All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 2641 - Chapter 2650

4852 Chapters

Kabanata 2641

Ding, ding, ding!Bumagsak ang granada sa lapag at gumulong nang ilang beses, pero hindi ito sumabog. Sa halip, nanatili itong gumiwang-giwang sa posisyon nito. Basa ng malamig na pawis ang lahat habang nanginginig sa takot. "Ah. Hindi sumabog?""Pasensya na. Sira yata tong isang to." Nagpakita ng gulat si Harvey sa mukha niya bago simpleng kumuha ng isa pang granada mula sa dibdib ni Louis at tinanggal ang safety pin."Pakakawalan ko siya! Ibabalik ko siya ngayon din!" Bago nakakibo si Louis, kaagad na tumalon si Kaitlyn palabas ng pinagtataguan niya at sumigaw ng kanyang pagsuko. Walang gustong mamatay. Lalo na si Kaitlyn pajtlapos niyang muntikan nang mamatay. Payapa ang buhay niya. Syempre hindi niya gustong mamatay nang walang karangalan dito! Huminga nang malalim si Louis at sumama ang mukha niya. Kasabay nito, naamoy niya ang mabahong amoy na nagmumula sa katawan niya. Gustong-gusto niyang iuntog ang sarili niya sa lapag. Hindi niya inakala na matatakot si
Read more

Kabanata 2642

Halos bumaon sa lapag ang mukha ni Louis sa sandaling ito. Nang naramdaman niya kagustuhang pumatay ni Harvey, nagngitngit ang ngipin niya at pinilit niya ang sarili niya na banggitin ang mga salita, "Patawad." Ngumiti si Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang binti niya at pinakawalan si Louis. Hindi rin kaagad na tumayo si Louis. Lumuhod siya, diretso ang likod habang tinitigan si Harvey nang masama. Mukha siyang isang mabangis na hayop. "Harvey? Ikaw pala ang Harvey na yun?!" "Magaling! Tatandaan ko ang lahat ngayon!" "Dapat mong malaman na palaging may taong mas malakas sa'yo, Harvey!" "Tiyak na babawian kita sa nangyayari ngayong gabi!" Tumawa si Harvey. "Alam mo kung anong pinakaayaw ko? Mga taong akala mo kung sino kung magsalita!" Kaagad na hinawakan ni Harvey ang leeg ni Louis. Nang walang pag-aalinlangan, sinaksak niya ang granadang walang safety pin sa bibig ni Louis!"Dahil ang lakas mo magsalita, mas mabuti ku
Read more

Kabanata 2643

Hindi ito masyadong pinagtuunan ng pansin ni Lexie. Pinag-isipan niya ang sitwasyon bago nagtanong, "Ganun ba siya katapang? Binato niya ang granada sa lapag?" "Nakatanggap na ang safety pin, di ba? Bakit hindi to sumabog?" Ininom ni Vince ang tsaa niya bago sumagot. "May tumingin sa granada pagkatapos ng buong insidente. Lumabas na sira ito. May sira nga ang pampasabog sa loob nito." "Hindi ko alam kung maswerte lang ba siya na makakuha ng sirang granada o alam na niya ang tungkol dito…" "Pero nabigla ang lahat sa mga kinilos niya." Pagkatapos ay pinakita ni Vince ang video sa phone niya at pinanood ito kasama ni Lexie. Nakita ng dalawa kung paano nangyari ang lahat. Pagkatapos panuorin ang video nang talong beses, pareho silang napabuntong-hininga. Hindi mahalaga kung paano ito nagawa ni Harvey, pero kontroladong-kontrolado niya ang sitwasyon sa sandaling makatapak siya sa loob ng Emerald Club. Bumuntong-hininga ulit si Lexie habang tinitignan niya ang screen. Muk
Read more

