Home / Urban / Nagkakamali kayo ng Inapi / Chapter 2131 - Chapter 2140

All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 2131 - Chapter 2140

5173 Chapters

Kabanata 2131

"Ang equity transfer agreement ng Smith Corporation? Ito ang kumpanya sa ilalim ng Smith family ng Mordu, isa sa tope ten families ng Country H, tama?" Natuwa si Lilian. "Ang matalino kong manugang! Hinanda mo ba ang regalong to para sa'kin? Hindi na masama!" Halatang iniinsulto ni Lilian si Harvey pero abot tainga ang ngiti niya. Ang equity transfer agreement ay nagkakahalagang thirty billion dollars. Nakasulat ba ang pangalan ni Harvey, pero hindi pa naaaprubahan ng notaryo ang kasunduan. Iniisip ni Lilian na kung buburahin niya ang pangalan ni Harvey sa kasunduan at palitan ito ng kanya, mapupunta sa kanya ang lahat ng shares. Sumakit ang ulo ni Harvey. Naiintindihan niya kung anong klase ng tao si Lilian. Kung may kontrol siya sa shares, tiyak na may mangyayaring masama. Bago makasagot si Harvey, biglang binuksan ni Lilian ang pinto. Nakita niya ang bagong ayos na number one villa sa harapan niya at kaagad na nagliwanag ang mga mata niya. "Ang matalino kong manugang!
Read more

Kabanata 2132

"Hindi pa ako pwedeng umalis, marami pa akong dapat gawin. Baka sa susunod na araw pa ako makapunta sa Mordu." "Pasensya na talaga pero kailangan kong ipaubaya sa'yo ang pag-aalaga sa mga magulang ko sa ngayon." "Hindi ka dapat humingi ng pasensya. Ako na lang ang magiging driver nila at ililibot ko sila sa Mordu nang ilang araw nang walang bayad," sabi ni Harvey habang malambing na ngumiti. "Hindi. Hindi lang yun…" Mas lalong naging pagod ang boses ni Mandy. "Wala ka sa friend group ng nanay ko kaya hindi mo pa to nakikita." "Naging kasundo niya ang ilang mga kaibigan mula sa Mordu na hindi pa man niya nakikita sa personal." "Base sa nalalaman ko, malayong kamag-anak sila ng Jean family. Mayayabang ang bawat isa sa kanila. Inimbitahan niya ang isa para bisitahin ang mansyon niya sa Fragrant Hill!" "Sinabi pa niya na ikaw ang susundo sa mga bisita niya…" Mas lalong sumakit ang ulo ni Harvey sa mga salita ni Mandy. Madali lang sa kanyang tapusin ang mga kalaban sa bu
Read more

Kabanata 2133

Kalahating oras ang lumipas, nakarating si Harvey sa isang satellite city sakay ng Toyota Alphard niya. Noong una, hindi niya gustong gawin ang inutos ni Lilian. Pero pagkatapos niyang maalala ang pakiusap ni Mandy, walang siyang nagawa kundi lumabas para sunduin ang mga bisita ni Lilian nang may matinding pag-aalinlangan. May mga bagay na mas maganda kung si Mandy ang maghahawak nito. Kung mag-away sina Harvey at Lilian, baka maski si Mandy ay hindi maging sapat para ayusin ang problemang ito. Nang maisip niya kung paanong sinusubukan pa rin ni Lilian na hiwalayan niya si Mandy, wala siyang nasabi at hindi siya makapaniwala. Habang iniisip pa rin ni Harvey ang tungkol sa sitwasyong ito, lumitaw ang mag-inang may matatawag na itsurang pang-Mordu. Ang nanay ay mukhang malapit nang maglimampung taong gulang. Nakasuot siya ng mga off-brand na damit at kinukulayan ng makapal na makeup ang makulubot niyang mukha. May dala siyang kayabangan na tinataglay ng mga mamamayan ng Mordu
Read more

