinkage Way at mapagpipira-piraso niya si Harvey. Naningkit ang mga mata ng lahat ng Islander kay Masao habang matiyagang naghihintay na tapusin niya ang buhay ni Harvey. Boom!Sa ilalim ng nasasabik na titig ng lahat, mahigpit na hinawakan ni Masao ang hawakan ng espada. Sa isang sandali lang, lumabas sa katawan niya ang mala-halimaw na aura ng espada. "Mag-ingat ka, Sir York! Gamit niya ang Chrysanthemum Blade, isang maalamat na espadang iniregalo ng royal family ng Island Nations! "Sinasabing pagmamay-ari ito noon ng isang maalamat na Ronin! Ang isang hiwa mula rito ay napak
Read more

Kabanata 3097

Ang bilis ng paghiwa! Ang ganda ng paghiwa! Ang bangis ng paghiwa! Nasabik ang mga Islander. Pagkatapos makita ang lakas ni Masao Takei, pakiramdam nila ay para bang nakikita nila ang kinabukasan ng bansa nila. Tumitili nang malakas ang mga babaeng panauhin mula sa Island Nations. "Napakalakas mo, Mr. Takei!" "Patayin mo ang lalaking yan!" "Ang Island Nations ang magiging pinakamalakas na bansa sa silangan!" Kumulo ang dugo ni Masao pagkatapos marinig ang lahat ng hiyaw na iyon. Hinawakan niya ang espada niya at malamig na tumawa. "Oras na para mamatay kang h*yop ka!" Umilaw na naman nang maliwanag ang espada ni Masao. Nagulat ang lahat na makitang umilaw ulit ang espada sa harapan ng mga mata nila. Mas mabilis ito! Mas malakas! “Lone Slash!”Nabuhayan si Masao. Hindi lang siya bumilis, mas bumilis din ang mga kilos niya kumpara sa pangkaraniwan. Swish swish swish!Napakaraming puting ilaw ang nagsama-sama bago sumugod papunta kay Harvey York. Wal
Read more

Kabanata 3098

Nagngitngit ang ngipin at naningkit ang mga mata ng isang eksperto ng Nen Way na si Rokuro Shimizu bago siya kumalma. Pakiramdam niya ay matatalo niya lang ang lalaking nasa harapan niya kung ibubuhos niya ang lahat at gagamitin ang killer move ng Nen Way. "Paanong nangyaring ganito siya kalakas?!" Napanganga si Keiko Kitagawa nang hindi niya napapansin. Gusto niyang makitang mabawi ni Masao Takei ang nasirang reputasyon ng Shinkage Way… Pero nabigo rin siya! Nagalit si Keiko. Hindi niya gustong paniwalaan ang kahit na anong nakita niya sa sandaling ito. Natulala rin ang Tsuchimikado Family. Patuloy nilang kinukusot ang mga mata nila na para bang hindi nila gustong makita ang eksena. Tanging si Akio Yashiro ang nagpapakita ng kalmadong ekspresyon sa mukha niya. Pagkatapos matalo nang maraming laban kay Harvey York, naintindihan niya kung gaano siya nakakatakot. Iyon ang dahilan kung bakit mas gusto niyang makitang ipahiya ng iba pang martial art schools ang mga sarili
Read more

Kabanata 3099

"'Yan lang ba ang kaya ng Shinkage Way? "Pinapalibutan niyo ako pagkatapos niyong mapagtantong wala kayong pag-asang manalo kapag nilabanan niyo ako nang mag-isa? "Ito ba ang tinatawag niyong Bushido Spirit? "Ito ang ambisyon niyong maging pinakamalakas na bansa sa silangan? Natawa si Harvey York. "Hindi niyo nga ako matalo, tapos nagyayabang pa kayo sa Country H? "Kung ako sa'yo, magmamakaawa ako at lalayo na ako sa bansang ito habang buhay! "Lahat naman kayo ay mahihina!" Maririnig ang pang-aasar sa pananalita ni Harvey… Ngunit ang lahat ng sinabi niya ay sumira sa lakas ng loob ng mga Islander. "Ang kapal naman ng mukha mong maging ganito kayabang, hayop ka?! "Tingin mo ba may karapatan kang magsalita dahil lang may natalo kang Islander?!" Isang matangkad na anino ang lumipad patungo sa gitna ng bulwagan. Ito ay si Rokuro Shimizu ng Nen Way! Ang Nen Way ay may kasaysayan na umabot ng libu-libong taon. Sa anim na martial arts schools, sila ay tinuturing na
Read more

