Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 1861 - Kabanata 1870

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 1861 - Kabanata 1870

4943 Kabanata

Kabanata 1861

Sa numero unang villa sa Fragrant Hill. Nag-uwi si Harvey ng ilang mangkok ng noodles bilang midnight snack para kina Kait Walker at sa iba pa. Pagkatapos marinig si Harvey na simpleng magkwento tungkol sa nangyari, sobrang natakot si Brennan Stanton at hindi siya makakain pa ng noodles niya. Hindi niya inakala na basta-bastang papayag si Harvey na turuan siya ng isang nakakatakot na atake. Ang isang simpleng sampal na kagaya nito ay katapang paliparin ang sarili niyang master. 'Isa siyang pro! Isang tunay na pro! 'Hindi ko man lang maikumpara ang sarili ko sa kanya!' Takot lang si Brennan kay Harvey bago ito, pero kumbinsido na talaga siya sa sandaling ito. Naglaho ang pagdududa sa loob ng puso niya sa isang kurap. Hindi man lang niya ito tinago noong tinawag si Leonard Bray. Simple lang siyang nagkomento kay Leonard sa harapan ni Harvey. Hindi nagtagal ay ngumiti si Brennan. "Sir York, sinabihan ako ng master ko na manatili muna rito pansamantala. Sinabihan niy
Magbasa pa

Kabanata 1862

Kalmado ang ekspresyon ni Harvey York. Arogante si Justin Walker, patuloy niyang sinusubukan si Harvey dahil lang siya ang deputy branch leader ng Longmen branch sa Mordu na may sumusuporta sa likuran niya. Hinanap pa ni Justin si Chief Leonard Bray. Simple ang layunin niya: ang tuluyang patahimikin si Harvey. Naghahanda si Harvey para magdusa siya nang malaki dahil dito. Para naman sa pagiging branch leader ng Longmen branch sa Mordu, wala siyang kahit na kaunting pag-asa. Hindi pa kinuha ni Harvey ang posisyon ng branch leader dahil gusto niyang makita ang mga taong lilitaw para angkinin ang posisyon. Maliban roon, gusto niyang ayusin ang sitwasyon nang kakaunti lang ang mamamatay para mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng Longmen branch sa Mordu. Kung hindi dahil sa lahat ng iyon, pinatay na ni Harvey si Justin gamit ng sampal. Hindi malaman ni Kait kung anong tumatakbo sa utak ni Harvey. Nag-aalala siyang sumagot, "Harvey, naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo. "Pero
Magbasa pa

Kabanata 1863

"Ang g*gong yun! Sumosobra na siya! "Papatayin ko siya! "Papatayin ko talaga siya!" Sa loob ng VIP na kwarto sa Fraternity Hospital ng Mordu, umiinom ng tubig si Angelina John, na kaya pang ikilos ang itaas na bahagi ng katawan niya, sa mga sandaling iyon. Pagkatapos niyang marinig ang paliwanag ni Justin Walker sa buong proseso, galit na galit niyang ibinato ang baso sa lapag. "Saan nakuha ng g*gong Harvey York na yun ang lahat ng tapang niya?! "Gusto niya ang katotohanan? Isang patas na pahayag?"Tapos gusto niyang tumaas sa ranggo si Kait Walker? "Anong iniisip niya?! Bakit di na lang niyang gawing si Kait na rin ang master ng henerasyon namin?! "Sinasabi ko sa'yo, Justin. Nangyari ang lahat ng to dahil inuutusan ng anak mo ang lalaking iyon! "Kung hindi dahil sa kanya, paanong malalaman ng isang probinsyano kung paano gumawa ng ganitong bagay?! "Kailangang bumalik ni Kait ngayon din at managot sa batas ng pamilya natin! "At gamitin mo ang lahat ng kapangyarih
Magbasa pa