Kabanata 2134

Kalmadong tinignan ni Harvey ang braso ni Lucie. "Aunty Lowe, kung tama ang pagkakaalala ko, hindi naglabas ng quartz watch ang Patek Philippe." "Paano kaya yun… Sa aling specialty store niyo binili ang hundred-and-fifty-thousand-dollar Patek Philippe watch na'to, kung maaari kong matanong? Tatawag na ba ako ng pulis?" "Kung nagbenta ng pekeng relo ang specialty stores, babayaran ka nila nang sampung beses." "Magkakaroon ka ng 1.5 million." Nagsimulang tawagan ni Harvey ang tatlong numero sa phone niya habang malambing na nakangiti kay Lucie Lowe. Tinakpan ni Lucie ang relo niya gamit ng kanang kamay niya. Pero sa ginawa niya, napagtanto niya na nagmukha siyang nahuli sa akto. Sa pagkapahiya, galit niyang sinigawan si Harvey. "Ano bang alam ng isang mahirap na driver na kagaya mo?" "Sa Switzerland ko pa binili to!" "Nakapunta ka na ba roon?""Ikaw ba ang may-ari ng Patek Philippe? Dahil sinabi mo lang na hindi sila nagtitinda ng quartz watches, hindi ibig sabihin nun
Read more

Kabanata 2135

Sinara ni Harvey ang labi niya sa inis. Sa kasamaang palad, wala siyang magawa kundi pigilan ang inis niya at buksan ang pinto ng kotse para sa dalawa. "Aunty Lowe, pumasok kayo sa kotse." Nakita ang magarang itsura sa loob ng bukas na pinto. Nagliwanag ang mga mata nina Lucie at Nicolas sa nakita nila na para bang nakatingin sila sa isang magandang hardin. Sa sandaling nakapasok sila sa kotse, kinuha nila ang phone nila at nagsipindot. Kumuha sila ng ilang dosenang larawan para ipagyabang sa mga kaibigan nila. Tuso rin sila at naka-block sina Lilian at ang pamilya niya na makita ang mga post nila. Sa gilid ng paningin niya, nakita ni Harvey ang mga sinulat ni Nicolas. Wala siyang nasabi. "Kapag mas nagsipag ka, mas suswertehin ka. Ang una kong Toyota Alphard. Sulit ang two hundred and thirty minutes dollars." Sa sandaling in-upload ni Nicolas ang mga larawan sa friend group niya, bumaha ang likes sa post niya. Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng voicemail mula sa isang
Read more

Kabanata 2136

Sumali si Lucie at sinigawan si Harvey kasama ng anak niya. "Oo nga! Bakit sinesermonan ng isang driver na kagaya mo ang anak ko?!" "Ikaw ba ang magdedesisyon para sa kotse?""Hindi naman ikaw ang bumili nito! Bakit ayaw mong hayaan ang anak ko na magmaneho sandali?!" "At saka, kaya ka lang naman pwedeng magmaneho ng ganitong kotse dahil sa'min!" "Kung wala kami, ang mga taong kagaya mo ay nakatadhanang sumakay sa bisikleta buong buhay mo!" "Tama na ang dada! Ihinto mo ang kotse!" Tiwalang-tiwala sina Lucie at Nicolas sa katwiran nila, hindi nila alam kung gaano sila kasamang pakinggan. Para sa kanila, may katwiran ang ginagawa nila. Nawawalan na ng pasensya si Harvey. Handa na siyang palayasin ang dalawa mula sa kotse nang natawag ng isang malakas na pagsabog sa harapan ang atensyon niya. Lumingon siya para tignan ito. Natataranta ang lahat ng tao sa paligid niya. Binaba ni Harvey ang bintana ng kotse at sinilip ang ulo niya. Nakita niya ang isang Lamborghini na nasa
Read more

Kabanata 2137

Hindi pinansin ni Harvey ang mag-ina at sumugod sa harapan ng mga tao. Naningkit ang mga mata niya habang sinuri niya ang paligid niya lalo na sa nakasabit na Lamborghini. Nagsisimula nang magliyab ang makina ng Lamborghini. Hindi nagtangkang lumapit ang mga nakatayo sa paligid ng kotse. Kahit ang butler at bodyguards ng babae ay walang tapang na kumilos. Hindi na nga nila alam kung paano iligtas ang mistress nila, baka mawalan pa sila ng buhay. Sinuri ni Harvey ang sitwasyon at sinubukan niyang mag-isip ng plano. Naisip niya na maililigtas lang ang babae pagkatapos buksan ang kotse at tanggalin ang seat belt, pero kailangang gawin ang lahat ng iyon sa pinakamaikling oras. Ang totoo, ang buong proseso ay kailangang magawa sa loob ng tatlong segundo. Kung hindi, ang taong susubok na tumulong ay mahihila rin sa ilog. Sa pinakamasaklap na sitwasyon, kaagad na sasabog ang Lamborghini pagkatapos nitong lumubog sa ilog. Sa ilalim ng ganitong sitwasyon, wala nang tyansang mabuhay a
Read more

