Home / Urban / Nagkakamali kayo ng Inapi / Chapter 2071 - Chapter 2080

All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 2071 - Chapter 2080

5173 Chapters

Kabanata 2071

Sa loob ng Mordu Central Police Station, sa interrogation room. Pinanood ni Harvey ang balita sa telebisyon. Inuulat sa balita ang isang masaklap na kidnapping na nangyari kaninang hapon. Ang Seifudo, isang organisasyon na mukhang disente at matino sa ibabaw, ay sangkot pala sa pagdukot sa isang dalaga na nagmula sa kilalang mga Smith, isa sa top ten rated families sa Mordu! Hindi pinaalam ang pagkatao ng kidnapper, pero sinuyod ng awtoridad ang Seifudo. Ang mastermind, si Mike, ay ipinatapon rin sa kulungan. Habang nagpatuloy si Harvey na panoorin ang balita, ininom niya ang tsaa niya. Nginitian niya si Otis Kye na nakatayo sa tabi niya. "Ikaw na ulit ang bahala, Chief Inspector Kye."Mapait na tumawa si Otis. "Ayos lang. Napakabuti ng ginawa mong pagtindig sa tama at pagligtas mo kay Lady Smith." "Higit pa sa mga nagawa mo noon, kailangan ko talagang humiling ng commendation para sa'yo." "Kung gagawa ka ulit ng ganitong bagay sa susunod, Sir York, maaari bang tawag
Read more

Kabanata 2072

"Natiyak ng para bang pagiging padalos-dalos mo ang kaligtasan ni Lady Smith. Kasabay nito, nabawasan ng paraan ang kalaban mo para bantayan ka." "Hindi naman siguro malayo na tawagin itong isang napakagandang plano, hindi ba?" Ngumiti si Harvey, pero hindi siya nagbigay ng diretsong sagot. "Masyado kang mabait." "Maliban roon, suspetsa ko ay may iba ka pang naisip na layunin…" patuloy ni Otis. “Oh?”Gustong malaman ni Harvey kung gaano karami ang naisip ni Otis. "Sir York, sa tingin ko sinasadya mong magpadalos-dalos para lituhin ang mastermind sa likod ng insidenteng ito." "Kung magkakamali ang kalaban tungkol sa tunay mong pagkatao dahil sa insidenteng ito, ipapakita nila ang kamalian mo sa sandaling kumilos sila laban sa'yo. Ang isang maliit na pagkakamali ay maaaring mauwi sa isang malaking pagkakamali." "Kahit papaano, mula sa pananaw mo, umahon sa plano mo ang lahat ng nangyari sa araw na'to. Tama ba ako?" Napuno ng malalim na paghanga ang mukha ni Otis na par
Read more

Kabanata 2073

Bahagyang kumunot ang noo ni Garry. Tahimik siya. Totoo ba tinawagan niya ang pinsan niyang si Kristan. Sinabi niya rin sa lahat na tutulungan niya si Harvey. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya inasahan na makakalabas nang ganito kabilis si Harvey. Hindi nagsalita si Garry sa sandaling iyon. Tinitigan niya si Harvey, sinusubukan niyang malaman kung anong pakulo ang tinatago ni Harvey. "Ayos ka lang ba, CEO York?" Bumuntong-hininga si Yvonne. Pagkatapos lumipas ng insidente, nagpapakita ngayon ng matinding pagsisisi si Michelle kay Harvey. "Oh, Harvey. Nagkamali talaga ng tingin sa'yo noon! Kailangan kitang pasalamatan sa ginawa mo ngayong araw." Tumango si Harvey at ngumiti. "Wala lang talaga to. Lalo na't umabot na sa puntong ito ang sitwasyon. Sa tingin ko wala nang magtatangkang gumawa ng gulo sa inyo pansamantala." "Nangangako ako, makakabalik kayo sa Smith family nang walang pag-aalala." Sa mga salita ni Harvey, nanigas si Michelle at nanahimik. Gayunpa
Read more

