Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 2731 - Kabanata 2740

4849 Kabanata

Kabanata 2731

Dahil iniimbitahan ako ng isang magandang babaeng kagaya mo, mas maganda kung magsasaya tayo, tama?" Interesadong nakatingin si Harvey York kay Lexie York. Gusto niyang makita kung anong pinaplano ng babaeng ito. Hindi siya nagsayang ng oras at sumakay sa kotse bago inayos ang kanyang seatbelt. Mahinang tumawa si Lexie bago inapakan ang pedal. Umugong ang Ferrari 488 na parang isang nagwawalang halimaw papunta sa Huancheng Expressway. Nakikita ang karagatan sa gitna ng ulan habang bumibilis ang kotse. Lumingon si Harvey sa babaeng nasa tabi niya at nagtanong, "Madam York, hindi mo lang ako inimbitahan rito para panooring pumatak ang ulan, tama?"Wala rin akong interes na gumawa ng ganito kasama ng isang matandang kagaya mo. "Bakit di mo sabihin sa'kin kung bakit ka nagpunta sa'kin sa ganitong oras? Anong gusto mong pag-usapan natin?" Wala ring intensyon si Lexie na magpaligoy-ligoy pa. "Nakatanggap ako ng balita na kaya mong pagalingin ang sakit ni Selena Judd at may
Magbasa pa

Kabanata 2732

Bahagyang nanginig ang mga mata ni Lexie York pagkatapos niyang marinig na tawaging basura si Vince York. "Kagaya ng sabi mo, alam natin kung paano umiikot ang mundo, Sir York. "Natural na may katwiran ang mga bagay na ginawa mo. "Kasalanan ni Vince sa paglaban niya sa'yo sa umpisa pa lang. Uuwi ako at tuturuan ko siya ng leksyon, pagkatapos ay ipaghihingi ko pa siya ng tawad sa pintuan mo."Pero kapalit nito, umaasa ako na magpakita ka ng sinseridad. "Sa ganitong paraan, pwede na nating kalimutan ang nangyari. Makukuha niyong dalawa ng gusto niyo, di ba?"Lalo na't kayong dalawa ay mga top talents ng nakababatang henerasyon at pantay halos sa bawat isang bagay. Kung talagang maglalaban kayong dalawa, ibang tao lang ang makikinabang sa sitwasyon." Bahagyang tumawa si Harvey. "Ipakita ang sinseridad ko? "Wag tayong masyadong lumayo, kahapon lang. Sigurado ako na alam mo ang nangyari sa Budokan. "Hindi ba alam mo na dumating si Scarlett Leithold para ipapatay ako kasama
Magbasa pa

Kabanata 2733

"Naniniwala ako na isang taong nagtatrabaho para kay Vince York ang gumawa nito. Iimbestigahan ko ang bahay na'to at bibigyan kita ng pahayag tungkol dito." Kalmadong ngumiti si Harvey York nang hindi nagbibigay ng sagot. Tumingin si Lexie York kay Harvey. Wala na ang matapang na ekspresyon sa mukha niya, napalitan ito ng pagpapahalaga at pagmamahal. "Sir York, alam ko hindi ka maniniwala sa kahit na anong sabihin ko. "Pero, gusto ko pa ring makiusap sa'yo. Sabihan mo si Selena Judd na bawiin ang kasunduan niyo. "Pwede pa ring maging mabuting anak niya si Vince. "Kung magbubulag-bulagan tayo, makakaligtas tayong lahat sa mahirap na panahon." Natawa nang malakas si Harvey. "Masyado ka bang kampante sa pang-aakit mo, o iniisip mo na isa akong manyak na hindi pa nakakakita ng babae? "Sa tingin mo makukumbinsi mo ko sa pamamagitan lang ng pabango at pagdala sa'kin sa tanawing ito? "Kung may gusto kang makuha, dapat ay magsasakripisyo ka, tama? "Nag-iilusyon ka na lang
Magbasa pa