Kabanata 2644

Para bang medyo iba si Edwin kumpara noon. Ang kanyang malokong mayamang playboy na pag-uugali ay napalitan ng striktong kaseryosohan. Hindi pa siya naging ganito kaseryosong tignan buong buhay niya. Nakahinga nang maluwag si Harvey. Mukhang sulit ang leksyon sa gabing iyon. "Buong gabi kang tinutulak kung saan-saan. Bakit di ka magpahinga?" suhestiyon niya. Pagkatapos ay nagsalin siya ng tsaa sa tasa niya bago uminom. Nanginig si Edwin nang nakita niya si Harvey. "Nakahanap ako ng impormasyon na gusto kong ipaal sa inyo, Sir York," panimula niya nang medyo nag-aalangan. "Pero dahil nagpapahinga ka, hindi ko gustong guluhin ka.""Salamat sa pagsisikap mo," sabi ni Harvey. "Wala lang yun." Umiling si Edwin at hindi tinanggap ang papuri. "Hindi rin naman ako makatulog." Tumawa si Harvey. "Di ka makatulog? Galit ka pa rin ba? O gusto mong maghiganti?" "Wala sa mga iyon." Umiling ulit si Edwin. "Noong nasa Sword Camp pa ako, sinabi ko na kailangan kong harapi
Read more

Kabanata 2645

Sa sandaling ito, nakaupo ang lahat ng mula sa Johnson family sa isang maliwanag na sala nang may seryosong ekspresyon. Para bang may hinihintay nila. Walang nagbanggit ng kahit na ano tungkol sa pagsalubong sa pag-uwi ni Irene. Bang!Sa gitna ang kaba nila, isang malakas na tunog ang narinig mula sa pinto. Pagkatapos nito, kaagad na lumitaw ang ilang itim na van. Bumaba ang mga disipulo ng Law Enforcement ng Longmen mula sa mga kotse, armado sila at mapanganib. Mukhang handa silang pumatay. Ang mga disipulo ng Longmen na nagbabantay sa Johnson Residence ay mukhang nabigla at hindi sila nagtangkang kumilos nang padalos-dalos. Suminghal ang mga disipulo ng Law Enforcement ng Longmen bago pinalibutan ang buong lugar. Lumitaw si Carrie, ang mukha niya ay puno ng kayabangan. Mayabang siyang naglakad paharap at sinundan ng kanyang mga arogante ring tauhan. "Anong ginagawa mo?" Napatanong si Irene. Pak! Hindi siya pinansin ni Carrie at pinalipad siya sa isang sampal. P
Read more

Kabanata 2646

"Anong sinusubukan mong gawin dito?!" Puno ng galit ang ama ni Irene. Hindi pa nakatagpo ng ganitong pagpapahiya ang pamilya nila, kahit pagkatapos pamunuan ang Hong Kong at Las Vegas branch ng Longmen nang napakaraming taon. Hindi alam ang kinaroroonan ni Morgan, at ngayon, sapilitang dinukot ang sarili niyang anak. Anong sinusubukang gawin ng mga taong to? "Anong sinusubukan naming gawin?" Kalmadong sabi ni Carrie. "Simple lang. Naghahanap kami ng testimonya at ebidensya. Sigurado ako na kaya mo tong ibigay sa'min, base sa tagumpay ng pamilya niyo." "Bibigyan ko kayo ng kalahating oras para maghanap ng ebidensya ng pakikipagsabwatan ng pamilya niyo." "Kung hindi, wag mo kong sisihin sa pagkuha ng ebidensya mula sa pamilya niyo!" Sumama ang ekspresyon ng buong Johnson family pagkatapos marinig ang mga salita ni Carrie. Malinaw na binabalak ng babaeng ito na pagbintangan sila. "Tiyak na lahat kayo ay mapaparusahan sa paggawa niyo nang ganito nang mag-isa!" Sigaw n
Read more

Kabanata 2647

"Sinasabi ko sa'yo! Kapag sinabi ko na may ginawang krimen ang pamilya mo, iyon lang ang totoo!" "Talagang lalabanan mo ako?" "Sino ka ba sa tingin mo?!""Maski ang Diyos ay hindi maililigtas ang pamilya mo ngayon!" "Sa pagsuporta niyo kay Harvey, patay na kayong lahat!" Sa mga salitang ito, mas maraming disipulo ang humakbang nang may malalagim na ngiti. Malaki ang nawala sa kanila laban kay Harvey noon, pero ngayon, punong-puno sila ng sigla. Ang iniisip lang nila ngayon ay ang mabawi ang karangalan nila sa pamamagitan ng pagdurog sa mga Johnson. Boom!Sa sandaling kikilos na ang mga disipulo, kaagad na sinipa pabukas ang pinto. Lumipad ang sinumang tansong pinto at bumagsak sa lapag. Isang lalaki ang pumasok, magkapatong ang mga braso niya sa dibdib niya sa isang mapagmataas na posisyon. "Narinig ko na kinasuhan ako ng Law Enforcement ng Longmen na nakipagsabwatan daw ako sa mga tigalabas habang wala ako." "Sinubuka niyo pang gamitin ang mga Johnson para pagbinta
Read more