Kabanata 2074

Nakita ni Hazel na nagpaalam si Yvonne at naisip niya na naiinis si Yvonne kay Harvey. Nang maisip niya iyon, tinitigan nang masama ni Hazel si Harvey at sarkastikong ngumisi, "Narinig mo ba yun, Sir York?" "Huling beses na'to! Hindi ka na ipagtatanggol ni Young Master Duncan!" "Babalaan kita tungkol sa isang bagay. Napasok sa maraming gulo ang Malone family nang dahil sa'yo!" "Mas mabuti kung mag-iimpake ka na at umalis ka na ng Mordu ngayon din! Wag ka nang lumitaw sa harapan ng pamilya ko kahit kailan!" "Bakit ba pinatawag dito ng tatay ko ang isang mahirap na kamag-anak na kagaya mo mula pa sa Buckwood?! Ugh, pinagsisisihan ko talaga to ngayon!" "Mula sa umpisa, sinusubukan mo kong makuha, hindi ka nababagay sa'kin!" Sumigaw si Hazel habang puno ng pandidiri ang mukha niya. Sinundan siya ng mga kasama niyang influencers at tinitigan nang masama si Harvey. Puno ng galit at pangmamata ang mukha nila. Naningkit ang mga mata ni Harvey. Handa na siyang bigyan ng masakit
Read more

Kabanata 2075

Nang makita nila ang ekspresyon ni Garry, mas lalong nasabik sina Hazel at ang mga influencer. Namula ang mga mukha nila. Tumalikod sila para titigan nang masama si Harvey bilang babala. "Babalaan kita, Harvey York. Tigilan mo na ang pagkapit mo sa'min!" "Hindi ka namin hahayaang makapunta sa birthday banquet kahit na anong mangyari!" Ngumiti si Harvey at hindi nagsabi ng kahit na ano. Gusto niyang sampalin si Garry, pero pagkatapos niyang mag-isip sandali, naisip niya na si Terry Smith siguro ang nasa likod ng operasyon na ito pagkatapos kumalat ng balita na nailigtas na si Michelle. Magiging aligaga siya sa pagpaplano kasama ni Yvonne; wala siyang oras para makipagtalo sa isang hangal na kagaya ni Garry. …Kalahating oras ang lumipas, sa loob ng isang Toyota Alphard. Pinadala ni Yvonne ang nanay niyang si Michelle sa isang high class na five-star hotel. Nasa tabi ni Michelle sina Handel para siguraduhin ang kaligtasan niya. Samantala, naiwan sa loob ng kotse sina Harve
Read more

Kabanata 2076

Mukhang swabe at kaakit-akit si Terry dahil sa kagwapuhan niya, pero malinaw ang kagustuhang pumatay sa mga mata niya. Isang malamig na aura ang lumabas sa katawan niya at nagmukha siyang nakakatakot. Nakatayo sa tabi niya ang ilang taong nakasuot ng malinis na tradisyonal na kasuotan. Lahat sila ay mga miyembro ng Smith family, pero sa kabila ng katayuan nila, hindi sila nagtangkang magsalita kay Terry. "Una si Yvonne, ngayon naman si Harvey."Pinutok ni Terry ang huling bala. Napakalamig ng ekspresyon niya. Para isiping pumuslit talaga si Yvonne sa Seifudo para iligtas ang nanay niya nang may tulong ng iba. Ginamit niya pa ang pangalan ni Zeke para maipit si Terry at nagresulta ito ng malaking kawalan sa kanya. Kahit na hindi ito talagang malaking dagok kay Terry na lihim na mastermind sa likod ng maraming pangyayaring naganap kamakailan, hindi rin ito basta-basta lang. Ang pinakamalaking problema ay hindi na niya makokontrol si Yvonne dahil wala na ang hostage niya. Nap
Read more

Kabanata 2077

Pagkalipas ng kalahating oras, dumating si Fletcher sa isang building malapit sa villa sa tabing-dagat na para bang isang lighthouse. Pinihit niya ang hawakan ng pinto at pumasok. Ang dapat na marumi at magulong kwarto sa loob ay mukhang malinis at maayos. Sa loob ng kwarto ay isang magandang babae na mukhang nasa tatlompung taong gulang, nakasuot siya ng damit na nagpapabata sa itsura niya. Nakaupo siya nang nakadekwatro sa upuan. Malamig ang ekspresyon niya at sa pagdala niya sa sarili niya ay para siyang isang diyosang walang pakialam na nahulog mula sa langit. Nakakayanig ang napakaganda niyang itsura. Sa segundong makita siya ni Fletcher, napuno siya ng walang katapusang paghanga. Napilitan siyang huminga nang malalim para itago ang kanyang mainit na nararamdaman. Pagkatapos nang mahabang sandali, tahimik siyang bumulong, "Madame Cloude." Hindi kumibo ang diyosa na nakaupo sa harapan niya. Kanina pa nakapikit ang mga mata niya. "Madame Cloude, nagbigay ng utos ang p
Read more