Kabanata 1864

"Hindi ba bagay na bagay sila? "Tutuparin natin ang pangarap nila pagdating ng panahon. Patayin natin sila nang magkayakap! “Heh…”Habang nag-iisip ng paraan kung paano tatapak-tapakan si Harvey York, isang namumuhing ngiti ang lumitaw mula sa mukha ni Angelina John. Biglang nanigas ang katawan ni Angelina sa gitna ng kanyang pagsasalita at bumagsak siya ulit sa kama. Napalingon si Justin Walker at nakita niyang nanigas ang ngiti sa mukha niya. Talagang nakakapangilabot ang eksenang ito. Nakaunat ang mga kamay niya na parang paa ng manok. Kahit na parang nananakot ang itsura nito, hindi na siya gagaling mula rito. Nilamon ng takot ang mapagmataas na si Angelina nang ginamit niya ang lahat ng lakas niya para sumigaw sa sakit. "Justin! Nauubusan na ako ng oras! "Tanggapin mo na ang mga kondisyon niya! Lahat ng yun! "Pagalingin na niya ko! Dali!" ***Sa sumunod na araw, simpleng naglakad si Harvey kasama ni Kait Walker sa Fraternity Hospital VIP sickroom pagkatapos
Magbasa pa

Kabanata 1865

Kalmado si Harvey. Wala siyang alam tungkol sa medisina at parmasiya. Pero parehong-pareho ng kay Dr. Frost ang paliwanag niya. Ayon sa pag-aanalisa ni Frost, isang araw na lang ang natitira kay Angelina John. Sa puntong ito, naniwala si Justin Walker na hindi lang basta may sakit si Angelina. Kagaya ng sinabi ni Harvey, isa itong pambihirang sakit. Sa simula pa lang ay hindi pareho ang sistemang ginagamit nilang dalawa. Imposibleng mapagaling gamit ng medisina si Angelina. Nang hindi nagdadalawang-isip, huminga nang malalim si Justin at nagsabing, "Sir York, kung naiintindihan mo ang sitwasyon ni Angelina, maililigtas mo ba siya?" "Walang problema," kaswal na sumagot si Harvey. "Pero pareho pa rin ang sasabihin ko sa'yo: basta't papayag ka sa mga kondisyon ko, ililigtas ko siya. "Una, bigyan mo sina Kait at ang nanay niya ng paliwanag. Ang buong katotohanan. "Pangalawa, mapupunta kay Kait ang posisyon bilang CEO ng Walker Corporation. "Basta't pumayag ka sa mga kon
Magbasa pa

Kabanata 1866

Nakahinga nang maluwag si Justin Walker pagkatapos makitang tumango si Harvey, pagkatapos ay tahimik na nagsabi, "Harvey. Kahit na hindi ko pa natutupad ang mga kondisyong iyon, naipakita ko na sa'yo ang sinseridad ko. "Umaasa ako na gagawin mo ang lahat para pagalingin si Angelina John. "Wag mo sanang sabihin sa'kin na maghihintay ka hanggang bukas. Pagdating ng araw na iyon, baka manatili siyang gulay buong buhay niya." Tumawa si Harvey. "Hindi na masama, kahit papaano nakikita ko na tapat ka. "Wag kang mag-alala. Palagi akong tumutupad sa usapan." Sinenyasan niya ang iba na umalis muna sa kwarto pansamantala at naglakad siya papunta kay Angelina. Kumuha ng scalpel si Harvey habang nakatingin kay Angelina na kasing tigas ng bato, pagkatapos ay humiwa sa kanyang pulso. Sumirit ang isang daloy ng dugo na napupuno ng malamig na hangin na nagpalamig nang kaunti sa kwarto. Kasabay ng eksenang ito, nakikitang lumalambot nang mabilis si Angelina. Sandali lang ay mahinang
Magbasa pa

Kabanata 1867

Mapang-asar na sumagot si Harvey, "Deputy Branch Leader Walker, maraming taon ka nang nasa ganitong uri ng trabaho. Paanong hindi mo pa rin naintindihan? "Wag kang manakit ng ibang tao… "Pero dapat kang mag-ingat sa iba! "Hindi mo ba talaga alam kung bakit ako nag-iingat nang ganito sa'yo?" Bahagyang tumawa si Justin Walker. "Wag kang mag-alala, Sir York. Gagawin ko ang lahat para sa kapakanan ng asawa ko." Ngumiti lang si Harvey. Sinama niya si Kait Walker sabay umalis. Kuminang ang mga mata ni Justin sa sandaling nakaalis na si Harvey, pagkatapos ay may tinawagan siyang numero sa phone niya. "Prince Jean, bibigyan ko ng pahayag si Kait bukas sa Walker family club. "Kasabay nito, iaanunsyo ko ang kasal mo sa kanya! "Tama, madaling matatalo ng lalaking nagngangalang Harvey si Leonard Bray. Wala akong masyadong magagawa tungkol sa kanya. "Sana makaisip ka ng plano laban sa kanya, Prince. "Mas mabuti kung permanente na natin siyang tatapusin bago makuha ni Kait an
Magbasa pa