Kabanata 2648

Nanatiling walang emosyon si Harvey sa kabila ng pagbabanta niya. Simple siyang nagpadala ng text kay George para tignan ang background ni Ken. Nang nakita ni Carrie si Harvey na pumipindot sa phone niya habang hindi siya pinapansin, sumama ang ekspresyon ng mukha niya. "Tama na, Harvey. Tama na ang kalokohan mo!" "Walang kayang makapipigil kay Young Master Bauer!" "Walang kahit na sinong matatawagan mo ng tulong!" "Dahil nandito ka na, sundan mo ko sa Imperial Prison!""Titignan natin kung anong mangyayari kapag tapos nang maglaro si Young Master Bauer. Kakaladkarin ka niya para tanungin!" "Mas mabuti kung di ka manlalaban. Pinoprotektahan ka noon ng pagkatao mo bilang branch leader, pero…" "Kapag di mo sinunod si Young Master Bauer, baka kahit ang master ng Longmen ay hindi ka maprotektahan!" "Isa ka lang lalaking tinitingala ni Elder Bauer, hindi isang kamag-anak ng pamilya!" "Alam mo dapat kung sinong mas importante sa puso niya, Harvey!" Mapangmatang tinitigan
Read more

Kabanata 2649

Naningkit ang mata ni Carrie sa nakita niya. Nagkaroon siya ng kagustuhang pumatay sa mga mata niya.Hindi siya makapaniwalang maglalakas-loob si Harvey na suwayin ang kagustuhan ni Ken!Siya ang lalaking kumakatawan sa Bauer family at Longmen! Kailangang magbigay-galang mismo ni Vince kay Ken. Binigyan pa nito si Ken ng isang mamahaling regalo.Paano nagagawa ni Harvey na suwayin si Ken?!Nagtinginan ang ibang mga disipulo. Pagkatapos, isang lalaki ang lumapit nang may kakaibang ngiti.“Ang kapal naman ng mukha mong galawin ang isa sa amin?!”“Bakit hindi mo subukang patayin ang isa sa amin kung ganyan ka kalakas?!”“Wala namang ibig-sabihin ang sampal na ‘yan eh!”“Kung kaya mo akong patayin, susuko ako!”Kampante siyang tinatakot lang sila ni Harvey, na matapang lang si Harvey na atakihin sila nang hindi sila papatayin.Krak! Lumapit si Harvey at pinihit nang malakas ang ulo ng disipulo.Malakas ang tunog nito at bumagsak sa sahig ang katawan ng disipulo. Hindi na ito
Read more

Kabanata 2650

“Ikaw…”Nasamid si Carrie ngunit kaagad siyang nahimasmasan.Patay na ang mga tauhan niya, ngunit buhay pa siya.Mukhang talagang takot si Harvey sa kanyang pagkatao at sa tumutulong sa kanya. Tama, ito nga! Ito ang dahilan kung bakit hindi siya pinatay nito.Si Carrie na lalong nabahala, ay muling nagkaroon ng yabang.“Kapag ginalaw mo ako, mamamatay si Morgan!” sigaw niya.“Sa totoo lang, nakakulong na siya sa Imperial Prison. Ang lahat ng ito ay dahil sa kumampi siya sa’yo!”“Nabalitaan ko rin na nakipag-date ka kay Irene noon! Ipinadala ko na rin siya sa kama ni Master Bauer kanina lang!” “Kapag sinuway mo ako, papatayin ko rin siya pagkatapos siyang paglaruan nito!”“Hawak ko ang mga tao mo, at wala kang magagawa dito!”“Kaya tigilan mo na ang pananakot sa akin! Hindi mo nga ako mapatay!”“Kapag hindi mo ako pinatay, baka magkaroon pa ng pag-asang mabuhay ang dalawang ito. Pero kapag pinatay mo ako at ginalit si Young Master Bauer, kasabay mong mamamatay ang Johnson fa
Read more
PREV
1
...
263264265266267
...
486
DMCA.com Protection Status