Kabanata 3100

Ang Nen Way ay hindi lamang nagsanay sa pakikipaglaban kundi pati sa paglalaro sa isipan ng tao. Ang ganitong atake ay delikado. Hindi lamang ang mga kalevel nila, maging ang mga taong mas magaling kay Rokuro Shimizu, ay hindi mapipigilan ang ganitong atake. Ngunit nagawang makaiwas ni Harvey York kahit na ibinuhos ni Rokuro ang buong lakas niya sa atakeng ito… Hindi ito matanggap ni Rokuro. Bago mahimasmasan si Rokuro, dumilat si Harvey at sinipa sa mukha si Rokuro. Mabilis at malakas ang atakeng ito, parang isang kidlat. Gustong sigawan ni Rokuro si Harvey at tawagin itong hayop dahil hindi siya binigyan ng oras para makakibo. Wala siyang magawa kundi itaas ang kanyang mga braso at harangin ang atake. Krak! Humampas ang binti ni Harvey sa kanya sa isang iglap. Tumalsik si Rokuro bago bumagsak sa sahig nang mukhang natatakot. Kalmadong lumapit si Harvey sa kanya at muling sumipa. Nainis at nabahala si Rokuro. Wala siyang oras para kumibo bukod sa muling iharang
Read more

Kabanata 3101

"Pinagbabantaan mo ba ako?" kalmadong tanong ni Harvey. "Ano naman kung oo?! "Hindi mo ako pwedeng patayin!"Sasabihin ko sa'yo! Malaking bagay na ang panlulumpo mo sa akin! Kapag sinaktan mo pa ulit ako…" Bago matapos magsalita si Rokuro Shimizu, pinatalsik ni Harvey ang walong eksperto sa isang sipa lamang bago baliin ang leeg nito gamit ng kanyang kamay. 'Hayop!'Sinugod niya ako nang hindi nagsasalit!'Mukhang gulat na gulat at hindi makapaniwala si Rokuro habang lumalayo ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Luluhod sana siya at magmamakaawa kung alam niyang walang awa si Harvey. Kusang sinubukan nila Lexie York na pigilan si Harvey, ngunit hindi sila makakibo dahil sobrang bilis ni Harvey. Nagulat nang sobra ang ibang panauhin. Hindi nila inakalang tatapusin ni Harvey ang buhay ni Rokuro. "Hayop ka!" "Mamatay ka na!" Anim na eksperto ng Nen Way ang galit na sumigaw pagkatapos makita ang pagkamatay ni Rokuro bago sila sumugod kay Harvey. Pak pak pak!B
Read more

Kabanata 3102

Sa puntong ito, alam na ng lahat na tinulungan ng mga Islander si Vince sa pag-angat niya. Kung magiging young lord si Vince, siguradong kakailangan niyang bumawi sa utang na loob niya sa hinaharap. Nguniit tuluyan nang binunyag ni Harvey York ang plano ni Vince, sinasabing balak niyang ipapatay ang mga Islander. Nanahimik ang buong lugar.Alam ng lahat na ang isang taong tulad ni Vince ay talagang magagawa ang ganitong bagay.Tinitigan nang masama ng mga natitirang Islander si Vince sa sobrang galit.Mukhang seryoso ang mga eksperto ng Tsuchimikado Family.Alam nila kung gaano kaambisyoso si Vince.Balak niyang gamitin ang tulong ng suporta ng mga Islander para umangat.Sa kabilang banda, balak niyang ipapatay ang mga Islander at bawasan ang impluwensya nila sa mga York ng Hong Kong sa hinaharap.Handang gawin ni Vince ang ganito kasamang bagay.Ito ang dahilan kung bakit kakaiba ang itsura ng mga Islander habang nakatitig sila nang masama kay Vince.Kumunot ang noo nil
Read more
PREV
1
...
308309310311312
...
485
DMCA.com Protection Status