Kabanata 1868

Alas diyes, Lujiazui, sa loob ng isang malaking meeting room sa Walker Corporation building. Naroon ang bawat isang higher-up ng kumpanya. Ang bawat isa sa kanila ay may awtoridad, katayuan, at binabanggit nila ang kahit na anong nasa isipan nila. Nang naglakad si Kait Walker, na naka-itim na suit, kasama ni Harvey, na kalmadong-kalmado, tinitigan sila ng lahat nang may mapangmatang mga mata. Puno ng pagkamuhi, pagdududa, at rebelyon ang mga titig nila, pero wala sa kanila ang nagpakita ng pagsunod sa mga mata nila kagaya ng gusto ni Harvey. Natural lang na sa mga mata nila, nasira ng biglaang pag-akyat ni Kait ang pinapakinabangan ng mga taong ito sa mga negosyo nila sa puntong ito. Iyon ang dahilan kung bakit siya kusang kinakalaban ng mga higher-up. Sa lahat ng mga taong iyon, isang lalaking nakasuot ng Armani suit habang may sigarilyo sa bibig at mukhang isang playboy ang pinakamukhang hindi natutuwa. Sa loob ng malawak na meeting room, makasarili siyang bumubuga ng
Magbasa pa

Kabanata 1869

Naningkit ang mga mata ni Harvey habang tinitingnan ang lalaking nakasuot ng damit na Armani.Kasabay nito, walang-bahala niyang binasa ang mga dokumentong hawak niya.Napakabastos ng lalaking ito at hindi man lang nirespeto si Harvey. Malinaw na mula ito sa isang malaking pamilya.Hindi nagtagal ay nalaman ni Harvey ang impormasyon tungkol sa lalaking ito. Ito ay si Ronald John, ang pinsan ni Angelina John at isang malayong kamag-anak ng john family ng Golden Sands.Higit sa lahat, siya ang dating executive CEO nito. Ngayong kukunin na ni Harvey ang posisyon, mangangahulugan ito na si Ronald ay babalik na lamang sa pagiging isang karaniwang may mataas na ranggo. Bago pa makapagsalita si Harvey, tinitigan nang masama ni Kait si Ronald at sinabi, “Ronald John, pakiusap mag-isip ka muna bago magsalita.“Alam na alam mo kung paano ko nakuha ang posisyong ito. Hindi mo ako masisiraan gamit lamang ng ilang salita. “Atsaka, bilang CEO, may kapangyarihan akong magtalaga ng isang ta
Magbasa pa

Kabanata 1870

Nangyari ang lahat ng ito dahil tinanggal ni Kait Walker si Ronald John sa posisyon nito bilang executive CEO. Si Kait ang sasalo ng sisi kapag bumagsak ang stocks ng kompanya. Baka kailanganin niya pang bumaba sa pwesto dahil sa insidenteng ito!Madaling sabihin na ang mga ito ay mga patibong na inilatag ni Justin Walker at Angelina John para sa kanya.Magmumukhang walang kwenta si Kait kapag natanggal siya sa pwesto sa unang araw niya, at hindi ito magiging kasalanan ni Justin sa hindi nito pagtupad sa kanyang pangako! Nang maunawaan nila ang sitwasyon, hindi man lang nag-abala ang mga may mataas na ranggo na ipagtanggol si Kait. Lahat sila ay mapang-asar na nakatingin sa kanya, tinitingnan kung paano niya lulutasin ang problemang ito! Pagkatapos makitang nakasimangot si Kait, walang-bahalang umupo pabalik si Ronald at pinagpatong ang kanyang mga binti. “CEO Walker, huwag na nating pag-usapan kung dapat ba akong ibalik bilang executive CEO o hindi. “Dapat siguro humingi
Magbasa pa
PREV
1
...
185186187188189
...
495
DMCA.com Protection Status