Kabanata 2078

Alas nuebe ng gabi sa Mordu Marina. Hawak ni Harvey ang isang imbitasyon na inihanda ni Aiden at limang milyong dolyar, pagkatapos ay sumakay siya sa isang magarang cruise. Ayon sa impormasyong nakuha ni Aiden mula kay Noriko, ito ang nagsisilbing pangunahing pinagkakakitaan ng Shindan Way sa loob ng Mordu. Ang mga taong madalas dito ay mga mayayaman o makakapangyarihang manunugal. Ang ganitong cruise ship ay nasa ilalim ng batas ng Country H. Maghahanda ang barko na umalis tuwing alas nuebe ng gabi at hihinto sa gitna ng dagat. Uulit ang proseso araw-araw at paulit-ulit rin ang kasakiman na walang katapusan. Nakatutok ang barko sa pera at babae sa ilalim ng gabi at karagatan. Nagkataon na ito rin ang pinakamalaking kagamitan ng Shindan Way para kumita ng pera. Kung wala ang barko, ang Shindan Way, na isa lang sa Six Schools of Martial Arts mula sa Island Nations, ay mababawasan ng kita ng isang katlo ng orihinal na halaga nito. Hindi lang sila tinutulungan ng barko na ku
Read more

Kabanata 2079

Mula sa kinikilos ni Harvey, sigurado ang Islander sa tabi niya na ito ang unang beses ni Harvey sa barkong ito. Ngumiti ito at sinabi, “Dapat tumaya ka nang malaki para sa one million yen, Mister.” “Mukhang maswerte ka. Siguradong mananalo ka!” Sa lahat ng nandoon, hindi naman mukhang malaki ang isang milyong yen. Siguradong may kakaiba na inuudyok ng babaeng ito si Harvey sa ganitong paraan. Tiningnan ng lahat si Harvey na parang nasasabik sa isang magandang palabas. Hindi pinansin ang mapanghamak na titig ng mga ito, at ihinagis niya ang kanyang million yen chip sa lamesa nang mukhang masaya.“Makikinig ako sa magandang dalagang ito. Tataya ako nang malaki!” Nagtinginan ang mga manonood habang nakangiti. Hindi sila sumunod sa taya ni Harvey.Ang nakakabighaning dealer. Isang babaeng napakaganda, ay ngumiti sa mga manlalaro. “Pakisiguro na ang taya niyo.” Binuksan niya ang takip ng baso, ipinakita ang lahat ng dice sa loob. “Four, five, and six. Fifteen in total!
Read more

Kabanata 2080

Pagkatapos umami ng milyun-milyong halaga ng barya, naging sentro ng atensyon si Harvey. Ang mga sumunod sa taya ni Fane dito ay kumikita rin ng pera. Nagsimulang isipin ng lahat na si Harvey ay isang napakamaswerteng tao.Sa kabilang banda, ang mga taong nawalan ng pera ay nagsisi na kinalaban nila si Harvey. Maraming babae, na ang mukha ay punung-puno ng eleganteng kolorete, ay nakatingin kay Harvey, iniisip na isa itong mayamang tagapagmana. Kapag kumapit sila sa kanya, siguradong malaki ang makukuha nila! “Tuloy lang, tuloy lang! Babe, ano sa tingin mo ang dapat nating itaya ngayon?” Tumawa nang malakas si Harvey, makikita ang kayabangan sa kanyang mukha. Ngumiti ang Islander. “Siguradong maswerte ka, Mister. Dapat itodo mo na. Mag all in ka na sa Triples.” “Tataas nang dalawampu’t-apat na beses ang mapapanalunan mo kapag nanalo ka sa Triples.” “Mag-uuwi ka ng 1.2 billion…” Tumingin siya nang malambing kay Harvey habang nagsasalita.“At pati na ako…” “Sige, ma
Read more
PREV
1
...
206207208209210
...
518
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status