Kabanata 2734

"Ikaw…" Sobrang nawindang si Lexie York sa mga salita ni Harvey York. Hindi niya inaasahan na ang perpektong tagapagmana ng mga York para sa mga mata niya ay wala lang para kay Harvey. Sinubukan ni Lexie na pakalmahin ang sarili niya pagkatapos niyang huminga nang malalim. Wala nang balikan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Tinignan niya si Harvey nang may lambing sa mga mata niya. "Sir York, nangyari nga ang mga bagay na sinabi mo. "Pero alam mo dapat na ang mga taong may malaking ambisyon ay hindi nababahala sa maliliit na bagay. "Ginawa lang ito ni Vince York dahil wala siyang ibang magagawa. "Kung makuha niya ang posisyon ng bagong head ng pamilya, sigurado akong poprotektahan niya ang mga mamamayan ng timog-silangang karagatan para sa Country H! "Kung wala siyang ganitong ambisyon at pagmamahal sa bansa, bakit ko siya tutulungan, bilang ako ang lady ng Dragon Palace? "Kung hindi ka naniniwala sa'kin o kay Vince, dapat kahit papaano ay pagkakatiwalaan mo ang Dr
Magbasa pa

Kabanata 2735

Naningkit ang mga mata ni Harvey York sa papalayong convoy bago tumingin pabalik kay Lexie York. "Kanina ka pa gumagawa ng palabas para kang makita to ni Lady Judd?" malamig niyang sabi. "Ano? Tapos na ang palabas, pero balak mo pa rin akong ikulong dito kasama mo? "Hindi ka natatakot na patayin kita sa sampal?" Tinignan ni Harvey ang babae sa harapan niya mula ulo hanggang paa. Gusto lang niyang sumakay sa kotse para paglaruan si Lexie at gumawa ng kaguluhan para kay Vince. Ganoon rin ang plano ni Lexie. Gusto niyang magiba ang mahinang alyansa sa pagitan nina Harvey at Selena. Masasabi na interesante nga talaga ang babaeng ito. Sapat na ito para patunayan ang katalinuhan niya sa pag-iisip ng ganitong taktika. Sayang lang at kalokohan lang para kay Harvey ang mga ganitong klaseng taktika na sinasabi nila. "Wala na si Selena at hindi mo siya mahahabol. At saka umuulan sa labas. Hindi ka ba natatakot na magkasakit, Sir York?" Umupo si Lexie pabalik sa upuan niya. Nag
Magbasa pa

Kabanata 2736

"Nasaan ang pruweba mo?" Walang pakialam si Harvey York. "Hindi mo naman iniisip na pruweba na'to na may relasyon tayo dahil sumakay ako sa kotse mo, tama? "Lalo na't ang fourth brother mo ang head ng mga York! Sa tingin mo ganun talaga siya kababaw?" "Tiyak ako na papaniwalaan niya to." Nagpakita si Lexie York ng isang maliit na ngiti. "Alam kong ayaw na ayaw niya sa'kin, pero pinakapinahahalagahan niya ang reputasyon ng pamilya. "Kung umiyak ako sa harapan niya tungkol sa isang ignoranteng lalaking sinusubukan akong dungisan at pipilitin ko si Selena Judd na maparusahan!"Kahit na sa maliit na pruweba lang, sigurado akong hahabulin ka niya! "At Sir York, dapat kang maniwala sa'kin na hindi mahirap para sa'kin na gumawa ng ebidensya! "Luluhod ka at magmamakaawa sa'kin para maging alila ni Vince York… "O mamamatay ka!" Tinaas ni Harvey ang kamay niya at tumingin sa palad niya bago nilipat ang tingin niya kay Lexie habang may malarong ekspresyon sa mukha niya. "
Magbasa pa

Kabanata 2737

"Kakaiba ka talaga, Sir York!" Sumama ang ekspresyon ni Lexie York pagkatapos makitang mahanap ni Harvey York ang bawat isang equipment na mayroon siya. Kumunot ang noo niya habang naningkit ang mga mata niya kay Harvey. "Kaya maski si Vince York ay natalo ng ilang beses laban sa'yo," malamig na sabi ni Lexie. "Nakakamangha ang katalinuhan, kakayahan, at swerte mo. Walang pangkaraniwang tao ang makakalapit sa'yo. "Patuloy kitang ginagalit at iniinis, pero nakita mo lahat ng plano ko nang hindi napipikon. "Aaminin ko. Minaliit ka namin. "Pero magandang bagay to. Mas masaya kung dudurugin ko ang isang lalaking kasing lakas at kasing galing mo." Tinapakan ni Lexie ang pedal at minaneho ang kotse papunta sa gateway ng Huancheng Expressway bago tinanggal ang lock ng pinto. "Umalis ka na rito!" Binuksan ni Harvey ang pinto bago tinignan si Lexie. "Wag kang mag-alala, Madam York," mapaglaro niyang sabi. "Dahil nandito na tayo, ayos lang sa'kin na makipaglaro pa sa'yo.
Magbasa pa