Kabanata 2138

Hindi nagtagal ay natauhan si Daniel. Nag-isip siya sandali bago nagsabing, "Butler Thompson, sa tingin ko nakikita niyo nang maayos ang nangyayari sa harapan niyo." "Sinisiguro ko sa'yo, Butler Thompson. Isa lang ang solusyon. Kailangan nating itulak ang kotse sa ilog para pigilan ito sa pagsabog." "Kahit na ganun, mataas ang tyansa nitong pumalpak. Kung nagkataon na malakas ang lady niyo, baka sumabog ang kotse sa sandaling lumubog ito sa ilog, o baka mangyari ang isang hydraulic shock. Nakakamatay para sa kanya ang dalawang sitwasyong iyon!" "Kaya ikaw, bilang butler niya, kailangan mong magpasya kung ililigtas natin siya o hind!"Matalino si Daniel para gamitin ang sitwasyon ito. Ngayong alam niyang mahihirapan siya kapag may nangyaring masama, mabilis niyang nilipat ang responsibilidad kay Butler Thompson. Kung magtagumpay si Daniel sa pagligtas sa kagalang-galang na lady, makukuha niya ang lahat ng karangalan. Sa kabilang banda, kung pumalpak siya at namatay ang dalaga
Read more

Kabanata 2139

“Hindi ko alam kung anong klaseng eksperto ka, pero hindi mo ba alam na masyadong mapanganib ang ginagawa mo?” tanong ni Harvey, habang sinusubukang pigilan ang kanyang inis. Masyadong delikado ang plano ni Daniel! “Ang tanging paraan para buksan ang pinto ng kotse ngayon ay tanggalin ang seat belt nang sobrang bilis, tapos ilalabas natin si Ms. Thompson.” “Pero ang lahat ng ‘yan ay dapat magawa na sa loob ng tatlong segundo!” “Kapag nabigo ‘yung sasagip sa kanya, masasama ito sa kanya sa ilog!” “Kung ikaw talaga ang isang eksperto na gaya ng sinasabi mo, dapat alam mong ito na lang ang tanging paraan!” “Ang tanging paraan?” Habang nakikinig sa paliwanag ni Harvey, alam ni Daniel na may pag-asang magtagumpay ang plano ni Harvey, kahit napakaliit pa ng pag-asang ito.Ngunit ang isang tunay na lalaki ay hindi tatayo sa tapat ng isang gumuguhong pader. Alam ni daniel na maaapektuhan ng planong ito ang kanyang reputasyon. Tumanggi siyang gawin ang plano ni Harvey. “Mula sa n
Read more

Kabanata 2140

Ang malala pa dito, tingin nila si Harvey ay isang taong sinusubukang isugal ang buhay ng isang babae para sa sarili nitong kapakanan! ‘Talagang mayroong naglalakas-loon na paglaruana ng buhay ni Ms. Thompson! Gusto niya sigurong mamatay!’ Maraming magagandang babaeng nandoon ang hindi maitago ang kanilang pandidiri. Tinitigan nila nang masama si Harvey, at ang kanilang mukha ay sumama nang may panghahamak. ‘Talagang ang taas ng tingin ng sinungaling na ‘to sa sarili niya! Talagang sinusubukan niyang agawin ang eksena mula sa isang safety management expert!’ “Kahit na sumunod ka sa plano niya, hindi dapat niya basta itulak ang kotse gamit ng kanyang kamay. May static electricity sa katawan ang mga tao. May posibilidad na magliyab ang tangke kapag nahawakan niya ang kotse…” Mahinahong paalala ni Harvey, determinadong magpumilit. Ayaw talaga niya makitang mamatay nang para sa wala ang babae. “Tigilan mo na ang pangungulit mo, bata!” Bago pa matapos si Harvey, kaagad siyang
Read more
PREV
1
...
212213214215216
...
518
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status