Kabanata 2738

Kalmadong tinignan ni Harvey York ang driver bago umupo sa upuan sa likuran habang binabalikan ang buong stiwasyon. Ang lahat ng nangyari sa araw na iyon ay plinano ni Lexie York. Mabuti at may plano rin si Harvey. Base sa kinalabasan nito, nasa magandang kalagayan si Harvey pansamantala. Sa huli, ang sampal na iyon ay hindi lang para ibuhos ni Harvey ang galit niya kundi para bigyan rin si Selena Judd ng malinaw na paliwanag. Ang sampal na iyon ay nangangahulugan na hindi talaga sila nababagay ni Vince York. Pinakita rin nito ang lakas ng loob niyang patumbahin si Vince. Sa ganitong paraan, ang isang babaeng himaling sa pagiging dalisay kagaya ni Selena ay patuloy na makikipagtulungan sa kanya. Sa kung paano naman makakarating ang balitang ito kay Selena, hindi interesado si Harvey. Naniniwala siyang tiyak na magiging alerto si Selena sa sandaling nakita niya sila ni Lexie sa expressway. Siguro nagmamasid na ang ilan sa mga bodyguard niya sa lugar kung saan niya si
Magbasa pa

Kabanata 2739

Bahagyang ngumiti si Harvey York."Tatapatin kita, Lady Judd. Bukod sa katotohanan, kakailanganin mo pa ng dalawang bagay." "Ano pang kailangan ko?!" Malinaw na kumunot ang noo ni Sslena Judd sa kabilang linya ng tawag. "Una, kailangan mo ng full report mula kay Lord York. Alam nating dalawa na may kinalaman ang mga nakatataas ng pamilyang 'yun sa nangyari noong nakaraang sampung taon. "Kung wala ka ng full report ni Lord York, walq itong kwenta kahit malaman mo ang totoo! Baka mamatay ka pa para sa wala dahil dito!"Pangalawa, kailangan mong maghanda ng kapalit. "Kapag naibaba na si Vince York, kailangan may pumalit sa pwesto niya. Sa ganitong paraan, hindi magkakagulo ang mga York. Mas maaasikaso niyo nang maayos ni Lord York ang pamilya nang ganito. "Bata pa kayo pareho. Naniniwala ako na kapag nabigyan pa kayo ng dalawampung taon, magiging malaki na ang anak niyo para pumalit sa inyo." Palihim na pinarating ni Harvey na si Vince ang may pakana ng nangyari noong naka
Magbasa pa

Kabanata 2740

Habang iniisip ni Harvey York ang tungkol kay Vince York, naramdaman niyang umalog nang malakas ang kotse. Biglang bumako ang patag na kalsada. Dumilat si Harvey bago tumingin sa kanyang paligid. "Nasaan ba talaga tayo?" sinabi niya pagkatapos tumawa. "O kaya, para kanino ka nagtatrabaho? "Saan mo ako dadalhin?" Isang kalsadang matagal nang hindi inaayos ang makikitka sa harap. Maraming mga babala sa paligid ng kalsada, ngunit makalawang na ang mga ito. Habang nagtatanong si Harvey, kaagad na binilisan ng nagmamaneho, binunggo ang isang harang, at sumugod paharap. Wala pa ring pakialam si Harvey pagkatapos makita ang mukha ng nagmamaneho. "Anong sinasabi mo? "Sa kamatayan mo, syempre!" Tumawa ang nagmamaneho bago tumulo ang dugo sa bibig niya. "Pagpasok mo pa lang ng kotse, nakatakda na ang kapalaran mo! "Hindi mo na kailangang maghintay kung ang kamatayan mismo ang lumalapit sa'yo! "Ihahatid na kita, Sir York! "Nagpapaalam rin sa'yo si Madam York?" Bini
Magbasa pa
PREV
1
...
272273274275276
...
485
DMCA.com Protection Status